A p o c a l y p s e 22:

526 51 3
                                    

ZEKI POV

Grabe masusuka na yata ako sa sobrang bilis mag-drive ng Max na ito.

Nagalit ba s'ya sa sinabi kong hindi s'ya mukhang prinsesa? Kung ganoon binabawi ko na po, Lord! Maganda naman talaga s'ya e sino ba nagsabing panget s'ya?

"AAHHHH!" Malakas na sigaw namin ni Cyrien..

Walang sabi niyang hininto ang pag-drive dahilan nang pagkauntog ko sa kung anong bagay na nasa harap ko. Masyadong madilim kaya wala akong makita basta ang alam ko lang ang sakit ng noo ko may natamo pa yata akong bukol tsk.

"Max, why you drive so fast?!" Si Cyrien. "Nekekehilow." May accent pang dagdag niya.

Nekekehilow? Baka nakakahilo hahahaha.

Hay nako mas okay na sa akin ang ugaling gaya ni Max kaysa naman ganiyan kaarte.

"Bakit tumigil ka?" tanong ko sa kan'ya.

"Eh? Mukhang takot na takot ka na." Pang-iinsulto n'ya kaya nanlaki ang mga mata kong iniwas na lang ang paningin ko sa kan'ya.

"Cyrien, tawagan mo si Kuya." Walang galang na utos n'ya kay Cyrien at narinig ko naman ang pag-dial nito.

"Hello, babe?" Rinig kong sagot ni Cyrien sa kabilang linya natahimik naman siya saglit at saka... "What are you saying? I'm Cyrien not your driver!" Inis na usal niya.

"Huwag mo ng awayin tanungin mo na lang kung nasaan sila." Natatawang sabi nitong si Max kaya napangisi rin ako ng wala sa oras.

"Okay, where are you?" Nagpipigil ng inis na tanong ni Cyrien dito. "What the hell are you saying? Are you crazy? Okay, okay bye." Naiiritang pinutol ni Cyrien ang linya. "Max, na sa harap daw sila ng hotel, Venus Hotel daw ang pangalan."

"Okay." Tanging naisagot ni Max kay Cyrien.

OKAY? Lagi na lang ba s'yang naka-OKAY?

Patuloy lang si Max sa pagd-drive habang pinapalibot at nililingon-lingon n'ya sa tapat ng bintana ang paningin, ito naman ako naghahanap din sa tapat ng bintana ko kung meron ba roong Venus Hotel.

Sa pagkakaalam ko walang Venus Hotel dito sa lugar namin.

"Let's go." Anyaya niya at namauna na s'yang lumabas sa kotse at sumunod naman kami sa kan'ya.

Napatigil kami sa harap ng isang hotel na ang pangalan ay...

"Venue hotel." Basa ko sa pangalan ng hotel. "Ito na 'yun? E hindi naman Venus Hotel 'yan e Venue hotel iyan." Angal ko pa.

"Hindi mo kilala ang kapatid ko abnormal iyun." Seryosong sabi niya kaya natahimik ako.

Baka abnormal nga. Si Cyrien nga na kausap ang Kuya niya sa phone halos mainis na kakausap dun. Tsk-tsk-tsk baka lahi sila ng mga abnormal? Shhkk baka nga, galing ko talaga.

"Cyrien, tawagan mo uli si Kuya." Utos ni Max dito kaya maarteng dinial ni Cyrien ang number ng kuya ni Max.

"Hel-" hindi natapos ni Cyrien ang sasabihin n'ya ng hablutin ni Max ang phone rito.

"Hello, Kuya." Walang emosyong sagot ni Max sa kabilang linya. "Yes, we're here where are you?" Maangas na tanong n'ya rito nagulat naman ako nang bigla n'yang sipain ang kotse n'ya. "What? Are you crazy?! Pinapunta mo kami rito tapos aalis din kayo ugag ka ba hah?" Inis na tanong n'ya pa ulit.

Ganya ba talaga s'ya makipag-usap sa Kuya niya?

"What?" nagtatakang tanong n'ya sa kabilang linya at luminga pa siya saglit sa paligid. "Wala namang zombies dito ah, pinagloloko mo ba ako Kuya, hah?" Inis na talagang tanong n'ya rito at tuluyan niya na itong binabaan ng phone. "Baliw talaga hayst." Pahabol n'ya pa at nayayamot siyang napakapit sa noo n'ya.

"So? What now?" Si Cyrien na nakapamewang pa.

"Manahimik ka." Si Max na lantutay na binuksan ang compartment n'ya at may kung anong hinalungkat rito.

Sabay kaming napalingon sa kung saan ni Cyrien habang si Max ay maangas lang sinara ang compartment ng kotse niya at ngayon ang angas ng dating n'ya.

Ang ganda n'ya pala talaga.

May nakasabit sa balikat n'yang sunday bag at may nakalagay doon na tatlong pirasong golf club.

Golf club? So ganoon pala s'ya kamayan? Engot mo talaga Zeki e apo nga ng Reyna e!

Para na akong timawa na kinakausap ang sarili kong isip. E di s'ya na ang mayaman.

"Tara." Yaya n'ya sa amin at sumakay na s'ya sa driver seat.

Sumunod si Cyrien na agad na sumakay sa back seat kaya sumakay na rin ako sa passenger seat na katabi ni Max.

BROOOMKKSS-

Hindi nag-start ang kotse ni Max kaya sinubukan n'ya uli itong paganahin.

BROOOMKKS-

Hindi na naman umandar.

Ano bang meron sa kotse n'ya? Wala akong alam sa mga kotse ang kaya ko lang ang magpaandar ng mga ito kaya ewan ko lang kung anong lagay ng sasakyan n'ya ngayon. Baka gutom B W A H A H A H A!

"Cyrien, tawagan mo uli si Kuya." Utos n'ya na naman dito kaya dinial ni Cyrien ang number nito.

"Walang signal." Si Cyrien.

"I think we need to find a gas station." Usal ni Max kaya nagdadalawang isip na nilingon ko s'ya.

"Maraming halimaw sa labas tapos gusto mo pang maghanap pa tayo ng gasolina, are you crazy huh?!" Inis na tanong ko sa kan'ya na kinangisi niya ng todo at nagseseryosong biglang tumingin siya sa akin.

"Hindi ko kasalanan kung isa kang duwag ang kasalanan ko lang ay sinama pa kita." Mayabang na saad n'ya napapahiya akong umiwas ng tingin sa kan'ya. "Kung naduduwag kayo bahala kayo sa buhay n'yo." Dagdag n'ya at tuluyan na s'yang umalis. "Hindi na ako babalik sa inyo na 'yang kotseng iyan."

Napakamot pa ako sa ulo habang tinatanaw si Max na naglalakad papalayo.

"Max, wait for me!" sigaw ni Cyrien habang maarteng tumatakbo huminto naman si Max sa paglalakad at naka-cross arm n'yang hinintay ito.

Lumabas naman agad ako ng kotse at namadali rin akong tumakbo papunta sa kanila.

"Akala ko ba takot ka?" Tanong sa akin ni Max kaya napapahiya akong napangiti sa kan'ya.

"Nagbago na ang isip ko, Mahal na Prinsesa." Nagbow pa sa harap nyang biro ko.

"Isa pang baliw." angil n'ya at nagpamauna na s'yang naglakad.


AYAW N'YA BA NG MAHAL NA PRINSESA? BAKA MAHAL LANG ANG GUSTO NIYA? HAHAHAHA!

WHEN THE ZOMBIES COME Season 1 (Completed)Where stories live. Discover now