🗝️Chapter 2

3 0 0
                                    

NAKARINIG ako ng mga mababaling sanga ng puno. Hudyat na may paparating. Agad kong tinakbo ang malaking puno na malapit sa kinaroroonan. Hindi ko alintana ang mga makakating bagin o ano mang panganib na naroon. Ang gusto ko laman ay makatago sa paparating. Hindi ko alam kung nasaan ako o anong lugar ito.

Tinanaw ko ang isang bulto ng tao sa malayo. Patungo ito sa akin. Sandali, anong gagawin ko. Kinakabahan ako at damang dama ko ang panginginig ng buong katawan ko. Bakit?

Tinanaw ko syang muli at tumama ang liwanag ng buwan sa kanya. Isang babae. Napakaganda nya. Tila ay na hipotismo nya ako. Pinalig ko ang ulo at ka sabay noon ay bumalik ang takot sa dibdib ko. Napakawak ako sa ulo ko at bahagyang napayuko. Diyos ko po, ano ito.

Huminto ang mga yabag. Iniangat ko ang ulo ko kahit naroon parin ang sakit nito. Nakitang nakatayo ito harap ng lumang balon. Kailan nagkaroon ng balon doon?

Pinagmasdan kong maigi ang mga galaw nya. Itinaas nya ang mga kamay nya. May hawak ito. Ano yun?

Pinaliit ko ang mga mata ko at bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Napatakip ako sa aking bibig.

Ulo.

Isang ulo ng tao ang hawak nya. Kanino ang ulong iyon at bakit nakikitaan ko ng ngiti ang may hawak noon. Maingat akong lumapit pa upang makita ang pagkakakilanlan nito. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang ko.

'ABCDEFG'

Nagtayuan ang balahibo sa batok ko. Ano iyon? Anong nangyayari?

'HIJKLMNOP'

Boses iyon ng bata. Nasaan sya? Nakakakilabot ang pag kanta nya! Mukuhang malapit lang ito. Hindi ko alam kong saan ko ibabaling ang paningin ko. Hindi ko makita ang may-ari noon.

Lumalakad ang boses. Napakabilis.

'QRSTUV'

Ayon na naman. Ipinikit ko ang mata ko at itinuon sa boses ang pakiramdam ko.

'WXYZ'

Huminto ito. Sa harapan ko! Mabilis kong minulat ang mga ko mata ko. Hindi!

Nakatingin na sa akin ang may hawak ng ulo. Oh God! Hindi! Ulo ko iyon!

Napasinghap ako ng malalim parang hinihila ang hininga ko. Binuksan ko ang mga mata ko at iginala ang paningin sa paligid.

"Hoy! Thalya!"
"Thalya, Ano ba?"
"Thalya! Ayos ka lang?"

Magkakasunod na tanong ang bungad sa akin.May araw. Nasa loob ako ng sasakyan at nakahinto kami.

Maluha-luha ko silang tinignan. Napatango na lang ako. Lahat sila ay nasa akin ang paningin maliban kay Alexis na tulog parin. Kita ko ang mga pag-aalala sa kanilang mukha.

"Kanina ka pa namin ginigising. Pawis na pawis ka. Binabangungot ka ba?" tanong ni Carol. Suman-ayon naman si Joshua sa kanya habang may nginungoya.

"Nasaan tayo?" Sa halip na sagutin ito ay nagtanong na lamang ako.

Binigyan ako ni Skitt ng mineral water. Kinuha ko ito at mabilis na ininom.

"Mauubusan girl?" pang-asar ni Arnold.

"Ano ba? Tumahimik ka nga. Gagang to." suway ni Carol sa kanya.

"We're in the middle of nowhere." Saad ni Arnold biglang sagot sa tanong ko at inirapan si Carol. Gumanti naman ito. "Biro lang. Hindi ko rin alam girl. Basta may convenient store kaming nakita at bumaba ang mga froglet para bumili ng foods." mabilis nyang sabi bago bumalik na sa pwesto nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OROPESA: "What Do You Want Me To Do?" Where stories live. Discover now