Panimula

2 1 0
                                    

"YOU FAILED me over and over again." tumayo ako sa aking kinauupuan. Kitang kita ko na ngayon ang kanyang buong mukha habang nakaluhod siya sa harap ko.

"M.Mahal na p.pinuno, pa.pasensya n.na. Hi.hi.hindi na ma.mauulit" pa utal-utal ang pagkakasabi nito at halos maiyak na. Ganyan nga— matakot ka sa akin.

"Hindi na mauulit?" tumawa ako ng malakas na para bang tuwang tuwa ako sa sinabi niya. "Seriously?" kung kanina'y tumatawa ako—ngayon naman ay nagngingitngit na.

Sa sobrang galit ay nahablot ko ang isang mamahaling vase at inihagis iyon sa mismong mukha nang babae. Nabasag ito kaya duguan ang makinis niyang mukha.

"Do you think I will give you another chance?" sigaw ko. Lahat nang nasa paligid ko ay halatang nanginginig sa takot. "Hindi na talaga ito mauulit kasi mamamatay kana." Kumuha ako ng kutsilyo at inihagis iyon sa puso niya, bumulagta ito sa malamig na sahig. Ang lahat ay nagulat sa bilis ng pangyayari.

"Masdan niyong mabuti ang bangkay na yan—ganyan ang mangyayari sa inyo kung paulit ulit niyo akong  binibigo." Bumalik ako sa pagkakaupo at uminom ng alak. "Hanapin niyo ang mga bampira at patayin niyo silang lahat— kung maaari ay halughugin niyo ang buong pilipinas kung kinakailangan. Naiintindihan niyo?." Tumango silang lahat.

Tumayo na ako at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.

"Ikaw na ang gumawa sa iniutos ko sa babaeng yon Moana. Hanapin mo si Blake at dalhin mo sa akin." sabi ko habang papasok kami ng kotse.

"Masusunod pinuno" umupo ito sa driver seat habang ako naman ay nasa back seat.

"Kumusta na pala ang pinapagawa ko? Any updates? Just please don't give me a damn excuses just like her baka ikaw ang susunod sa kanya." banta ko. Ngumiti lang ito at may kinuha sa bag niya.

Inabot niya sa akin ang isang envelope. Binuksan ko agad ito— isang litrato ng binatilyong lalake. She never disappoint me.

"Gaya ng sinabi niyo tinipon ko lahat ang mga werewolf na may edad na labing pito ngunit—walang tumutugma sa sinasabi ng matanda." nag si abot ang dalawa kong kilay.

"What do you mean? Wala sa kanila ang hinahanap natin? Did you see the tattoos on their back as same as mine?" umiiling siya.

"Wala po akong nakita."

"Eh anong ibig sabihin ng litratong to na ibinigay mo sa akin kung wala naman sa kanila ang hinahanap ko!" napasigaw ako sa galit. Baka nagsisinungaling lang ang matandang yon sa akin. Baka wala talaga sa mga werewolf.

Binigyan ulit ako ng envelope ni Moana. Binuksan ko iyon at nagulat ako sa nakita ko.

"Ang lalaking nasa litratong yan ay anak nina Gwendolyn at Hendrich o mas kilala ngayon bilang Donalyn at Henry Versoza. Ipinakita ko sa matanda ang litrato ng binatilyong lalaki— sabi niya hindi na niya maalala." bwesit na matandang yon. She gave me a description but now she can't even remember.

"How can you say na anak ito nina Gwen at Hendrich. When they confront me 16 years ago hindi naman malaki ang tiyan ni Gwen..." natigil ako. Halos malukot na ang mga litrato sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. It seems like the couple deceive me a long time ago.

"Last sunday, Mr. Diego invited you to his restaurant to have a dinner and also talk about business but you reject his offer. I have to go there personally para sabihin sa kanya na hindi ka makakarating. Nakita ko doon sina Gwen at Hendrich at ang anak nila—they having a family dinner and that's how the picture taken. I asked Mr. Diego kung kilala niya and he said oo— the Versoza is his friend business partner at ang anak nina Gwen at ang kapatid ni Mr. Diego ay magkaklase." tinignan ko ng masama si Moana.

"Bakit ngayon mo lang sinabi" sabi ko.

"I need to gather the information first before I tell you" inirapan ko siya.

"Start the engine. I want to go home and get some rest"

"But you have urgent meeting"

"Kanselahin mo!"

"Pero..."

"Kakanselahin mo o sisipain kita palabas ng kotse?"

"Ito na nga po kakanselahin na" dali-dali nitong tinawagan ang ka meeting ko at pina-andar ang kotse.

"Hindi pa natin masasabi kung ang anak nga ni Gwen at Hendrich ang hinahanap natin." sabi ko. Tinignan ko ulit ang litrato.

"Ano nang plano niyo pinuno?"

"Kailangan kong pumasok sa school..."

...........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Blue Haired WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon