Chapter 3: HIRED

0 0 0
                                    

"You okay?"

Tinitigan ko siya, nang matagal. Ganon rin naman siya pero kita ko yung pagkalito niya kung bakit kami nagtititigan.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ito. Ewan ko pero gumaya rin siya sakin. Tsk gaya-gaya.

"Ikaw yung pa-epal sa airport!"

"Ikaw yung sadgirl na feeling nasa music video!"

Nagulat kaming dalawa nang sabay naming nakilala ang isa't isa. At ano daw?

"A-anong sadgirl?!"ani ko sabay hawak sa kwelyo niya. Kunwari siga ako. Hehe.

Natawa siya sa inakto ko. Itinaas niya pa ang dalawang kamay niya. Napakagat siya sa labi, trying to suppress his laughter.

"Eh sadgirl ka naman talaga noong time na yun e! May papikit-pikit ka pa habang nilalanghap ang hangin! Gagi! Mukha ka talagang nasa music video no'n!"Tumawa ulit siya. Sa inis ko ay naitulak ko siya dahilan upang matumba at mahiga siya sa lupa. Nabitawan niya rin ang payong kaya nilipad ito ng hangin. He tried to get it but it had flown away.

Nakonsensya tuloy ako. Gago kasi e, pinaalala pa.

Lumingon siya sakin, nakasimangot at nakapameywang. Parang nanay lang na mamamalo ng pasaway na anak. Kulang na lang ng hanger o kaya'y tsinelas perfect na! Lol.

Napaatras ako nang dali-dali siyang humakbang patungo sakin. Nang makalapit ay ipinustura niya ang sarili upang makita ko ang kabuuan niya.

"Look! Tignan mo ginawa mo sakin! Wala na nga akong payong, balot pa ako ng putik!" Singhal niya.

"Kasalanan mo naman kase e!" Napakamot ako sa basa kong ulo.  Umuulan nga pala. Mukha kaming tanga sa mga itsura namin ngayon, sa totoo lang.

"Wow! Ba't kasalanan ko pa? Di mo ba nakikitang ako yung kawawa dito?" he said dramatically.

"'Cause you provoked me! Kung hindi mo pinaalala yung nangyari kagabi, edi sana di mo sinapit yan!"katwiran ko.

"Eh sa nakakatawa nga!" Tumawa ulit siya. Baliw.

"Yan ka na naman, e! Masasapak na talaga kita!"

"Oo na, hihinto na!" Tumawa siya ulit ngunit ilang saglit lang ay sumeryoso ito. Kinabahan tuloy ako.

"Pero dahil sa ginawa mo, di ko alam kung paano uuwi. Nakakahiyang umuwi nang ganito ang itsura." seryoso niyang sambit.

"Arte mo naman! Naputikan lang eh!"

Napailing siya. Ba't biglang sumeryoso 'to? "Di mo kasi naiintindihan. I own five-star chain of hotels in the country and my reputation really matters to me. Kung makikita ako ng mga taong kilala ako nang ganito, maaaring masira ang reputasyon ko!"

Natulala ako sa sinabi niya. Ano raw? He owns five-star chain of hotels? Wtf?! Ilang taon na ba siya? He seems too young to own that!

"Eh ano pa bang magagawa ko? Eh tapos na, nangyari na." napahilamos ako nang mukha. Nakonsensya ako lalo. Ba't ba kasi ang malas ko ngayong araw?! Dinamay ko pang ang lalaking to. Baka masira nga ang reputasyon niya nang dahil sakin.

"Well, there's still something you can do. You need to pay for this." Nakangisi niyang tugon.

"I need to pay for that? Magkano ba, ha? Pwede utang na lang muna?" Ang malas ko nga. Nadagdagan na naman mga problema ko. Kainis, arghh!

"No, that's not what I mean."

I sighed in relief at first. Pero nanlaki ang mata ko at napayakap sa katawan nang may narealize.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When It RainsWhere stories live. Discover now