🗝️Chapter 1

10 0 0
                                    

TINANAW ko ang aking tiya na sakay ng kanyang kotseng papaalis. Katatapos lang ng graduation ceremony namin at ayon na naman sya sa kanyang mga importanteng lakad sa buhay.

Sinabihan nya na akong hindi nya ako masasamahan na maipagdiwag ang pagtatapos ko ng kolehiyo dahil masyado syang busy para sa mga bagay na iyon. Naiintindihan ko naman at sa katunayan ay nagpapasalamat pa nga ako dahil kahit papaano ay nailagay nya ako sa schedule nya.

Simula kasi noong mamatay si nanay ay sya na ang tumayo ina sa akin at sa anim nya pang-anak. Sobra kong ipinapasalamat iyon. Masdiskarte sya sa buhay. Hindi biro ang magpalaki ng pitong bata lalo na at sumakabilang bahay na ang kanyang asawa.

Dalawa na lang ang hindi pa naka kapag tapos ng kolehiyo sa anim nyang anak. Ang apat sa kanila ay may mga trabaho na. Tinutulugan naman nila si tiya sa pinansyal na gastusin. Kung tutuusin nga dapat ay nasa bahay na lang sya dahil may mga professional na syang anak. Ewan ko ba dyan ang tigas din ng ulo.

"Uy Thalya! Saan na ang gamit mo? Don't tell me hindi ka sasama!" nakapameywang na bulyaw nya. Sya si Alexis. Ang bestfriend ko na kahit galit na ay malumanay parin.

"Sasama ako no. And besides nauna pa kaysa sayo ang mga gamit ko sa kotse." ngiting inirapan ko lang ito.

"Nakakainis ka naman. Halika na nga." Hinila nya ako papunta sa mga kaibigan namin.

Isang linggo palang ay nakapagplano na kami para sa summer vacation. Nakapagpaalam na ako kay tiya. Kinulit ko sya ng kinulit . Kinabahan pa nga ako dahil kahapon nya lang ako pinayagan.

Malayo pa lang ay dinig ko na ang boses nina Arnold at Joshua. Pareho kaming napatakip sa tainga dahil sa sobrang ingay. Hindi magkamayaw ang dalawang bakla sa katitili.

"Hoy! Anong meron?" usisang tanong ni Alexis nang makalapit kami.

Nandito kami sa isang gilid ng parking lot. Hinihintay ang iba pang sasama sa vacation.

"Kasi naman girl." excited na sabi ni Joshua.
"Na papayag ni Crestin si Aris na sumama sa atin." sabay na sabi nilang dalawa kasunod ang malakas ulit na tilian . Kaya Napatakip ulit ako ng tainga. Ang lalandi.

"Anong bago doon? Knowing Crestin ay mapapayag nya talaga ang ang isang President lister. Ikaw kaya ang biyayaan ng ganda at karisma." Maarteng saad ni Lorraine habang dala dala ang kanyang mga gamit na ilalagay sa van.

Napataas na lang ako ng kilay ng masulyapan ko ang dalawang pinapag-usapan nila. Simpleng naglalampungan ito sa likod ng kotse. Si Crestin ay kilala ng model sa University man o sa labas. Hindi lang ganda ang meron sya pati narin ang kagandahang psikal ngunit ewan ko na lang sa panloob. May pagka attitude ang babaeng yan.

"Ang bitter mo girl!" sigaw naman sa kanya ni Arnold . "Panira ka talaga ng moment." dagdag pa nito.

Si Arnold at Joshua ay parehong puso babae at isa sa listahan ng papabols nila Si Aris. Ang kabilang sa matatalinong studyante ng College of Medicine pero babaero.

"Tatabi ako sa kanya sa loob ng van." pakantang sabi ni Joshua na parang kinikiliti.

"Ako ang tatabi sa kanya bruha!" sabad naman ni Arnold.

Napailing na lang si Alexis sa dalawa. Simula na kasi ang gyera nila sa lalaki. "Mga ambisyosa." mahina ng Saad nito.

"Teka lang nga sino pa ba ang hinihintay natin? Gusto ko ng umalis." iritadong tanong sa akin ni Alexis. Kibit balikat lang ang itunugon ko sa kanya. She groaned. Anong magagawa ko ay hindi ko rin alam.

Ilang saglit pa ay nakita namin Si Patricia na tumatakbo sa gawi namin.

"Guys!" hinihingal na sabi nito at huminto ito sa harap namin. Nakuha nya ang atensyon ng iba kaya ay lumapit ang mga ito sa amin.

OROPESA: "What Do You Want Me To Do?" Where stories live. Discover now