Adellaine's POV
5 AM. Hindi naman talaga ako ganito ka aga gumising pero dahil maghahanap na ako ng trabaho, kailangan.
i'm wearing the typical office outfit. Kahit secretary ayos na saakin. Graduate ako ng Business management pero sobrang hirap talaga mag hanap ng trabaho.
Mula sa condo ko, naglakad ako papunta sa bus station. Malapit lang din naman kasi ang pagaaplyan ko kaya hindi na lang ako mag kotse.
Habang naglalakad ako nararamdaman ko na may sumusunod saakin kaya binilisan ko ang lakad ko. Sa peripheral vision ko, lalaki ito at nakaputing tshirt at maong na pants naka cap na black din ito.
Shit. Binilisan ko pa ang paglalakad ko pero sinusundan parin niya ako.
Laking pasasalamat ko nang makarating na ako sa bus station ay naroon narin ang bus kaya agad agad akong sumakay.
Umupo ako sa gitna sa may window side.
Pero grumabe ang kaba ko nang tumabi saakin iyong sumusunod sakin kanina!!
Katapusan ko na ba?! Mah-holdap ba ako?! Hindi pwede! huhu inutang ko lang kay mama ang pera ko!
"K-kuya wala ho kayong ma-makukuha saakin mahirap lang po ako." kinakabahan ngunit mahinang sambit ko habang hindi siga nililingon.
Lumingon siya saakin na para bang natatawa siya.
Jusko baliw ba ito? reraping ba niya ako pagnakababa na lahat? kikidnappin ba niya ako?!
Isiniksik ko ang sarili ko sa gilid na tila ba takot na takot ako.
Nang makita ko ang station kung saan ako baba ay pinindot ko na iyong parang buzzer at dali daling bumaba.
Tumakbo na ako dahil bumaba din doon iyong lalaking sumusunod saakin kanina.
"M-manong guard! tulungan mo ako!!"
Sigaw ko doon sa guard ng building nung pagaaplyan ko
"Bakit ma'am?!"
"M-may gustong kumuha saakin!"
nang makit ko ang lalaki ay pumunta ako sa likod ni manong guard.
"S-sya! hulihin mo sya!" turo ko sa lalaking naka puti.
"Excuse me?" aniya
"Ikaw! Kikidnappin mo ako no? di kaya e hoholdapin?! Bakit mo ako sinusundan?!"
"I'm not following you," he said without any emotions showing.
"Ma'am baka nagkamali lang ho kayo"
"Hindi eh! Simula sa condo ko hanggang dito sinusundan niya ako! Bakit ba kuya ayaw mo hulihin yan!"
"Ma'am hindi ho pwede"
"Ano? bakit?"
"Tss" singhal nung lalaki saka umalis.
"H-hoy!"
"Ma'am, hindi po siya pwedeng hulihin dahil siya ang may ari ng building na ito"
What?
"Ma'am, hindi po siya pwedeng hulihin dahil siya ang may ari ng building na ito"
"Ma'am, hindi po siya pwedeng hulihin dahil siya ang may ari ng building na ito"
"Ma'am, hindi po siya pwedeng hulihin dahil siya ang may ari ng building na ito"
"I'm so dead"
Short first chapter. I want to make this story as short as I can hehe happy reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/273626881-288-k103206.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying the Billionaire
Teen FictionAdellaine Mariano, a fresh graduate from UP Diliman tried her luck to apply at one of the most talked-about marketing company. Her boss is Boni Pangilinan, the hottest billionaire. Their first meeting wasn't the greatest because of a misunderstandin...