Adellaine's POV
Mag-aaply pa ba ako?! wag na muna! sa iba nalang ako magaapply.
kaso dito malaki ang sahod!
Nah, next time na lang hindi ko pa naman kailangan ng pera. May laman pa naman ang bank account ko.
"Hello?" pagsagot ko sa telepono nang mag ring ito.
"Adellaine! Magbayad ka na ng utang! Yung mama mo ang naiistress sa mga utang mo kay aling maritessa!"
"mama jack alam mo namang wala pa akong trabaho diba? Saka sabi ko naman kay aling maritessa na babayaran ko siya pag nagkatrabaho na ako,"
"Yun nga eh! 4 na buwan ka na diyan sa maynila wala ka paring trabaho, pinapaalala ko lang sayo ha, 70K ang utang mo kay aline maritessa. Mag utang ka pang 15K Sa hospital at yung tatay mo bulok sa sa kulungan dahil ayaw nyong dalawin ng mama mo!"
"Mama jack nagj-job hunting ako ngayon. Ako pagkanatanggap ako, hahanap ako ng paraan para makapag advance. Malaki-laki ang sahod kung sakali. Pati ikaw babayaran ko kahit wala akong utang!"
"Hmm bwisit ka! Ingat ka jan ah!"
"Oo mama jack sige na. bye."
Ibinalik ko na ang cellphone sa bag ko at niyakap ang folder ko kung saan nakalagay ang resumé ko.
"Sabi ko nga mag aaply na eh"
Naglakad ako papasok sa building at hinanap kung saan ang interview room.
Pinagdarasal ko talaga na hindi siya ang mag iinterview saakin. Sana iba nalang huhu. Kung hindi ko kailangan ng malaking pera....
"Miss dito ba yung interview?" tanong ko sa receptionist na kulang na lang mag hubad sa sobrang baba ng collar niya.
"Iwan mo ang resumé dito. Ayan ang pila, ito ang number mo" Masungit niyang inabot ang number card.
Hayop sa haba ang pila! Pang 169 ako. Jusko mukhang aabutin ako ng gabi dito ah.
"157!" Sigaw ng isang babaeng mula sa interview room.
157, 158, 159, 160, 162, 163, 164, 165, 166, 167, 168, 169.
Sa mga nakalipas na interview, halos kalahating oras ang inaabot bago sila lumabas. Shete 6 PM na. Aabutan pa kaya ako? Gutom na gutom narin ako!
Yung iba nakita ko na umaalis na sa pila dala siguro ng gutom oh may emergency or tawag ng nature.
"168!" Shett isa na lang
wooh hingang malalim.
"I am adellaine mariano, 22. major in Office management. I graduated last year with 3.0 GPA..." Pagpractice ko kung sakaling ganyan lang din ang nga tanong.
Breath in, Breath out. Kaya ko to!
"169!"
TANGINAAA ETO NAA.
Dahan dahan akong tumayo sa sahig kung saan ako nakaupo, inayos ko ang palda at coat ko. bumwelo pa ako dahil sa heels na suot ko.
"Please follow me" Pumasok kami sa pinto kung saan ang interview room pero mali ako, isang mahabang hallway iyon na sa dulo ay wala akong makitang liwanag. Ano to? hallway to hell?
"Please wait here hanggang sa bumukas ang pinto, don't worry isa lang ang magiinterview sayo so hindi ka dapat kabahan. Goodluck."
Iniwan na ako nung babae kaya hinintay ko na na magbukas ang pinto.
Nang bumukas ito, namangha ako sa sobrang simple pero napakaganda at laking opisina na nakikita ko.
Dumeretso ako sa may desk at naupo sa upuan na nasa harap niyon. Hindi ko makita ang interviewer dahil nakatalikod siya
"Good evening sir, I am Adellaine Mariano 22-"
"I know who you are. I've read your resume, Ms. Mariano" Dahan dahang umikot ang swivel chair at ibinunyag kung sino ang lalaking nakaupo rito.
Shit.
"You're Hired"
BINABASA MO ANG
Marrying the Billionaire
Teen FictionAdellaine Mariano, a fresh graduate from UP Diliman tried her luck to apply at one of the most talked-about marketing company. Her boss is Boni Pangilinan, the hottest billionaire. Their first meeting wasn't the greatest because of a misunderstandin...