"Someday you'll gonna realize. One day you'll see this through my eyes.. But then, I won't even be there. I'll be happy somewhere.. Even if i can't."
* Flashback *
"Andrew! Ano ba?! Dikit ng dikit sayo yung Angela na yun! Sino bang girlfriend ang hindi magagalit paglinalandi yung boyfriend niya?!" Asar na asar ako!
"Kyla! Wala lang yun! Magkaibigan lang talaga kami ni Angela! Trust me." Paliwanag ng magaling kong boyfriend.
"Trust me?! Gasgas na gasgas na sakin yan. Ilang beses mo nakong linoloko. Alam mo.. Ugh! Please.. Cool off muna tayo!"
"Cool off?! Sabihin mo lang kung gusto mo na makipagbreak! Dun din naman tuloy nun eh."
"No Andrew! I just need some time to think. Inis na inis lang talaga ako ngayon."
"Fine. Kausapin mo nalang ako pag malamig na yang ulo mo." Tapos umalis na siya.
Grabe! Ilang beses niya na ako linoko. Pero di ko talaga siya kayang iwan. Alam ko masakit para sakin na makita siyang may kasamang iba, pero.. mas masakit para sakin yung mawala siya.
3 days na ang nakakalipas simula nung nag cool off kami. Tapos 1 week na lang, anniversary na namin. Miss na miss ko na siya. Di na kasi siya nagtext o nagpakita mula noon. Ganto naman lagi eh, pag nagaaway kami, ako dapat lagi unang nagsosorry. Di nako nakatiis kaya tinext ko na siya.
'Babe, galit ka pa din ba? Sorry na oh. Malamig na yung ulo ko.' - Text ko sakanya. Grabe, ang tagal niya magreply. Isang oras na yung nakalipas. Kaya tinext ko ulit siya.. 'Uy! Babe! Sorry.. :('
3 hours na yung nakalipas nung nagreply siya. 'Ah ganun ba? Sige, usap nalang tayo bukas.' Hay, ang cold padin. Sana bukas ok na.
Kinabuksan..
"Babe.. Sorry na talaga. Bati na tayo please?" Bati ko sakanya. Nagslight smile naman siya sa sinabi ko. Sa wakas, ok na.
"Ano ka ba. Ok lang yun. Tapos na eh. I miss you!" Weee. Bati na kami. Di ako kayang tiisin ng boyfriend ko.
Ang saya saya namin nung week bago yung anniversary namin. Pero the day before ng anniversary namin, hindi ko siya masyado nakasama. Siguro naghahanda na ng surprise. Lol! Binilhan ko siya ng cap nun sa DC, yun na yung ireregalo ko sakanya.
*toot toot* 'Kita tayo sa labas ng school bukas. 3pm. :)' - Si Andrew. Grabe, excited nako!
"I know, you don't really see my worth. You think you're the last guy on earth.. Well I've got news for you! I know I'm not that strong but it won't take long.. Won't take long."
2pm palang nasa school nako. Excited na talaga ako eh. Siyempre, I tried my best to look good in front of him. So nagpaganda talaga ako. 2:45 palang dumating na siya. Ok yung suot niya, casual. Pero ang pogi niya padin. Medyo malapit na siya sakin ng biglang may sumulpot sa likod niya.
"Andrew! What is she doing here?!" Sabi ko. Andun kasi si Angela sa likod. Grabe, sobrang uminit bigla yung ulo ko.
"Go on Andrew, tell her." Sabi ni Angela. What is she talking about?!
"Kyla, I want a break up." Sabi niya ng straight face. Napanganga naman ako sa sinabi niya.
"Are you serious?! Is this some kind of a joke?! Hindi siya nakakatawa!" Nakita ko naman si Angela na nagsmirk. Problema neto?!
"I'm serious Kyla! Girlfriend ko na si Angela!" Bigla nalang ako napaluha sa sinabi niya.
"Kelan pa?!" Sabi ko habang nakayuko. Umiiyak nako.
"Matagal na kaming nagdedate ni Angela. 3 months ago. Tapos nung nagcool off tayo, dun lang naging kami.. Official." Wow. Ang galing.
"Salamat! SALAMAT! SA ANNIVERSARY PA TALAGA NATIN! ANG GALING TALAGA! 3 months mo na pala akong linoloko. 3 f*cking months! Tapos nagcool off lang tayo for 3 days.. Imagine, 3 DAYS! TAPOS MAY PINANG PALIT KA NA KAGAD SAKIN?!"
Sa sobrang galit ko, binato ko yung regalo ko dapat kay Andrew kay Angela. Pero sinangga ni Andrew.
"Ano ba Kyla! Wag mo siyang sasaktan! Simula ngayon hindi na ikaw yung girlfriend ko kaya wag na wag mong sasaktan si Angela!" Grabe.. grabe. Gustong gusto ko siya sampalin nun. Pero hindi ko magawa. Ang sakit sakit, pero mahal ko talaga siya.
"Andrew.. Yung 12 months.. Or no, kahit yung 9 months lang. Ganun ganun mo nalang ba itatapon yun?!"
"Wala akong pakialam dun. Dare lang naman yung ligawan lang kita eh. New student ka nun, kaya pinagpustahan ka namin ng barkada ko. Salamat nga pala, malaki laki din napanalo ko dun. Sige pala.. Magdedate pa kami neto ni Angela." Sobrang nadurog yung puso ko dun sa mga sinabi niya. Nihindi niya man lang pala ako minahal. Ang bobo bobo ko..
* Flashback ends here *
"Coz someday, someone's gonna love me. The way, I wanted you to need me. Someday, someone's gonna take your place. One day I'll forget about you.. You'll see, I won't even miss you.. Someday.. Someday.."
Nina. Someday.
Napapasenti nanaman ako. Hanggang ngayon kasi, hindi ko padin nakakalimutan si Andrew. Lampas 3 months na actually yung lumipas. Alam ko, sobrang sakit ng lahat ng ginawa niya. Pero pagnaaalala ko yung mga masasayang memories, mas nangingibabaw padin yung Love kaysa sa Hate. Hayyy.. Ano pang sense ng 3 month rule kung lampas 3 months na, hindi ka pa din nakakamove on?! Tss.. Simula nung pangyayari na yun, naging mailap nako sa mga lalaki. Di naman man hater. Na-trauma lang talaga ako.
"Kylaaaa.. Kylaaaa!" Si Mommy, tinatawag ako. Siyempre nagpunas muna ako ng mga luha luha bago lumabas ng kwarto. Yuck. Emo! Haha.
"Bakit po?"
"Mag-grocery ka muna sa SM ng kakainin natin para mamaya at bukas. Maglakad ka nalang." Haha. Malapit lang kasi yung SM samin. Literal na walking distance lang.
"Teka lang Kyla, sandali. Sasama nako sayo. May kukunin lang ako sa kwarto." Si Ate CC. Short for Christine Chloe.
"Sige. Bilisan mooo!"
Btw, ako nga pala si Kyla Nicolette Garcia. 4th year, 16 y/o. Pero turning 17 na this year. Summer ngayon, nasa Baguio ako. Actually, dito talaga kami nakatira. Pero college na kasi si Ate CC, sa UST siya nagaaral. Kaya kailangan niya magdorm. Eh ayaw ni Mama at Papa na magisa siya dun, kaya pati ako sinama. Kaya new student ako last year sa school namin. Again, 4th year nako sa pasukan, si Ate naman 2nd year. Magkasama kami sa iisang apartment malapit sa school ko. Kaya nilalakad ko lang pagpasok at paguwi. May kaya kaming pamilya, medyo tagtipid nga lang kasi college na si Ate, tapos ako sa private school nagaaral. Pero kaya pa naman! Typical girl lang ako. Medyo nakilala kagad ako sa batch namin sa bago kong school kasi ako yung kasali sa Ms. Intramurals ng section namin. Di nga lang nanalo. Pero may special award naman. Haha. Matalino din ako, lagi akong pasok sa Top 10, pero sa regular class nga lang. Hindi sa pilot section. Tapos ayun, tulad nga ng nakita niyo kanina, I was suffering from a very bad break up. Ang sakit kasi talaga eh. Saka fresh pa, nung Feb lang yun! Magjujune pa lang. Hay.. Evil guys!
"Tara na Kyla! SM Baguio for the last time!"
"Last time talaga? May 5 days pa tayo dito! Excited lang lumuwas?"
"Haha! Dami pang sinabi! Tara naaaa!"
5 days nalang, luluwas na kami. Tapos 6 days, pasukan na! Sana maging ok na lahat this school year! :( pleaaaaaseeeee?
BINABASA MO ANG
S e v e n t e e n ♥ S o n g s
Ficção AdolescenteSeventeen Songs. Two Hearts. One Love Story.