Kabanata 02

32 4 0
                                    


Kabanata 02

Third Person's POV

He can't believe his eyes when he saw her. Her brown eyes, her curly brown hair, her nose, even her perfect arrow bow shape lips. He is more than sure that the lady infront of him at this moment is Amira Victoria from his past life, almost 300 years ago.

Ang babaeng halos dalawang siglo niya nang hinahanap at ang susi upang makalaya siya sa mga bangungot ng nakaraan. Hindi niya ma-i-alis ang tingin niya sa dalaga.

Halo-halo ang nararamdaman niya ngunit nangingibabaw ang saya sa kanyang puso. Sabik na sabik na siyang makalaya.

Sigurado man siyang siya ito ay nagulat siya ng bigkasin ng punongguro ang pangalan ng dalaga. Hindi Amira ang sinabi nito kundi Princess.

Hindi rin nag tagal at nawala ang pangamba sa kanyang isipan ng banggitin muli ng punongguro ang apelyido ng dalaga. Princess Victoria.

Dalawang siglo narin ang lumipas, maaaring nabago ang pangalan niya sa pagdaan ng mga taon. Sambit niya sa kanyang isipan. Hindi parin siya makapaniwala na abot kamay niya na ang susi sa kanyang paglaya.

Masaya siyang makita muli ang dalaga sakanyang bagong pagkatao. Marami ang nagbago sakanya. Ang kanyang pananalita ay pinaghalong ingles at filipino, ang kanyang pananamit ay pang moderno, ang tono ng kanyang boses ay may halong pangunguyam at marunong narin itong umirap.

Ang kanyang galaw at ugali ay ibang-iba sa Amira'ng nakilala niya sa ika labing walong siglo. Maaring pilya nga siya noon ngunit mas malala ang kapilyahan niya ngayon, kapilyahang nakakainsulto.

Pangatlong buhay niya na ito kung kayat siguradong marami ng nabago sakanya. Gaya ng dalaga ay pangatlong buhay narin ito ng binata. Habang paulit-ulit itong nabubuhay ay natuto narin siya ng ilang mga bagay sa modernong panahon.

Nang malaman ng binata na dito nagaaral ang dalaga ay dali-dali niyang inasikaso ang mga bagay para sa kanyang pagaaral. Hindi naman siya nahirapan dahil kumpleto siya sa dokyumento ngunit nang malaman niyang malapit ng matapos si Amira sa pagaaral ay hindi narin siya tumuloy.

Hindi narin naman siya nag pumilit dahil sawa narin siyang mag-aral. Sa kanyang tatlong buhay, hindi na niya mabilang sa daliri kung ilang beses na siyang nag-aral at kung ilang unibersidad na ang napasukan niya. Ang mahalaga sakanya ngayon ay nahanap na niya ang dalaga.

He needs to keep his eyes on her, he needs her to save him.


**********

Amira's POV

It is almost 5pm when I finished my class. Hanggang ngayon ay hindi parin mawala ang inis ko sa lalaking nakausap ko kanina. Because of him, they didn't allow me to take the long quiz because I was late for 2 minutes! ONLY FOR 2 MINUTES!!! I wonder kung ano kaya magiging epekto nun sa final grades ko. Hays! Kung sino man ang lalaking iyon ay nakaka bwisit siya!

"Amira, are you sure na hindi ka talaga sasama? It would be so fun!" pagkukumbinsi ni Layla saakin na sumama sa pupuntahan nilang night club. It's friday and usually friday is fun day for us but this time, not for me.

"Pass, I have to do my sanction." sambit ko at umirap.

"Edi mambayad ka ulit ng ibang students para maglinis ng banyo." gustuhin ko mang sumama ay hindi pwede dahil may magbabantay sakin ngayon to make sure na ako talaga ang gagawa ng sanction ko.

Hindi ko rin naman pwedeng bayaran yung magbabantay sakin dahil mismong si Sir Mercado ang sasama sakin. Nakakainis!


******

One Step Forward, Three Steps Back.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon