CHAPTER 03

26 3 0
                                        

A Spell that Casted by Mistake

Udler Zero Sukehiro Silva

"Alam mo? Ang tanga mo? Ang tanga tanga mo Udz! Gaga ka! Ba't mo pa sinagot kung makikipagbreak ka rin lang naman ulit? Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit ang taas taas ng GWA mo no'ng college tayo. Ang tanga mo eʼ." Takip tenga nalang akong sumunod kay Jinx. Dada siya ng dada simula no'ng sinabi ko sakanya ang nangyari ng gabing iyon, and of course I didn't tell him about the reason why I broke up with Chad again.. Hindi naman kasi lahat kailangan malaman ng kaibigan.

"Ang tanga mo talaga eʼ hindi ako makaget-over. Ang tanga no'n Udz, ulam na tinanggihan mo pa kung sana ayaw mo kay Chad binigay mo lang sa 'kin!" Napaismid ako pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. May tinatagong pagnanasa 'ata kay Chad ang isang 'to.

We're actually done with our work, tapos na rin ang shoot namin sa Japan and our director gave us a week rest before we continued the shoot, plus kakarating lang namin ni Jinx sa Pilipinas kani-kanina ko rin lang sinabi sakanya ang tungkol doon at hanggang ngayon hindi parin natatahimik ang bunganga niya.

"Ang tanga mo talaga Udz! I cannot!" Arte niya bago tuluyang pumasok ng Starbucks.

I rolled my eyes, following him inside the cafe. Kinuha ko na rin ang phone ko at nag imessage kay Kuya Asch na magpapasundo ako mamaya.

"Ang tanga mo talaga!"

"Oo na hayuf ka! Kanina ka pa! Samantalang mas bobo ka muntikan ka na kayang marape ng gabing 'yon!" Inis na saad ko bago kami tuluyang umupo sa stool.

"Huh? Talaga ba? Niligtas mo ko?" He asked, I nodded. Pero kasunod no'n ay taas kilay niyang tinampal ang kamay ko.

"Tanga! Ba't mo ko inilayo? Hayuf tigang na tigang na ko Udz! Hindi pwede iyon, bakit gano'n? Hindi porket ikaw 'yong may boyfriend noon ikaw lang ang pwedeng madiligan! Pano ako? Pano 'tong butas ko? Huh?" Napailing iling nalang ako. He's hopeless.

"Alam mo magdadada ka pa isusumbong talaga kita kay Tim." He went silent after that. Natahimik rin ako when I suddenly realize what I just said. Ang tanga ko nga.

"Sorry." I mumbled.

"Tanga mo talaga."

"Mas tanga ka, mukhang naiwan mo sa airport maleta mo gaga." I answered back, ng makita kong halos wala siyang dala dala. I changed the topic after that, tinawagan niya nalang 'yong driver niya to fetch his luggage sa airport. Gusto ko sanang mag sorry but I don't want him to remember everything, paniguradong masasaktan lang siya.

On the contrary, I think it is bad that I'm hiding everything from them knowing that they're telling me everything about themselves, but I can't help it, I just couldn't grab the right time and words on how to tell them.

"Pagusapan natin si Tim." He suddenly uttered.

"What?!" Gulat na binaling ko ang paningin ko sakanya pagkatapos kong bayaran ang mga inorder namin. Ang walang hiya ako pa ang ipinagbayad.

"Si Tim." This time, he's saying it not as loud as his normal speaking voice. Halos pabulong na.

"Oh? Ano? Na walang gusto sayo ang bestfriend mo? Na hihingi ka sa 'kin ng advice kung paano umakit ng kababata? At isa pa akala ko ba ayaw mong pagusapan natin siya?" I sipped on my cup, and make my position comfortable as possible. We'll probably talk about some serious stuff, I need to prepare myself.. given that I'm the one who brought up this topic.

"Well, I don't know. Hindi ko parin siya kinakausap mula noong sinabi ko sakanyang I have a crush on him, I don't have the nerve to talk to him lalo na't sinabi niyang hindi niya ako magugustuhan." He stated, medyo sumakit ang ulo ko. Nakapout pa ang labi niya, akala niya naman ang ganda ganda niya.

A Spell that Casted by MistakeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon