Not edited, sorry..
***
"Nandito ka lang pala, Aikisha!"
I was just sitting on a bench here in the garden while watching the rain hits the ground. The rain gives me comfort, but I don't know why it somehow gives me pain. A pain I couldn't explain.
I just smiled at her and watch the rain again.
"Alam mo, pareho kayo ng pamangkin ko..."Napalingon ako sa kaniya.
"Talaga po?"sambit ko. Tuluyan nang nabaling ang atensyon ko sa kaniya.
She nodded and smiled. "Just like you, the rain also gives comfort to him,"she paused and looked at the gray sky with her eyes brimming with tears.
"Ang sabi niya, tanging ulan lamang ang nakakapagpagaan ng pakiramdam niya. Lalo na no'ng namatay ang mga magulang niya. When he found out about that, he didn't cry, not even once. Sa halip, lumabas siya ng bahay nila at nagpaulan buong magdamag. Pilit namin siyang pinapapasok ngunit ayaw niya talaga. He even smiled at me saying na okay lang daw siya. Nag-aalala man na baka magkasakit siya, hinayaan ko na lang siya. Kaya tuloy kinabukasan no'ng araw na 'yon, nilagnat siya!" Tumawa siya habang pinupunasan ang luhang walang tigil sa pagtulo.
'Di ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kilala ko ang tinutukoy niya. Siguro dahil sa nakaka-relate ako sa kaniya kaya ako nakakaramdam ng ganito.
"Sobrang mahal niya ang mga magulang niya. Kaya no'ng nawala ang mga ito, tila namanhid siya. Ni hindi niya magawang umiyak. Ako na lang ang maiiyak kapag nakikita ko siya. Kaya pinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko siya na parang sariling anak. Para kahit papaano ay maramdaman niyang may nagmamahal pa sa kaniya."mahabang lintaya niya kaya tuluyan na siyang humagulhol.
Napatingala ako nang maramdamang may namumuong luha sa mga mata ko. I fought the urge to cry. Nakakahiya naman sa kaniya kapag umiyak rin ako. Ni hindi ko nga kilala yung pamangkin niya.
Nang mahimasmasan ay tumingin ulit ako sa kaniya.
"What's his name?"
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa tanong ko. Maging ako ay nabigla rin dahil sa biglang lumabas sa bibig ko.
Sa kalaunan ay ngumiti siya.
"Zykle..."
Ang kaninang luhang pinipigilan ko ay tuluyan nang tumulo nang marinig ang pangalang binaggit.
***

YOU ARE READING
When It Rains
Rawak"What will you do when it rains?" *** Aikisha suffered a lot since she was a child. But it gotten worse when she lost the only person who stayed and loved her. It felt like the world won't let her become happy. And there's Zykle, who suddenly came...