A p o c a l y p s e 21:

549 55 5
                                    

MAX POV

Tinignan ko ang oras sa relo ko at 11:46 na pala ng gabi at ito pa rin ako nagd-drive pa rin ng kotse.

Nananakit na ang p'wet ko sa tagal kong nakaupo rito habang si Cyrien tulog na tulog sa likod.

WHEW SOSYAL TALAGA ANG AMP.

Agad kong tinigil ang pagmamaneho dahil sa isang lalaking humara sa dadaanan ng kotse.

"Are you blind?!" sigaw niya pa sa 'kin at hinampas n'ya pa ang unahan ng kotse ko.

LANGHIYA 'TO AHH

Siya itong humara sa dadaanan ng kotse tapos s'ya yung magagalit. Letche s'ya alam n'ya ba kung magkano ang kotse ko na 'to?

"Get out of my way silly boy!" sigaw ko sa kan'ya habang nakadungaw sa labas ng bintanang nasa tabi ko ang ulo ko.

Umalis naman s'ya pero dumiretso s'ya ng pasok sa kotse ko at umupo s'ya sa tabi ko.

Walang hiya talaga kaniya ba itong kotse para sumakay ng walang paalam? Guwapo nga pero walang hiya.

"Let's ride." sabi n'ya pa sa 'kin sabay ngiti ng nakakaloko.

"Who told you na pwede kang sumakay dito?" sakrastikong tanong ko sa kan'ya kaya tinaasan niya ako ng kanang kilay.

"My self told me that." sakrastikong ring sagot n'ya kaya napabuntong hininga na lang ako sa inis.

"Get lost." Nagpapakalmang ng sariling usal ko rito.

"May kasama ka pala hindi mo sinabi." Pagbabago niya pa sa usapan at nilingon n'ya pa si Cyrien sa likod na tulog na tulog.


Kapag hindi ka talaga bumaba kakaladkarin kitang h@yop ka. Tigas ng bungo hayysstt buwiset talaga.

"Bakit ko sasabihin?" inis na sabi ko sa kan'ya kaya nabaling na naman ang tingin n'ya sa 'kin.

Nakipagtitigan muna siya at ganoon din naman ako sa kan'ya pero hindi n'ya nakayanan ang titig ng isang MAXIME HARIZ kaya s'ya na mismo ang umiwas ng tingin sa akin.

"Get lost!" inis na sigaw ko sa kan'ya.

"By the way how old are you?" tanong n'ya na naman ito naman ako hindi maiwasang hindi sumagot sa mga tanong n'ya.

"16." tipid na sagot ko.

"We're same.. Baka destiny talaga kita?" Patanong na sabi niya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Tss." singhal ko pa. "Get out of my car!" pasigaw na utos ko sa kan'ya pero tinawanan n'ya lang ako.

Ano nakakatawa roon?

"Kotse mo ito?" tanong n'ya sa akin sasagutin ko na sana nang bigla uli siyang magsalita. "Ang bata mo pa may kotse ka na? Ako nga nanghigiram pa kay Mommy tapos ikaw–"

"Bakit imposible ba?" sakrastikong tanong ko uli sa kan'ya.

"Eh? Ang bata mo pa." Napapakamot pa sa batok na sabi niya.

Ano bang gusto niya? Away? Hirap na rin magpigil ng yamot sa gunggong na ito 'no!

"Baka ninakaw mo?" Nilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko.

WHEN THE ZOMBIES COME Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now