SY 1

3.9K 185 168
                                    

{Arisa's POV}
"Mama, papa buntis po ako"

"Ano?! Sinong tarando bumuntis sayo?"

"S-si.."

"SI YOONGI!" bigla akong napasigaw, nanunuod kasi ako ng teleserye eh nakakarelate ako sa dialouge nila.

Oo buntis ako. Jinontis ako ni Min Yoongi o mas kilalang Suga at boyfriend ko yung gagong yun.

Tangina hindi ko naman alam na wala siyang condom nung araw na gagawa kami ng milagro.

Kaya ito ako jontis na ng tatlong linggo.

Wala pang ibang nakakaalam nito kung di ako at si Namjoon lang, mag bff kaya kami niyan ni Namjoon.

Ayaw ko naman ipalaglag yung bata kasi tao din yan, anak ko yan. Anak namin yan ni Yoongi. Bunga ng pagmamahalan namin yan.

"ARISA!!" sigaw ni Jimin na kakapasok lang sa salas.

Tangina nitong pandak na 'to. Ginugulat ako eh buntis ako.

Ay, di niya pala alam yun. Ayan si Jimin at kuya ko yan.

Oo guys alam ko, mas matangkad ako sa kanya pero kuya ko siya EHUEHUE

"Anong problema mo?! Ba't ka nanggugulat?!" sabi ko sa kanya

"NAWAWALA YUNG BRIEF KO, YUNG CALVIN KLEIN NA LIMITED EDITION" sigaw niya habang nagpapanic

Tangina, yun ata yung suot ni Yoongi nung gabing nagmilagro kami.

"Pink ba kulay nun?" tanong ko sa kanya

"OO!" sigaw niya

"Ehuehue, na kay Yoongi. Kunin mo na lang" sabi ko sa kanya

"Okay- TEKA! Pano mo nalaman na kay Yoongi?!" nagtataka niyang sabi

Heheheh, patay pano ko ba ieexplain 'to.

"Kasi nagpatahi siya ng brief sakin, eh yung pinatahi niya katulad nung brief mo. Edi ba magnanakaw ng brief yun si Yoongi?" paliwanag ko sa kanya

"Bakit sayo pa siya nagpapatahi ng brief- eh, wag mo na pala sagutin nakakadiri kayo" sabi niya at nag eye smile sabay walk out

Parang gago talaga yung pandak na yun.

Hays mapuntahan nga si Yoongi. Ipapaalam ko na sa kanya na buntis ako.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Namjoon. Nung sinagot niya agad niya kong minura.

"Putangina mo Arisa istorbo ka, andun na eh! Andun na! Onti na lang talaga!" bastos 'tong Namjoon na 'to may ginagawa nanaman sila ng hipon niyang girlfriend.

"Bastos ka, mag dala ka nga ng santol dito tapos hatid mo ko sa bahay nila Yoongi"

"Ano ako?! Supplier mo ng santol?! Atsaka fyi Arisa Park, hindi mo ko driver"

"Magdadala ka lang ng santol tapos ihahatid mo lang ako kayla Yoongi ang dami mo pang satsat. Eh kung kanina ka pa nagbalot ng santol para sakin at nagpunta dito edi sana na kayla Yoongi na ako" sabi ko sa kanya

"Oo na puta, lagi naman akong talo sayo eh. After 10 minutes andiyan na ko"

"Sige, yung santol ko ah"

"Oo na buntis"

"Tangina mo, Mommy Arie na lang"

"Oo na, Mommy Arie" nagskip naman yung beat ng puso ko ng marinig ko yun mula kay Namjoon

Sana si Namjoon na lang nakabuntis sakin no? :(

Yuck, pwe. Ano bang sinasabi ko.

"Pakyu. Mabangga ka sana, dalian mo gusto ko na ng santol" magsasalita na sana siya pero binababa ko na agad yung tawag.

After ng ilang minuto kagaya ng sinabi ni Namjoon dumating siya.

"Hello!!" sabi ko sa kanya

"Uloel, tara na"

"Sungit mo, hello din ah?" inirapan niya naman ako

"Santol ko?" tanong ko sa kanya

"Oh" nilapag niya yung isang plastic ng santol sa lamesa

"Yehey, thank you!!!" sabi ko sa kanya sabay yakap kay Namjoon

Pinat naman niya yung ulo ko, sa totoo lang parang mas kuya ko pa ata si Namjoon kaysa kay Jimin. Si Jimin kasi walang kwenta eh, puro brief niya na lang lagi.

"Bakit pupuntahan mo si Yoongi?" tanong niya

"Gagawa kami ng bagong baby" joke ko sa kanya, sinamaan niya naman yung tingin niya

"Deh, kasi aamin na ko na nabuntis niya ko" sabi ko sa kanya

"Sigurado ka na bang aaminin mo na kay Yoongi?" tanong niya sakin

"Oo ano pa bang magagawa ko, eh siya ama nitong batang dinadala ko" sabi ko sa kanya, "Pwera na lang kung gusto mo akuin yung responsibilidad ni Yoongi at samahan mo ko mamatay pag punta sa magulang ko" dagdag ko pa

"Tara, samahan na kita kay Yoongi" sabi niya at natawa ako

Buong biyahe papunta sa bahay ni Yoongi napakatahimik.

Ewan ko ba, kinakabahan ako. Pag sinabi ko kay Yoongi na buntis ako anong magiging reaksyon niya?

Matutuwa kaya siya?

O magagalit siya?

Hindi naman siya mamagagalit diba? Kasi anak niya 'to, bunga 'to ng kalandian niya. Este, bunga ng pagmamahalan namin.

"Arisa andito na tayo" sabi ni Namjoon

Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa bahay ni Yoongi dahil masyado akong nagalala kung ano magiging reaksyon niya.

Sana naman matuwa siya.

a/n: ehehe bumvanes, comment ur reaction guys!!! vote this chapter ehehe <3 ty ty.

si yoongi! | m.ygWhere stories live. Discover now