Lost Souls [27]

43 31 9
                                    

Buong linggo kong inisip ang sinabi ni Kitrock sa akin na cute ako!

Pero sabi ko, he likes cute stuffs and he replied saying that I’m cute. Soooo, what if he likes me, too? Ayoko na!

Gosh, I’m just overthinking and overreacting.

“Here’s your racket, sizzy.” Vanny neared me.

“Wait, I’ll just tie my hair.”

Ponytail muna ang ganap ng buhok ko upang hindi maging sagabal kapag maglalaro na kami ng badminton.

Ngayon ang araw ng sports fest kaya nagkalat ang mga estudyante sa bawat sulok ng eskuwelahan. As we enter the gymnasium, I gave the place a once over. Students are on their sports attire, busy preparing for their chosen events.

White shorts at light synthetic sports t-shirt ang suot ko. Required kasing sumali ka in any sport dahil may grade iyon sa P.E. at sa ibang subjects. Kung player ka, puwede mong salihan lahat maliban sa sport mo.

Halimbawa, si TJ. Dahil kasama siya sa basketball team, hindi niya puwedeng piliin ang basketball. That’s why he chose to play badminton with me. Siya ang nagpumilit na mag-doubles kami.

Dahil indecisive si Vanny, sapilitan niya ring pinili ang badminton at mag-single player. Si Irene ay hindi namin kasama dahil nasa open field siya for softball.

Swimming nga sana ang sasalihan ko para makasama ko si Kitrock. Nag-volunteer daw kasi siyang maging trainer. Ang kaso, hindi ako marunong lumangoy. Plus ayaw kong mapahiya sa kaniya dahil baka mahigop ko pa lahat ng tubig sa pool, so never mind.

From TJ:
10 o’clock pa laban natin. Punta muna kayo MC. Hintayin ko kayo

Ipinakita ko kay Vanny ang text and told her to go ahead.

“E? Sabay na tayo,” sabi naman niya at umangkla na sa braso ko.

“Restroom lang ako.” I scratched my nose. “Kahit huwag mo na akong samahan.”

She gave me a sidelong glance, not convinced. “Not good at lying, Bliss. Where are you going?”

Napakagat ako sa ibabang labi. “Swimming pool area.”

“Sabi na nga ba! Kikitain mo si Kitrock, ano? Kayong dalawa, ha. Are you dating?” she whispered with a grin. “Kaya madalas na kayong magkasama. As in super dalas!”

“Walang date-date. We are just hanging out. We’re friends, we’re cool,” I explained.

“Almost all couples ay sa friends nagsimula. Eventually, you’ll end up together, OMG!” She clapped before pushing me lightly. “Sige na, go to your bebe na!”

And to that, naghiwalay na kami ng landas.

Pababa na ako ng hagdan papuntang swimming pool area nang makasabay ko si Finn.

“O, Bliss, hanap mo si Kitrock?” tanong nito. “Wala siya, e.”

“Pa’nong wala? Siya trainer dito ngayon, ’di ba?”

“Sana,” tango niya. “Kaso masama ang pakiramdam kaya pinauwi na ni coach kanina. ’Di niya sinabi sa ’yo?”

Umiling ako. “Gano’n ba? Okay, thank you.”

Pipihit na sana ako paakyat nang tanungin niya ako.

“Pupuntahan mo siya?” Finn was grinning, like how Vanny grinned at me awhile ago.

“Hindi, ’no.”

···×X×···

“His room is two doors to the right, sweetie. Susunod ako, okay?”

Lost Souls With Gray SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon