"Jai, bagay ba?"
"Eh ito, Jai."
"Jai!"
"Huy!"
"Ano?! Bakit ba kasi ako pa ang sinama nyo dito?! Alam nyo naman na I hate shopping." sigaw ko sakanila
"Kasi lalaki ka, you know what guys like. Ok lang ba tong suot ko?" tanong ni Ella
"Masyadong mahaba sayo and liit mo kasi."
"Eh ito Jai, ok lang ba?" tanong naman ni Mika"Mas bagay sayo yung kanina."
Nagpalit na ulit sila sa mga damit nila
Pagkalabas nila ng changeroom, nagkatinginan sila at sinugod ako sa yakap
"Thank you!" sabi nila
"The best ka talaga!" sabi ni Ella
"Alam ko. Ako pa!"
"Hindi talaga kami nagkamaling piliin kang maging best friend, galing natin Ella!" sabi ni Mika
"Ako yata ang nakamaling piliin kayo eh. Ang aadik nyo sa shopping."
"Jai, you will understand. At tsaka malapit ka ng magkagirl friend dapat masanay ka na."
"No, no, no! Ayaw ko pang magkagirl friend. Ok na sakin ang best girl na friends ko. Dalawa pa kayo. At si Zaijan ang priority ko ngayon. Gusto ko makatapos muna sya."
"Jai naman! Lighten up, let loose! Malaki na si Zaijan, kung makaasta ka parang ikaw ang tatay nya."
"Mahirap na kasi Mika, at ako naman talaga ang tatay nya. Wala na si daddy kaya ako ang nakuha ng mga responsibilidad nya."
"Jai, your 15 years old. You don't need to think about this kind of stuff."
"Ella, Mika mahal ko kayo pero you guys just don't understand." sabi ko at umalis
"We understand just fine! Wala na din akong daddy remember?" sabi ni Mika
"Ako naman walang mommy." sabi ni Ella
"Kaya nga tayo nag click lahat eh."
"Tama! At thankful ako dun!"
"Ako din."
"Mahal na mahal ko kayong dalawa." sabi ko at nag group hug kami
"Kailan nga pala ang alis natin mamaya?" tanong ko
"Sabi ni mommy, 10 ng gabi. Alam nyo na malayo kasi tayo sa tagaytay." sabi ni Mika
"Kailangan ba talagang pumunta dun?"
"Oo naman, vacation kaya natin. 1 week lang naman tayo dun eh. Ayaw mo bang sumama, Ella?"
"Hindi naman sa ayaw ko kaya lang malayo din yun at ito ang unang beses na aalis ako sa batangas."
"Ella, you worry too much. Malay mo mameet mo yung prince charming mo dun! Kasi ako, mamemeet ko na sya!"
"Mikang stop! Like Jairus, ayaw ko pang magboyfriend. Distraction lang sila."
"Sinasabi mo lang yan, pero pag nakilala mo na sya! Tingnan lang natin! Kakainin mo ang mga sinabi mo ngayong araw."
"Kailangan ko talaga ng lalaking kaibigan." bulong ko sa sarili
"Narinig namin yun!"
"Good! Para malaman nyo!"
From: Ma
Kuya, si Zaijan to. Gabi na wala parin si mama, tapos iniwan pa nya ang cellphone nya. Nagaalala na ako."Guys, una na ako."
"Ha?! Bakit? Kakadating mo lang ah."
"Gabi na kasi eh. Wala pa daw sa bahay si mama." sabi ko at tumakbo
Nasa pinto na ako nung narealize ko na gabi na nga at babae ang mga kaibigan ko. Kaya binalikan ko sila
"Gabi na, ihahatid ko muna kayo." sabi ko at ngumiti
"Ano ka ba Jai, ok na kami! Go! Hanapin mo na si Tita, baka mapano pa yun."
"Hindi ko mapapatwad ang sarili ko pag may mangyari sa inyo kaya pwede ba umuwi na tayo. May tagaytay pa naman eh. Pwede pa kayong nagshopping dun."
"Alam ko na! Tutulungan ka na lang naming hanapin si tita tsaka mo kami ihatid!" sabi ni Ella
"Okay, tara!"
BINABASA MO ANG
Those Three Little Words (JaiLene + FrancElla + PaulKa)
RomancePaano mo masasabi sa isang tao na mahal mo sya? Ipapakita mo ba? Ipaparamdam mo ba? O sasabihin mo na lang? Eh paano mo naman sasabihin ang salitang " I LOVE YOU" eh ikaw mismo hindi mo alam ang meaning ng salitang yun. Si Jairus, Francis, at Paul...