𝑻𝒉𝒆 𝑨𝒄𝒒𝒖𝒂𝒊𝒏𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝑮𝒊𝒇𝒕

0 0 0
                                    

Yesterday bago mag-uwian, I was discharged sa clinic and sumabay sa amin sa pag-uwi sina Ayonah at Dexx. Ang cute lang kasi hinatid nila ako habang nakaalalay ako kay Dexx. May sinat pa rin ako noon, so I hope hindi na-bother si Dexx.

Hehe, hindi na-bother.

Actually, kagigising ko lang this 9:30 in the morning. Dahil may sinat pa ako, hindi ako pumasok, of course. Health before acads tayo ano.

Napaaga ang tulog ko kagabi, like mga 8:20 PM ako pinatulog nila Sai-Sai. Oo, nila. Pumasok kasi sila Ayonah and Dexx dito para bigyan ako food and medicine. Todo alaga sila sa akin and that's nice of them. Tumawag pa nga sina mama para kamustahin pakiramdam ko. Sabi ko naman, 'Mainit pa rin as of today.'

Tapos itong si Dexx, niyakap ako bago sila umalis. Ewan ko ha pero, there's something with his touches. It's like, you're longing for them. Siguro iyon dahilan bakit napahimbing tulog ko?

Nako Sydein, huwag ganyan. Ilusyonada ang tawag diyan hehe.

Anyways, tinabihan pala ako ni Sai-Sai sa pagtulog kagabi. Baka raw kasi magkaroon ulit ako ng isa pang episode. Hindi naman na siguro mangyayari iyon, kako. I'm calm now and about to eat breakfast.

"Ate Dein, nagluto ako ng instant noodles tapos dinamihan ko sabaw."

Teka, diba dapat pumapasok itong batang 'to? Pababa pa lang ako eh, tapos biglang papasok sa kwarto ko na may hawak na food tray. Pero infairness, ang sweet.

"Sai, bakit hindi ka pumasok? Kaya ko naman magluto ng kakainin ko." I said, while she comes near my bed and placed the food tray.

"I'm just making sure na hindi ka na ulit mags-shake. Let me take care of you, ate." She smiled and then hugged me. Uh, nagmana ata sa akin si bunso.

I had orange juice, a veggie burger, and a medicine for breakfast. Oo, kailangang isama ang gamot para pwede na akong pumasok maybe next week?

Ipinaalam pala ni Ayonah sa adviser namin na I cannot attend today sa class. Eh, may groupwork pa naman kami doon sa readings niya. Medyo nanghinayang rin ako kasi hindi ako makakasunod sa mga gawain today. Alam niyo naman, kailangang magsipag lalo na't ako ang inaasahan sa family.

Ay oo nga pala, about doon sa acquaintance gift ni Erah kahapon? Na sa akin pa naman. Teka what if buksan ko na ito right here right now, ano?

"Ah, Sai-Sai? Pakiabot nga 'yung glittery box na rose gold ang balot? Thank you!" I asked Sai-Sai and she immediately got it and gave it to me.

"Sino nga ulit nagbigay niyan sa iyo? At bakit may pa-rose gold? Ano 'to, iPhone?" She asked me while drinking her glass of water.

"Ah, a shifter from our block gave this to me sa lobby namin. Actually, may pink scented paper pa siyang ibinigay during our class. Nakalagay doon na i-meet ko raw siya sa may lobby. At ayun na nga, ibinigay niya sa akin ito." Mukha siyang na-confuse sa mga sinabi ko. Ako rin kaya, ano.

Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin alam bakit may nabanggit siya about "new beginnings to the block from me". I mean, that's kind of creepy pero at the same time kind of creating connections? Haha ang gulo, ano? Baka Erah iyan.

Sai-Sai told me to have an unboxing session-like. Mag-vlog raw kami right now pero hindi ip-post sa social media. Sabi ko medyo iwas ako sa radiation caused by my mild fever. Pero ang suggestion niya is siya na lang daw makikita sa video, at ako ang maglalabas ng acquaintance gift kuno. Hay, ang bunso ko talaga kung ano-ano maisip na gawin para malibang.

"Hi guys what's popcorn! Syrene here together with my ate Dein, which requested to not be shown on this video kasi may sinat. So for today's video is an unboxing of ate Dein's acquaintance gift na binigay sa kanya ni . . . block shifter HAHAHA nalimutan ko kasi pangalan HAHAHA! Anyways, tara sirain na natin ang balot!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

longing. (an embodiment of physical touch)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon