KABANATA V: ALL IN!

56 14 0
                                    

KABANATA V: ALL IN!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KABANATA V: ALL IN!


"Kalmahan mo lang, tanda. Baka mas madagdagan pa yang mga kulubot mo sa mukha, sige ka" mariing katyaw mula sa grupo ng mga mananaya, na kanina pa hindi umiimik bungsod ng mainit na diskusyong naganap sa pagitan ni Morsetum at ng matanda. 

At dahil sa binitiwang biro o pang-asar nito ay biglang nagtawanan ang lahat, at agad na nawala ang noong katamlayan at takot sa mga mukha ng mga tao na naroon. Noong mga oras na iyon ay hindi ko alam kung tunay ba silang natawa sa sinabi nito o nakiisa na lamang sila sa masayang tawanan upang mahinto ang dalawa, na noo'y nag-uumpisa nang magkainitan. 

Kung ano man ang sagot sa dalawang ito, ang mahalaga ay naging epektibo naman ang naging solusyon ng madla upang bumalik ang lahat sa dati. Mabilis ring bumalik ang sigla at ang hindi mawawalang kapilyahan ni Aling Okits, at sa unang beses ay mas pinili kong marinig ang nakaririnding tawanan at asaran ng lahat kaysa magpatuloy ang dalawa sa pag-aaway na siyang kinatatakutan ng lahat mangyari. 

"Aba'y nagsalita ang bata! Hoy, sabi ng lola ko, manliligaw ka raw niya noong panahon ng hapon!" tugon at bawi ng Ale na mas lalong nakapagbigay-ingay sa mga tao na naroon.

Sa kabilang banda, ay nagsimula nang magbigay ng mga tagubilin o panuto si Aling Okits, dahil kahit kabisado na ito ng lahat ay pinipili niya paring balik-balikan ito at ipaintindi sa mga bagong salta.

"Sige magsisimula na tayo, dating gawi, sa mga binigay kong ticket ay isulat o lagyan niyo ng katibayan na ticket niyo 'yon..."

"...maaring inyong pangalan, pangalan ng inyong mga anak, edad, kung ilan ang inyong asawa, pangalan ng inyong mga kirida, basta dapat mapatunayan niyo ito kung sakaling kayo ang mananalo" ani niya.

"At sa mga mandaraya diyan 'wag niyo na subukan dahil mas malinaw at mas matalas pa sa kuwago ang aking mga mata at memorya" babala ni Aling Lusya na may halong pagbabanta.

Na siya namang aking sinasang-ayunan, dahil sa pagkatagal kong namuhay sa perya ay kahit kailan ay hindi pa ito nadaya ninoman. At kahit isa itong babae ay kayang-kaya nito ipagtanggol ang kaniyang sarili, maging sa mga lasenggo o sa mga nanggugulo na hindi matanggap ang pagkatalo sa kaniyang palaro.

Patunay na rito ang bilang ng kaniyang mga ilang nagiging kustomer na pinapadampot ng matanda nang puno ng pasa at bugbog sa guwardiya ng karnibal.

"Pagkatapos niyo sulatan, dikit niyo dito sa numerong nais niyong tayaan sa roleta, 'yang isang ticket ay para lamang sa isang ikot, ibig sabihin pagkatapos ng isang laro ay tatanggalin ko na lahat ng mga 'yan at nasa sa inyo na akung bibili ba kayo ulit, kuha?"

"Malinaw!" sigaw ng lahat ng naroon noong mga oras na iyon.

Nagmamadali at paspasang pinagdidikit ng lahat ang kani-kanilang taya sa higanteng roleta ng Ale. May kauting siksikan, tulakan at sigawan ngunit nagagawa naman ng lahat ang dapat gawin kaya't walang nagiging problema.

R o l e t a [COMPLETED]Where stories live. Discover now