Chapter 18

18.7K 1.1K 110
                                    

Pagkahintung-pagkahinto ng sasakyan sa garahe ng mga Ada ay bumaba kaagad si Atarah. Halos takbuhin nito ang loob ng bahay. Kanina palang habang nakaupo ito katabi niya sa backseat ay hindi na ito mapakali. Iniisip na nito ang kambal. Madali namang matunton ang mga anak niya, si Senador Ada ang nagbigay sa kanya ng address ng mga bata sa Nevada noong araw na kinausap niya ito.

Walang pagmamadali sa mga hakbang niya at nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon habang nakatanaw kay Atarah na masayang sinalubong ng kambal sa sala. Naglalaro ang dalawa at nakalatag sa playmat ang napakaraming laruan na binili niya para sa mga ito. Si Yaya Dorin ang nagbabantay sa mga bata.

He loved and adored the twins the first time he laid eyes on them. Parati niyang nakakausap ang dalawa sa telepono noong nasa Nevada ang mga ito. Puro 'dada' lang ang sinasambit ng kambal noon dahil maliliit pa ang mga ito. Dalawang taong gulang palang at magtatatlo sa nalalapit na kaarawan ng mga ito.

Hindi naputol ang padala niya ng sustento sa dalawa. Many times he tried to fly to Nevada pero palaging nakakagawa ng dahilan si Atarah para huwag na siyang tumuloy. Isa pa, marami ring nangyari sa Cebu at kinailangan siya ng pamilya Gaston. Hindi niya maiwan ang mga ito lalo na si Wolf.

Pero nang makita na niya ang kambal, he wished he had met them sooner. Andres and Azalea made his heart full.

Parehong lampas tainga na ang haba ng buhok ng kambal. Itim na itim ang mga iyon. The shape of their eyes, nose, and lips were like his. They were healthy and it showed on their faces that were both rosy. Ang kambal lang ang magandang nangyari sa pagkakatuntong niyang Obtuse.

Pati ang misyon niyang hanapin ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Claire ay wala ring pinatunguhan. Her parents showed her Claire’s medical history. She was diagnosed with Lupus a few months after they broke up. She hated her disease. Marami pa itong pangarap. Nag-rebelde ito dahil sa sakit nito. Hindi nito matanggap na may Lupus ito. That was why she was throwing herself at Obtuse. To have fun, to be angry. Eventually, her kidneys failed her because of Lupus and she died.

Kung bakit naman naroroon si Zen sa club ay hindi pa rin niya alam.

“God, Andi, Aea, I missed the two of you so much!” Niyakap nang mahigpit ni Atarah ang dalawa. Their chubby arms anchored around Atarah’s neck. Naglambitin ang mga ito sa ina, nagpapabuhat.

He was awed when Atarah carried the twins in her arms effortlessly. Lalo na at sigurado siyang mabigat na ang dalawa. Pinupog nito ng halik ang mukha at buhok ng mga ito.

Hindi minsan man tumingin sa kanya si Atarah. Nasa kambal ang buong atensyon nito.

Makalipas ang ilang oras ay ipinahanda na niya ang hapag at inabot na ng gabi ang pakikipaglaro ni Atarah sa mga bata.

Nalingat lang sandali si Atarah ay lumapit na sa kanya si Azalea. Humawak ito sa laylayan ng shirt niya habang ang mabibilog na mata ay nakatingala sa kanya.

“Yes, baby?”

“Dada,” bigkas nito.

Napangiti siya at masuyong ginulo ang buhok ng bata.

Azalea opened her arms and tiptoed. “Carry Aea,” anito.

Hindi na siya nagdalawang-isip at binuhat na ang bata. Nang sumulyap siya kay Atarah ay nakatingin ito sa kanya. Nginitian niya lang ito at nagtungo na sa komedor.


PAGKATAPOS paliguan ang mga bata at painumin ng gatas ay dinala na ang mga ito sa kuwarto ni Atarah. Pinagitnaan ng dalawa si Atarah sa kama. Hawak ng huli ang libro at nagkukuwento sa kambal. She was telling them stories about castles and dragons. Magulo na ang buhok ni Atarah at wala na itong make-up sa mukha. She was wearing her simple PJs. But surprisingly, she looked more appealing to him that way.

Wala pang limang minuto ay tulog na ang tatlo. Napailing na lang siya sabay lapit sa kama. Hinawakan niya sa kamay si Atarah. “Miss, wake up. Lipat ka sa kabilang silid. Masikip na kayo riyan ng mga bata.”

She only gazed at him through half-open eyes. Tagusan lang ang tingin nito sa kanya. Tumango ito na dala lang ng antok.

Napangiti na lang siya nang walang hirap na nagpahila sa kanya ang dalaga. Pinangko niya ito. God, she really smelled good. And her softness pressed against the hard muscles of his body felt so familiar. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Ibinaba niya ito sa kama at maiging pinagmasdan. He held her hand and felt her nails. Naalala niya ang pagkaputol ng kuko nito noon sa isla. Naalala niya rin ang mga pagkaing kinakain nito. She had lost weight since the last time he saw her. Pero bagay pa rin naman dito ang katawan ngayon.

Malakas na kulog ang umagaw sa atensyon niya. Napatingin siya sa bintana. Alam niyang takot ito sa kulog. Sinarado niya ang kurtina at muling lumapit kay Atarah. Nagsimula na itong umungol marahil ay dinig na nito ang sunud-sunod na pagkulog. He took out his phone and played calming songs. And each time the thunder becomes too loud, he would cover her ears with his palms. Sa ganoong paraan ay unti-unting pumayapa ang ekspresyon sa maganda nitong mukha at tuluyan nang lumalim ang tulog nito.


NAGISING si Atarah sa malamyos na musika. Pagmulat niya ay hinanap niya agad kung saan galing iyon at nakita niyang sa cellphone pala ni Esmael. She recognized his phone. Nakita na niya itong hawak iyon. Nang tignan niya ang screen ay marami nang missed calls at email notification. Why would he leave his phone there? Then she realized that she was in his room, the guest room, and on his bed.

Ano ang ginagawa niya doon?

Nag-unat siya at lumapit sa bintana. Nagulat pa siya nang makitang basa ang lupa.

Lumipat na siya sa sariling silid at inayos ang sarili. Pagkatapos ay hinanap niya ang kambal. “Ya, sina Andi at Aea nasaan?”

“Kasama ng Dada nila sa labas naglalaro sa fountain.”

“Fountain? Matagal nang walang tubig iyon.”

“Aba’y umulan nang malakas kagabi. Kumukulog pa nga. Nagtaka ako na ni hindi ka nagising.”

Kumunot ang noo niya. “Kumulog?”

“Oo. Hindi mo ba talaga narinig?”

Napabaling siya sa direksyon ng pinto, hinahagilap ang pigura ng binata sa labas ng bahay. May ginawa ba si Esmael para maging payapa ang tulog niya kagabi sa kabila ng malakas na ulan? “Ya, puntahan ko muna sila sa labas.”

Nadatnan niyang naglalaro nga sa fountain ang kambal. Ang lakas ng tawa ng mga ito. Nakatawa rin si Esmael. Even in a pair of white sweatpants and gray shirt, he looked great.

Nagkatitigan sila nang bigla itong tumingin sa direksyon niya. Ngumiti ito at kumaway. “Kids, mimi’s here.” 'Mimi' ang tawag sa kanya ng mga bata.

Lumapit siya sa tatlo at pasimpleng bumulong kay Esmael. “Can we talk?”

He gazed down at her, smiling. “Sure.”

Tinawag nila si Yaya Dorin at pinapasok ang kambal sa loob ng bahay.

“What did you do last night?” tanong niya nang mapagsolo silang dalawa.

Nagkibit-balikat ito. “I didn’t do anything to you.”

“Alam ko. Hindi iyan ang tinutukoy ko. Alam kong alam mo kung ano ang ibig kong sabihin.”

“Why don’t you tell me, Miss,” he teased with that charming smile on his face.

Napahugot siya nang malalim na paghinga. “Fine! Why was I in your room last night? Bakit hindi ko man lang narinig na umulan nang malakas kagabi?”

“Dinala kita sa silid ko dahil masikip na kayo ng mga bata sa kama sa kuwarto mo. Then I played songs that will calm the senses when it started raining,” kaswal nitong tugon. “And I covered your ears. Tuwing kumukulog lang naman.”

Nagulat siya. Saka palang niya napansing nanlalalim ang mga mata nito. Halos wala siguro itong tulog. “Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito, Esmael? The truth is, galit ako sa iyo dahil dinala mo sa Pilipinas ang mga anak ko nang hindi man lang nagsasabi sa akin. I already told you that I don’t want the press to feast over them. I am just protecting the twins. Ang gusto ko talaga ay awayin ka. Naisip kong nagalit ka siguro nang ipagtapat ko sa iyong ginamit lang kita noon at wala talaga akong nararamdaman para sa iyo kaya ngayon ay gusto mong gumanti. Huwag mo nang idamay ang mga bata, Esmael. Sabihin mo na lang ang gusto mong gawin ko.”

“Isang bagay lang ang gusto kong gawin mo, Atarah Liberata.”

“Tell me, I’ll do it. Kahit ano pa iyan.”

“Fall in love with me for real.”

Possessive 8: SCANDAL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon