Knowing a person is like music. What attracts us to them is their melody. And as we get to know who they are, we learn their lyrics.
-------------------------------------------------
Leon's POV
It was painful.
Every punch. Every kick to my body was like a final blow that could end my life. But I was born to endure this. I could take this. All the beatings. All the pain. I knew could take this.
The fight was over. I won. I beat Johnny. I won his prize.
Yes. His prize. But now, it was mine.
The woman. The woman with a beautiful face. I am sure she got a beautiful face. But I knew behind that pretty face lies the ugliest human being that helps people to kill kids. Innocent kids that she gives to predators who in the end would torture and kills those angels.
I've got to do something. I needed to stop her. I needed to...
"Fuck."
Iyon agad ang nasabi ko nang magmulat ako ng mata. Ano nga ba ang nangyari? Automatic na humawak ang kamay ko sa tagiliran ko dahil ramdam ko ang pananakit noon. Buong katawan ko ay talagang latag na latag sa matigas at malamig na semento. Semento? I was not even on my bed?
Sinubukan kong gumalaw pero napaungol lang ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Nang subukan kong i-angat ang kamay ko ay nakita kong may nakakabit na suwero doon. Nagtatakang tumingin ako sa paligid. Hindi naman ospital 'to. Nandito pa rin ako sa safe house ni Ghost.
Safehouse kung saan ko i-interrogate ang anak ni Ulysses Venderbilt.
Pinilit kong gumalaw at tumingin sa paligid. Tahimik. Tiningnan ko ang sarili ko at nakahiga ako sa semento pero may blanket na nakalagay sa hinihigaan ko. May unan din para siguro maging kumportable ang higa ko. Ang huling naalala ko, dito ako dinala ni Agent Blue at Agent Orange. They patched me up. Gave me first aid for my wounds and bruises. Gusto nga akong dalhin sa infirmary ni Agent Orange. Ayaw daw kasing tumigil ng pagdudugo ng sugat ko sa tagiliran but I knew they had a background giving people first aid. We all were. We trained to do that in the agency kaya nang sabihin ni Agent Blue na magiging okay naman ako sa assessment niya at wala namang matinding pinsala sa katawan ko, sinabihan ko na silang umalis.
Wala silang alam sa case na ito. This case was personal to Ghost at ako lang ang nakakaaalam ng tungkol dito.
Muli ay napatingin ako sa suwero ko sa kamay at sa maliit na tube na nakakabit doon. Halatang improvised lang ang pinagsasabitan ng pack ng dextrose solution na nakakabit sa akin. Bahagya akong gumalaw pero mas ngayon ko nararamdaman ang sakit ng katawan ko. God damn Johnny Jones. Gago ang animal. He stabbed me three times. Nakaramdam ako ng panggigigil. Kung hindi lang talaga pinahinto ni Brad ang laban na iyon, talagang iyon ang unang pagkakataon na magbubunyi ako dahil napatay ko ang kalaban ko sa cage.
Napaungol ako nang pilitin kong bumangon. Sa isang gilid ay nakita ko ang ilang pinag-gamitang gauze. Punong-puno ng dugo. Betadine solution. Hydrogen peroxide. Surgical needles and sutures, surgical scissors. Bumalik ba sila Agent Blue para i-suture ulit ako?
Noon ko naramdaman na may naglalakad palapit sa akin. Ngayon ay mabibilis na ang mga hakbang. At nang tingnan ko kung sino iyon, iyon ang babaeng nakaharap ko kagabi.
Johnny's prize.
"Lie down. Stay still," mahinang sabi niya at marahan pang hinawakan ang balikat ko. Pinipilit akong humiga uli sa blanket na hinihigaan ko.
BINABASA MO ANG
CAGED HEART (COMPLETE)
General FictionBefore I became one of the best agents of XM Agency Dustin Matias, I was once Leon Deaver Kaestner first. A ruthless, violent underground cage fighter that had many kills. One man helped me to escape from that hell. He helped to become who I am now...
