Isipin natin na nasa isang malaking tindahan tayo. May mga nakadiscount, nakasale, meron mga affordable, may branded, may magaganda kaso sobrang mahal, merong mas pangangailangan mo na kaya naman ng budget, merong "quality" na mura lang, meron ding hindi naman kagandahan e sobrang mahal, meron ding for auction, for bidding, meron ding limited edition, for a specific time only, for the holiday season.
Nabasa ko nun, sabi nya "hindi ako pangkaraniwan, I'm limited edition". At that time, naisip ko, dahil weird nga ako, I'm also limited edition.
Pero, eto na naman ako, nagbyabyahe at kung anu-ano na naman ang naiisip ko at nakakabuo na naman ako ng mga makakahulugang pangungusap. Naisip ko, "nah, thinking about it, I'm not really considered a "limited edition"". Why? Kasi kung nasa tindahan tayo, hindi ako nakalagay sa istante ng limited edition. Why? Other than the fact that I can't be bought, I'm really not for sale. Why? Because I'm not really out in the market, hahaha.
I am what I consider as a display, I'm out there but only on special occasions. I am only polished and cleaned when I would be flaunted but I am not offered to any customer. Well, not yet.