TTLW 15

187 12 0
                                    

Jai's POV

Hinatid ko si Ella sa bahay nila. Tsaka ko sinundo si Zaijan.

"Kuya, bakit ang tagal mo?"

"Nagkaproblema kasi si Ella eh."

"Bakit? Anong nangyari kay Ate Ella?"

"Wala, kumusta first day mo?"

"Ok lang, nakita ko si Xyriel kanina." sabi nya at ngumiti

Tumawa ako

"Tapos?"

"Wala nakita ko lang sya."

"Nakita mo lang?! Hindi mo kinausap? Torpe ka pala eh."

"Nagsalita ang hindi!"

"Paano mo naman nalaman na torpe ako? Eh wala pa nga akong naliligawan."

"Kaya nga alam ko na torpe ka eh. Wala ka bang crush, Kuya?"

"Wala pa, pero don't worry. Maghahanap ako."

"Sabi mo yan ah! Dapat approved sakin at kay Daddy."

"Oo naman. Kayo yata ang #1 fan ko."

"Dapat lang, kumusta nga pala tryouts mo?"

"Ok lang pero ang gagaling nila eh. Yung captain naman ang yabang. Alam mo ba pinopormahan nya si Ella tapos sisigawan at papaiyakin. Sira ulo! You don't do that to my best friend."

"Wow."

"Yah pero may iba akong bet para kay Ella."

"Sino?"

"Si Francis, mabait sya at bagay sila."

Those Three Little Words (JaiLene + FrancElla + PaulKa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon