Ikatlong Kapitulo: When shits get real

11 0 0
                                    

Di ako makatulog.

Bakit?"

Kasi mainit dahil nga brownout. Pangalawa, exam na bukas at hindi na ako nakapagreview ng maayos dahil nga walang ilaw.

At pangatlo, low battery pa itong phone ko kaya hindi ko maitext si Jack para maipaliwanag yung Shit na dapat Shirt.

At ang malala pa nga, wala nga pala akong number niya kaya paano ko siya matetext?

Ang malas ko talaga tuwing Pebrero. Buset na buwan yan!

Paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi naman dapat Shit yun?

Teka, bakit nga ba kasi kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya? As if I care -.-

Pero, paano kung ipagkalat niya yun? Paano na ang image ko? Paano na ang scholarship ko? Paano na ang kinabukasan koooooo?

OA na bh3

Ayy, konsensiya nariyan ka pala.

Naknangteteng?! Umaga na agad?

Alas singko na pala? Hindi pa ako nakakatulog huhu.

---

Dire-diretso lang akong nagtungo sa room namin. Wala akong pakialam kahit kanino, basta gusto kong makaidlip kahit saglit lang.

Pati nga yung exam nakalimutan ko na sa sobrang antok ko.

Nang mapuno na ang klase ay umayos na ako ng upo.

Inaantok talaga akooo T.T

Dinukot ko na ang bulsa ng bag ko para kunin ang ballpen ko.

kapa dito, kapa doon

Shit! Wala pa nga yata akong ballpen.

Maya-maya ay kinalabit ako ng isa sa mga kaklase ko, si Michael. Sa pagkakaalam ko ay crush ako nito dahil blah blah blah. At katabi ko siya ngayon.

"Wala ka bang ballpen, Diana? Eto o, gamitin mo na muna," sabay abot sa akin ng kanyang ballpen na tila ba hiyang-hiya siya.

"Thanks," siyempre nginitian ko na siya. At dahil dun ay pulang-pula na ang tenga niya. How gay is that. And i hate it tss.

"Good morning block B!"

Para namang nakakita ng multo ang lahat nang makita ang nagsalita. At sumunod na narinig ko na lang ay ang nakakabinging sigawan. Punyeta lang.

Pero parang pamilyar ang boses niya.

"So dahil wala ngayon si Sir Damaso, ako muna raw ang magbantay sa inyo ngayong araw."

Nang tingnan ko kung sino...

Si Jack. Nakupo lagowt.

At nang tingnan ko siya ay sakto namang nagtama pa ang aming paningin. Good Lord, kunin mo na ako please.

Nagsimula na siyang magdistribute ng mga Answer sheets. Hindi naman ako makatingin ng diretso dahil alam kong may kasalanan pa ako sa kanya.

Hala?! Bakit nasa harap ko na siya?

"Bawal manghiram ng ballpen," napalunok ako nang maalalang pinahiram nga lang pala ako ni Michael ng ballpen. "Is that clear, Miss Grande?"

Grande po talaga ang last name ko. At sa hindi ko malamang kadahilanan, ibinalik ko ang ballpen ni Mike. Nakita ko ang concern sa mga mata niya na para bang gusto niyang ibalik ang ballpen na ibinalik ko na sa kanya.

Ang corny ni Mike please.

"Good," nakita kong nag-smirk pa ang loko nang makitang sinunod ko siya. "Eto o."

Jack n' Poy (Mahal ko o Mahal ako)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon