KABANATA VII: Mga Pangitain

44 12 0
                                    

KABANATA VII: Mga Pangitain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KABANATA VII: Mga Pangitain

Alam kong lahat ng tao sa mundo ay kilala kung sino at ano ang kayang gawin ng Kamatayan sa ating mga buhay. Ito ang laging panakot sa akin ng aking Ina mula pagkabata at inaamin ko na magpahanggang ngayon ay hindi ito nawala sa aking mga kinatatakutan, subalit alam kong ang kamatayan ay isang kataga na mahirap paniwalaan.

Tunay na darating tayong lahat sa punto na lilisanin natin ang ating pamilya at maging ang mundong ibabaw subalit hindi ako naniniwala na may isang elementong susundo sa atin kung darating man ang panahong aking tinutukoy.

Sa sinabi sa akin ni Morsetum ay sa isang iglap ay para akong nabingi ng ilang segundo, wala akong nagawang sagot o pag-alma sa kaniyang sinambit. Biglang pumasok sa aking isipan ang aking pamilya, ang aking pagkabata, at aking mga pangarap. Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig sa aking buong katawan, ako ay nahimasmasan at hindi makapaniwala sa aking narinig.

"Pero.. 'bat ako? 'bat kailangang ako? hindi pa ako handa!" 

"Maawa ka, pakiusap kahit kaunting panahon pa!" dagdag ko.

Sa kadahilanang hindi ako makagalaw o maibaling man lang ang aking ulo, tanging ang aking luhang pumapatak mula sa aking mga mata lamang ang nagsilbing patunay sa aking nararamdaman noong mga oras na iyon. Namutawi sa aking mga mata ang pagmamaka-awa, gusto kong sumigaw, gusto kong lumuhod at humingi pa ng kaunting oras sa mundo pero hindi ko magawa.

"Marami na rin akong nakilala na katulad mo, Simon. Mga taong ang bibilis gustuhing wakasan ang kanilang mga mumunting buhay. Pero katulad ng aking nabanggit kanina, gaya mo, alam kong hindi kayo magiging handa sa oras ng aking pagkatok sa inyong mga silid o sa akto ng aking pagbisita" ani ni Morsetum.

"Sa katagalan ay naging manhid na ang aking puso't isipan, sanay na akong makarinig at makakita ng mga miserableng katapusan. Hindi na bago sa akin ang mga eksena ng pagsusumamo at pagmamaka-awa, sa mga dumaranak na dugo at umaanod na mga luha" dagdag pa nito.

Ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lamang siya makatitig sa akin noong una naming pagkikita. Dahil ayon nga kay Morsetum, ang mga ganitong pangyayaring nakakapanindig balahibo ay normal na para sa kaniya. Hindi rin imposible na daan-daang mga tao na rin ang dumaan sa kaniyang mga kamay.

"Ang iba ay biglang napapadasal at minsan ay tinatawanan pa ako sa umpisa, subalit sa kalaunan ang halakhak ay napapalitan din ng hirap sa paghinga, ng pamimilipit ng mga kamay at paa, ng mga sigaw at pamumugto ng mga mata" diin ng lalaki.

Hindi na ako nagtataka kung bakit walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata noong una naming pagkikita. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit walang kabahid-bahid ng takot at tanging pagkamuhi, pagkasuklam, at pighati ang pilit na nangingibabaw sa kaniyang buong pagkatao.

"Ngunit ang dami ko pang bigas na kakainin, ang dami ko pang pangarap na nais abutin. Hindi ko pa naipapasyal si Inay sa iba't ibang lugar at sa mga mamahaling restawrant. Kung mawawala ako wala nang tutulong kay Inay sa pagbubukas ng pwesto.."

R o l e t a [COMPLETED]Where stories live. Discover now