"Mama Reign, paabot nga nung yellow paint. Tapos yung roller brush."
The rest of the year's events after prom was a buzz. We had our midterms a while back and now we're trying to finish our mural as fast as we could. Our teacher even commended us for being one of the firsts in class to start with ours.
"Dahan dahan diyan sa hagdanan nako Klare talaga, sinasabi ko sayo!" Paalala ko sa kanya habang inaabot ang kailangan niyang pintura.
"Yes, mom! Kaya ko 'to ano ka ba." She dismissed me.
We were in the middle of painting the first coat of our mural. Last week nag primer na kami kaya pwede na siya. Nilagyan na rin nung boys ng takip sa taas para pag umulan hindi masisira ang wet paint.
"Kain tayo after nito? Sa Regis na lang, food court ganon." Pagaaya ni Dianne sa aming lahat.
"Sure! KKB or libre mo?" Tanong ni Xian na kala mo hindi ulit mag papalibre mamaya.
"KKB duh! Kaya nga sa food court eh, nakikinig ka ba ha! Reign si Xian, bobo na naman!" Pag sumbong ni Quin sa akin. Etong dalawa di na nagsawa sa kakaaway. Laging nagbabarahan.
"Hayaan mo na nga yan Q, kahit KKB mag papalibre naman. At ikaw, Xian, tantanan mo si Quin meron ata ngayon." Sabi ko na may halong tawa. Nakisalo naman sila sa akin.
"Dude, I gotchu, lagi ka namang wala magastos." Biglang saad ni Addie, ang galante naming tropa.
"Yes naman! Daddy Addie to the rescue! Allowance ko nga pala Dy, baka makalimutan mo." Pagtawa naman ni Saul sa kaibigan.
"Daddy ka jan? Kadiri bro! At anong allowance! Hanggang food libre lang kayo, I'm saving rin 'no what do you think of me? Nagtatae ng gold?" Mahabang pahayag ni Addie na tinawanan lang naming lahat. Di daw nag tatae ng ginto pero kung makalibre sa amin kala mo jowa buong tropa eh!
This group has become my staple friends here in Ateneo. They have been my safe haven, my comfort people in this sea of strangers. We have become so close and we got to know each other very well and that made us so open to each other. I treat them like how I treat Kean; family.
Madalas kaming lumalabas, sa malapit lang na pasyalan syempre, o kaya nagssleep over sa mga bahay at condo naming lahat. Paiba iba depende sa ginagawa sa school. Coming over was originally just for planning the mural but it happened so often that we found solace in each other's company.
Ang go - to places namin ay bahay ko at condo ni Addie. Bahay ko dahil medyo malaki ito at may lugar kaming nalalagyan ng mga unfinished plate. And my parents are very open to people coming over naman, sanay na kami with having company all the time. Si Addie naman, magisa lang sa condo na katabi ng school kaya pag late na kami umuuwi doon kami didiretso minsan dahil maaga rin sa susunod na araw. Di rin naman laging kumpleto pero ganon kami eh. Mas madalas naman na umuwi si Addie sa bahay niya dahil sinasabay niya si Ryn, magkalapit nga lang kasi sila. The others' houses we've been to also, just not as often.
"Balik muna natin yung paint either sa kotse or sa classroom bago mag Regis." Addie suggested.
"Sa car mo na lang." Taryn said nonchalantly focused on painting her part.
"Ge, ge." Tanging sabi ni Addie.
Mahigit kumulang sampung minuto naramdaman na namin lahat ang pagod at gutom ng umagang ito. Yes, it's just almost lunch and we have been doing this since we got to school. Narinig na rin namin yung bell and we all dropped our paint brushed.
"Tara, tara, tara! Klare! Baba na jan daliiii!" Niyugyog pa ni Xian ang hagdanan kung saan nakatayo si Klare.
"Hoy! Pocha! Xian pag yan nahulog at nabagok! Ikaw mag babayad ng pang ospital!" Bigla kong sigaw sa kaibigan. Tinuro turo ko pa siya habang lumalapit.
"Aray naman ma!" Hinimas niya ang brasong hinampas ko. "Eto na hindi na po sorry na po! Klare baba na kasi!" Paghingi niya ng pasensya pero minadali pa rin yung isa.
"Sandali kasi! Ayan tuloy nahampas ka!" Tawa ni Klare habang bumababa siya.
"Saul pa dala rin nito, salamat!" Saad ni Dianne sa kaibigan. She had a huge fake - ish grin.
"Luh ano ba yan! Ginagawa na naman kaming tagabuhat!" Saul commented but still took the stuff Dianne was giving him.
"Thank you very much! Laki mong tulong, kaibigan!" Namilosopo pa nga.
"Nye nye. Tara na ano, gutom na ko!" Saad ni Saul sa buong grupo.
"Let's gooo!! I want wings bigla!" I said as we started walking towards the parking lot.
"Sama ba si paps?" Tinignan ako ni Taryn asking if Kean was joining us.
If it wasn't obvious they have also grown close to my best friend and they have dubbed us as their parents. Kaya paps ang tawag nila sa kanya at minsan mama ang sa 'kin.
"Uhmm ewan, sandali ask ko." Nung nakalayo layo na kami sa building nilabas ko telepono ko at tinext ko siya.
Ladybub: Bub, sama ka? Regis kami.
Right when I saw that my message was read, my phone rang with his baby picture showing on my screen.
"I'll be at Regis also, pero 'di ako sasabay sa inyo." Bungad nito nung sinagot ko ang tawag.
"Oh, okay sige! See you na lang there." I said enthusiastically.
"Sige sige, see you!" Sagot nito na may kakaibang kaba sa boses niya. Binaba na rin niya agad ang tawag.
"He'll be there, pero 'di sasabay sa atin." I turned to my friends and told them what Kean told me.
"Aw, sad okay sige." Tanging sabi ni Ryn.
Pagkalagay namin ng gamit sa kotse ni Addie ay naglakad na kami patungo sa overpass na nakadikit sa Regis. Nagusap usap lang kami sa kung ano ang kakainin. Dumeretsyo na kami sa third floor kung nasaan ang food court at nag hanap ng upuan. Dahil maaga pa naman may bakante pa sa may bintana, kaya doon kami naupo.
"Ladies, ano po ang mga order natin ngayon?" Tumayo si Saul na parang waiter sa tabi ng aming lamesa.
"Kala ko ba KKB bat ka nag tatanong jan?" Quin said suspiciously.
"Kami na muna ni daddy Addie, bantayan niyo table natin. Then y'all pay us later." Saad ni Saul na may malaking ngiti na halatang peke. Addie gave him a disgusted look with the mention of daddy before his name again.
"Plastic nito! Sige ano, ramen sa akin." Quin just went with it.
"Wings sakin! 5 piece lang, no extra rice na. And my sauce please don't forget! Tapos gloves na rin! Eto po bayad sir!" I said to the two boys and gave Addie my money. Hindi ako magpapalibre jan 'no! May pera naman ako ngayon eh! Saka na niya ako ilibre pag may pinagiipunan akong supplies.
"Yes ma'am noted po salamat po." He bowed to me like an actual waiter. Tinawanan ko lang siya at hinampas sa braso.
"Tar, ikaw? SEx you want? Meron ata today." Lumingon muna si Addie sa stalls bago balingan ulit ang pinsan.
"Sige yun na lang kung meron. Tas coke bilhan mo rin ako, thanks insan!" Sabi nito ng may malaking ngiti na medyo peke rin.
"Dianne, you?" Tanong naman ni Saul dito.
"Raman na lang rin, nag crave ako bigla dahil kay Q!" Sabi nito na may galit pa ata, medyo may kamahalan nga naman ang nais niya.
"Sige, sige." Pagtango ng aming tropa sa kanya habang kinukuha ang binibigay na pera.
"Klare? Sayo?" Baling naman ni Addie kay Klare.
"Wings na lang rin. Same order kay Reign." Saad nito at nag bigay rin ng pera sa lalaki.
"Okay ma'amsirs noted po sa inyong order. Xian tumayo ka jan sasama ka sa amin!" Biglang hila ni Saul sa kaibigan. Dumausdos pa ito ng konti at sinamaan ng tingin yung isa pagkatayo ng maayos.
We stayed there for a while and waited for the boys. Isa isa silang bumalik dahil hindi naman nila kaya ang lahat ng aming pagkain sa isang balikan lang. Nung nakumpleto na kami nag simula na kaming kumain. We just talked and planned and laughed and teased each other like normal.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin nakita ko si Kean paakyat ng escalator na may kasamang tatlo pang kaibigan. Yung dalawa, babae at may isang lalaki. Double date ba yon? Nung nakatapak na sila sa third floor kinawayan ko siya at tinawag para lumapit. Nakita naman niya ako at pinauna ang mga kasama sa isang restaurant.
"Paps!" Bati ng mga kaibigan ko sa lalaki. Nginitian lang niya sila at kumaway ng maliit.
"Who's that bub? Date?" Tanong ko habang may sinusubo na chicken wings sa bibig. I'm just genuinely curious kasi 'di ko kilala yung babae. Wala pa siyang ibang babae na nagugustuhan pagkatapos nung isang tropa ko sa junior high.
"Date? No, ano, lunch lang, hang out lang." He was getting nervous for some reason unknown to me.
"Apat lang kasi kayo, kala ko double date. And you're nervous eh." I shrugged at him.
"Ah hindi, may presentation rin kasi kami mamaya. That's what I'm nervous about, I guess." He wasn't looking straight at me. May something nga sa mga kasama niya. But I won't push, I'll let him tell me when he wants to.
"Hmm sige, if you say so..." I trailed off. Then suddenly, I remembered something. "Ah! Ano nga pala," he suddenly looked at me attentively, waiting for me to continue, "Will you wait for me later? Baka late na kami matapos sa mural today." Tanong ko dito dahil siya lang naman ang makakapag uwi sa akin.
"Let's see na lang later, baka late rin kasi ako, may Sanggu meet pa eh." He pertained to the student council. Parte kasi siya nito. Tumango lang ako sa kanya.
"Sige. Text me na lang pag tapos na yung meeting tapos I'll text you rin pag tapos na kami." Ngiti ko dito at pinaalis na siya.
"Ano yon? May problema ba siya?" Tanong ni Quin nung nakalayo layo na ito. I shrugged and diverted the conversation back to our food. Whatever he is going through malalaman at malalaman ko yan. We've never really kept things from each other.
Habang kami'y nagtatawanan lang doon at kumakain, napatingin ako sa malayo nang tawagin ang isang pamilyar na pangalan na halos araw araw ko na naririnig.
"Boss Guel! Andito lang pala kayo sa Subway eh! Kanina ko pa kayo hinahanap you left me with that girl!" Barumbadong saad ng kaibigan nito. Di 'ko na nakita kung sino dahil nakataliko ito sa akin.
Miguel was here too, bihira ko siya makita dito sa Regis pag lunch. And if he and his friends do want to eat out here, they are usually at a restaurant. Di ko alam bakit bigla sila nasa fast food e parang ang mahal ng mga panlasa nila. This isn't his crowd but he fits in anyways. Naghihintay ata sila ng Subway order nila dahil doon sa narinig ko sa kaibigan niya. Puno na kasi sa loob kaya dito sila sa may food court nakaupo.
When my eyes met his, he was already looking at me.
He had an intense stare. I didn't even know why.
Lumingon ako sa tabi ko at sa likod ko baka doon nakatuon ang tingin niya. Pero pag baling ko sa kanya, nasa akin pa rin mata niya.
Weird.
Kumain na lang ako.
Hindi napapansin ng mga kaibigan ko ang pag titig ko sa lalaki dahil nakikipag usap pa rin ako sa kanila. When Miguel's group's order came, they ate in peace. May dumating pa na iba na nagparami sa grupo nila kaya lumakas ang ingay sa food court.
I'd steal glances again and sometimes he isn't looking so I dare keep my eyes longer until he notices.
I still don't think he acknowledges who I am. I'm just one of the many girls who admire him from a far. But from all my observing and admiring I see that he's a bit closed off but he's good to his friends. Naiiba ang disposisyon niya pag nasa entablado na siya. He's more free on stage. He's more jolly and such.
After lunch nauna pa ata umalis ang iba naming kabatch bumalik sa building dahil nag detour pa kami dessert na milktea at ice cream. Flexible naman ang schedule ng Arts and Design today. And also because of that, naka casual lang kami. One reason is to preserve our uniforms, para hindi ito malagyan ng pintura o kung ano man na ginagamit namin sa araw na flexibility sched kami. Arts strand lang ang ganito.
Madalas ay naiingit pa nga daw ang ibang strands sa amin, e pantay pantay lang rin naman kami ng work load? They have multiple labs, and simpler plates, and case studies, and multiple financial reports, while we have our non stop projects that all feel major because of the time energy and effort. Sila laging nasa loob at bihira madumihan para sa acads, pero kami, halos magkanda saksakan na kami dito sa mga pinapagawang proyekto. But we all love our chosen strand, we all have certain pros and cons to where we are. We all give the same attention to our chosen fields. We just have very different ways of approaches to these fields.
Pagbalik sa silid inubos muna namin ang pinamili bago kunin ng boys ang materials sa kotse ni Addie at magsisimula na ulit kami gumawa. Paminsan minsan may mga dumadaan na guro at ibang estudyante sa aming lugar para manood.
"Ate! Paint!" Turo ng isang lalaki sa likod ko. Binigay ko naman ang brush sa kanya at tinuro kung saan niya pwede ilagay yon.
"Kuya! I want also please!" Narinig naman namin ang kapatid ni Addie na lumapit dito. May kababata itong kapatid na lalaki, kaya maliban kay Taryn, inuuwi rin niya ito paminsan pag hindi nasusundo ng family driver at yaya nito.
"A bit lang ha, di ka pwede madumihan! Lagot ako kay mommy, sige ka hindi ako sa house mag ssleep pag ganon." He said in a very sweet tone. Iba siya sa kapatid niya mag alaga.
"Yes po kuya! I want you home tonight please?" He pleaded him with that adorable pout while he was carrying him.
"Daddy, I want you home tonight too, though..." Klare teased him with a smirk and a wink at the end.
"Wag mo ko matawag tawag na ganyan baka gusto mong totohanin sige ka!" Barumbadong sabi nito sa babae.
"Ang dugyot tama na yan! May mga bata!" Sita ko sa kanila.
Madalas dumaan ang kapatid ni Addie rito pag dismissal na nila, dahil mas maaga ang oras nila sa amin. Pati na rin ang iba pang mga medyo bata bata pang mga magaaral, we let them paint a bit on our mural of course, we can't say no. Madali naman ayusin pag hindi nila nasakto. But mess was our forte. We're a carefree group when it comes to our art. We didn't care if a mistake was made and we would just find ways to incorporate that or make it part of the original idea.
Yun lang ang gagawin namin hanggang puntahan kami ng aming guro para sa updates at pag sapat na para sa kanya ang aming gawa para sa araw na ito ay babalik na muna kami sa silid para mag pahinga at may plano para sa susunod na mga araw na pagpipinta o pag gawa ng ibang mga plates sa ibang subjects.
When it was time to go home tinext ko si Kean.
YOU ARE READING
The Future I See With You
Любовные романыA story revolving around the lives of Reign, an aspiring freelance artist and full-time architect, and Miguel a dreamy doctor to be with a passion for music. How they meet. How they fall. How they break. How they heal. And how they lose, how they su...