1

20 7 0
                                    

"Hindi na'ko sasama sainyo, mga bwiset kayo." tanggi ko.

Kasalukuyan akong nag aayos ng gamit sa office ko ngayon dahil pauwi na. Dinalaw ulit ako nila Beanna, Hannah saka kaiisa naming lalaking kaibigan na si Quino. Mag ka kaibigan kami since college hanggang gumraduate kami at nag karoon ng kaniya kaniyang trabaho.

Sumimangot naman silang lahat maliban kay Quino dahil tumawa ito. "Late kasi siya kanina sabi ni Kath. Tapos mukha pa daw losyang." tumawa ulit ito. Nakitawa na pati 'tong dalawang bruha. Teka. Ako sinabihang losyang ni Kath? Bawasan ko nga 'yung sweldo mong gaga ka.

Tinignan ko sila ng masama. "Mas lalo akong nawalan ng gana sumama sainyo." lumabas na ako sa office at sumunod sila.

"Eto kasing si Quino inasar pa," hinampas ni Beanna si Quino. "Rosea, please? Kahit ngayon nalang. Last na 'to promise! Hindi kasi kami masaya pag wala ka eh, please?" panunuyo nito.

"Shatap." nag lakad na ako pa punta sa kotse ko.

"Dali na, Rosea. Last lang naman na 'to eh. Bagong bukas lang kasi 'yung bar nila Sean saka Shan." sabi naman ni Hanna. May crush kasi 'to kay Sean, si Beanna naman Kay Shan, tsk galawan din netong dalawang babaeng 'to eh. Bet 'yung dalawang kambal. Da't sa'kin yun eh, char.

Nasa tapat na ako ng kotse ko nang humarap ako sakanila. "A. Yaw. Ko."

"Dali na, babes. Tignan mo 'yung dalawa, oh, iiyak na. Promise hindi ka na namin aayain bukas." panunuyo naman ni Quino.

"Wag mokong ma babes babes jan, borga ka. Oo na sige na! Sasama na'ko. Last na 'to ha?!" sunod sunod naman silang tumango at nag tatatalon naman 'yung dalawa sa tuwa.

Tumingin ako sa relo ko, 9 pm na, maaga aga pa naman. Sumakay na kami sa kaniya kaniyang kotse at nag punta na sa bagong bukas na bar.

"Ang dami namang tao agad," sabi ko. Tae kakabukas lang dinumog na agad?

Malaki siguro 'yung circle of friends nu'ng kambal. Pag tumakbo siguro silang mayor mananalo 'to.

Nag hanap na kami ng mauupuan. Sa bandang gilid kami umupo kasi walang masyadong tao don. Katabi ko si Quino at tabi naman 'yung dalawa. Ang set ng table eh pa couch then may table sa pagitan namin. Gets?

"Ako na o order." prisinta ni Quino.

"Oki, alam mo na gusto namin ha?" sabi ko. Ngumiti ito saka tumango at nag lakad na.

Tae & Sympathy - Baking Series no. 1(Ongoing)Where stories live. Discover now