"Ang malinaw: MALABO KA."
~The UST Files
Simula nang pagtripan ako ni Jack tungkol sa ice cream, nahiya na akong lumapit sa kanya.
Ang awkward kaya ng ganung situation. Juice ko day! Maloka naman kasi ako.
Ikaw ba naman kasi ang manyakin ang kamay diba?
His haaaands~
His virgin daliriiii~
Ang halay sa paningin
Nilapastangan niya ang karapatang pantao ko.
At dahil doon kaya pilit ko siyang iniiwasan.
Si Jack lang naman ang chicser na vocalista ng Beenstalk, school band namin siya. May apat pang ibang members:
1. Si Ino. Also known as Faustino Rivera. Mayaman ang loko. Matangkad na payatot. Makapal ang kilay na medyo patulis yung dulo kaya nabababantutan ako sa itsura niya. Pero kahit ganito ko siya nilalait, aminado akong gwapo siya. Kaya nga lahat ng mga kaklase ko na taga-Engineering Department halos maglupasay pag nagpeperform na siya. Siya ang Badboy na drummer ng grupo.
2. Alex. Hawig niya si Migz Haleco lol. Ang aking crush nung high school na kumanta ng Hey Daydreamer. One word kay Alex Miranda, Hot. Ay gravi-lang-ty! Chinito na medyo kulot ang buhok na parang harry styles ang dating niyan kaya naman bet na bet ng mga kababaihan at kabaklaan. Tamang timpla ng brown ang kulay niya at 5'9 yata ang height kaya TDH package. At one more thing para sa aming Bassist, lagi lang siyang nakaplain na V-neck at jeans and Vans. Cool \m/
3. Next is Juan Macaraeg III, or Ju-Wan. Eto talaga ang kanin na ulam pa. Gwapo, Varsity, DL, at Student Council Chairman. Juice ko day!! Nilalamon niya sa katalinuhan at kagwapuhan ang aming mga guro kaya laging flat one. Edi siya na XD
Pero may mega turn-off ako sa kanya, favorite niya ang pink pucha-.-
Siya ang lead guitarist ng banda.4. At last but not the least si Kirby Sandoval. Eto na yata ang pinakakinaiinisan ko sa kanilang lahat bukod sa lead vocalist na si Jack. Why? Dahil mayabang. Sobrang yabang to the point na nambubully siya ng mga babae at pati mga faculty members minsan binabastos niya na. May lahing Italiano ang gagong to kaya obvious na sobrang gwapo niya. Plus, Chess player siya at hindi madedeny na magaling to sa Math. Siya ang tumutugtog ng Saxophone. Awesomesauce!
Pero bakit ko nga ba sila pinapakilala?
Nakasalubong ko kasi sila kanina. At hindi ko ineexpect na lalapitan ako ng apat na kulugo.
"Diana, right? Sa wakas nameet na rin namin ang 'the one' ni Master Jack!" bungad sa akin ni Alex. Nabanggit ko bang crush to ni Ian bakla?
Shutanginabelles beybeh! Ang tall at ang gwash!
Kaso ang lapit niya sa akin kaya halos tumingala ako habang kinakausap siya. Nananadya yata to e-_-
"Wahaha! Layo ka nga ng konti Alex." entrada ng balasubas na si Kirby. "Potek! Baka mangawit ang leeg ni Miss beautiful kakatingala sayo."
Aba, ginagago pala ako nito e.
Watch me!
"I'm sorry pero, sino po kayo?" painosenteng tanong ko sa kanila.
"What the?! I understand kung bakit di mo kilala yang tatlong yan. Pero, sa gwapo kong to, di mo ko kilala??" gulat na gulat si Kirby. Wahaha! Kala niya papatalo ako sa kayabangan niya? No way!
"Uhm, actually, si Alex kilala ko pala dahil kamukha niya si Hey Daydreamer. Si Juwan naman sikat sa block namin dahil matalino at gwapo. At si Ino naman, kilala ko siya sa pangalan dahil maraming nagsasabing gwapo daw talaga siya," natuwa naman ako dahil parang nahiya pa yung tatlo nang sabihin kong gwapo sila.
BINABASA MO ANG
Jack n' Poy (Mahal ko o Mahal ako)
Teen FictionKung bitter ka, siguradong mas bitter ako. Kung galit ka sa mga nakasalubong mong sweet couples na naka-couple shirt at hhww nung Valentines day, mas lalo naman ako. Kaya nga ayoko ng Pebrero e! Hay bwiset! Gusto kong manapak.