Ikalawang Kabanata

10 1 1
                                    

Ikalawang Kabanata

"Bakit nandito ang isang yan?"

"U-umuwi na tayo." sa mga oras na yon ay kitang kita ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mga mata. Ngunit mas nasasaktan ako dahil wala man lang akong magawa para sa kanya.

Anong dahilan kung bakit nasasaktan ako para sa kanya?
.
.
.
.
.
Hindi ko din alam.

Hindi ko siya ganoong lubusang kilala, kahit pangalan niya ay hindi ko alam pero still may parte parin sa loob ko at sa damdamin ko na nag uutos na protektahan siya.

Unti-unti ko ng pinikit ang aking mata sa pagkahilo.

Nagising ako sa liwanag na aking naaaninag.

Pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko agad ang bilog na bilog na buwan mula sa maliit ng bintana sa bahay 'niya'. Halos isang buwan ko na siyang kasama ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan niya.

Nilibot ko ang mga mata ko sa buong bahay ngunit wala siya.

Nasaan na kaya siya?

Kahit masakit ang likod ko at ulo ay pinilit kong tumayo. Naglakad ako papunta sa pintuan ng bahay ng maaninag siya sa halamanan niya sa harap ng bahay.

Nakatingin siya sa mga puti at pulang rosas na nandito. Hinawakan niya ang isa sa mga ito at sa isang iglap lang ay napuno ng maliliit na liwanag ang halamanan kasama na siya. Kasabay nito ang paglabas ng kanyang itim na itim na pakpak.

Imbis na matakot ay sadyang namamangha ako sa nakikita ko. Tila ba isa siyang dyamanteng natatago ang ganda. Nakasuot ito ng itim na itim na damit na umaabot sa kanyang talampakan. Kumikinang din ito. Ang tila maliliit na kristal ay unti unting pumalibot sa kanya. Umiikot ito na tila ba parang may sariling buhay at masayang masaya na naroon siya.

Pumalibot pa ito sa kanya hanggang sa mapunta ito sa kanyang mga pakpak. Naging makinang ang mga ito at nagmukhang elegante. Manghang mangha ako ng mga oras na yon.

Para siyang isang anghel kung hindi lang itim ang mga pakpak niya. Nakatitig pa ako sa kanya ng bigla siyang ngumiti.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na naging dahilan upang mapahawak ako sa dibdib ko. Para akong estatwang hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon, ngunit mas ikinagulat ko ang sunod na mga nangyari.


Ginto!?




Naging kulay ginto ang mga pakpak niya!

Napawi ang ngiti niya ng mapansin ako, kasabay din nito ang pagbalik sa pagiging kulay itim ng kanyang mga pakpak.

"Buti naman at gising ka na." binawi niya ang kanyang tingin saken at muli ay tinitigan ang mga rosas. Kitang kita ko ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na bilog na buwan.

Malungkot, yan ang nakikita kong depinisyon ng kanyang mukha ngayon.

"Kamusta ang nararamdaman mo?" natigil ang aking pag iisip. Naramdaman kong kumirot ang likod ko na naging dahilan upang mapangiwi ako.

"Sht!." Usal ko ngunit maging ako ay nagtataka sa nasabi ko.

"Anong sinabi mo?" kumunot ang noo niya habang ako naman ay nagtataka pa din sa sinabi ko.

"H-hindi ko alam pero bigla ko nalang nasabi ang mga salitang yon nung kumirot ang likod ko." nauutal kong sagot sa kanya. Alam kong kapag hindi pa ako sumagot ay magagalit na siya.

"Ganoon ba. Ang mabuti pa ay magpahinga ka nalang muna." tumango lang ako. Tinalikuran na niya ako, mga ilang segundo pa ay humakbang na ako papunta sa aking kama. Ngunit hindi ko maisawang tignan ulit siya sa huling pagkakataon.

Anong nasaksihan ko kanina? Bakit naging ginto ang mga pakpak niya.

At ano din yung nasabi kong salita?

Humiga na ako sa duyan at nakatulog habang paulit ulit ang mga tanong sa isip ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nagpunta agad ako sa kusina para magluto ng mapansin ko ang mga telang binili niya para saken.

'Bakit nandito yan?'
'Isa siyang masamang nilalang.'
'Lumayas ka!'
'Ang diwatang walang pangalan!'

Bigla kong naalala ang mukha ng mga taong nakita ko sa pamilihan bago mawalan ng malay.

Bakit puno ng pandidiri ang tingin nila sa kanya...

At totoo ba na wala walaga siyang pangalan?

Anong dahilan bakit parang takot sa kanya ang ibang diwata?

Nasa kahabaan pa ako ng aking pag iisip ng bigla siyang magsalit sa aking gilid.

"Anong balak mong gawin dyan?" umiling lang ako at mabilis na niligpit ang mga tela sa lamesa.

"Sa ngayon wala pa..." pagkasagot ko sa kanya ay mabilis na siyang umalis ng hindi man lang nagsasalit at nagsasabi kung saan siya pupunta. Narinig ko nalang ang paglagapak at pagsara ng pintuan ng 'aming' munting bahay.

Naiwan lang ako sa loob ng mapagdesisyunan kong sumunod din sa labas. Muli ay nakita ko na naman siyang nakatitig sa mga rosas sa kanyang hardin.

Malungkot siyang nakatitig sa mga ito na tila ba may mabigat ba iniisip. Gusto ko mang magtanong ngunit wala akong lakas ng loob dahil baka magalit na naman siya.

Pagtitig nalang sa kanya ng mga oras na iyon ang nagawa ko.

Ng may mapansin akong kakaiba...

Tuwing hinahawakan niya ang mga ordinardyong rosas ay bigla na lamang itong mapapalibutan ng gintong abo. Kasabay nito ay ang kinang ng mga pakpak niya hanggang sa ang mga ito'y maging ginto.

"Minsan talaga kahit gaano man kapangit ang isang bagay. May mga oras din na gaganda din kapag nahanap na ang dahilan kung bakit nasa mundong ibabaw ito." kasabay nito ang pagpitas niya sa isang oras. Ilang segundo lang ay nalanta ito at naging abo hanggang sa tuluyan ng mawala.

"Ngunit kahit gaano paman kaganda ito kung mali naman ang paggamit... Sa huli pangit pa din ito."

Ng mga oras na yon ay wala akong mai tindihan sa sinasabi niya. Ngunit isa lang ang sigurado ko at isa lang din ang nararamdaman ko noon.

'Ang kailangan ko lang gawin ay makinig at intindihin siya... Lalo na at kitang-kita ko ang lungkot samga mata niya kahit nanakangiti siya.'

"Bago ako mawala gusto kong may isang nilalang na matatandaan ang pangalan ko." Ngumiti siya ng matamis saken.

"Ako nga pala si Claudia. Nakakatawa mang isipin pero tila ba konektado ang pangalan nating dalawa."  Unti-unti siyang lumapit saken at bumulong.

"Kung ano mang narinig at nasaksihan mo kahapon ay kalimitan mo nalang." Saka niya ako mabilis na nailagpasan.

"Pero-" bago pa man ako makasagot ay naglaho na siya sa paningin ko.

Napabuntong hininga nalang ako at pumasom na ulit sa munting bahay.

Ako nga pala si Claudia.

Hindi ko alam kung bakit pero habang paulit ulit ko itong naririnig sa aking isipan ay napapangiti ako.

Claudia...

Ang gandang pangalan.

A/N:

Night mga bebe. Bukas ulit U.D. TYSM sa mga sumusuportaaa. Mahal ko kayoooo. Love lots!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Curse Of The Black FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon