Lost Souls [60]

16 9 0
                                    

VANELLOPE KAITH COLUMBRES

“Masayang magkaroon ng mga barkadang babae, not until mahulog ka sa isa.”

Tumawa-tawa si TJ habang kinakausap ang sarili at nilalaro ang yelo sa baso niya.

I decided to unwind in a bar alone. Ewan ko paanong napilit ako ng lalaking ito na sabihin sa kaniya ang location ko. Panira ng “me-time”.

Gusto niya raw makatikim ng beer. Kaso noong nasa counter na ay hard drink naman ang na-order niya.

“Ano bang malay ko sa mga drinks dito? Hindi naman ako umiinom kasi good boy ako,” he quoted the last words.

“Baka hindi mo kayanin, baliw. Mag-beer ka na lang din gaya ko,” pamimilit ko pa. “Ayokong mag-asikaso ng lasing, ha.”

“Kaya ko ’yan, sus!”

False. Hindi niya kaya! Kalahati pa lang ang bawas ng inumin niya pero pulang-pula na ang buong mukha at parang isang lagok pa ay hahalik na talaga ang mukha niya sa mesa.

“Nakatitig ka na naman, Vanellope. Hindi halatang gusto mo ’ko. Hindi talaga.” I was about to protest but he placed a finger on my lips. “Shush! ’Wag mo na nga itanggi. Halata naman sa mga mata mo na guwapong-guwapo ka sa ’kin.”

I slapped his hand away. “Pinaglihi ka ba sa electric fan? Sobrang hangin mo. Legit, no lies.”

He glared at me with his drowsy eyes. “Lihi-lihi. Kayong tatlong magkakaibigan, alam ko saan pinaglihi. Si Irene, si Bliss, at si Vanny—Ay! Ikaw pala si Vanny.” Tumawa siya sabay sinok. Itinuro niya ako. “Ikaw, ipinaglihi ka sa kalan. Tanong mo bakit.”

“Why?” I grunted.

He frowned at me. “Sabi ko bakit, hindi why! Lasing ka yata, e.”

“Tsk! Okay, bakit?” Alam ko namang walang matinong lalabas sa bibig niya.

“Kasi marami kang kalan-dian.” he cracked up. “Ops! Bawal i-deny, nakamamatay.”

Wala na nga akong kalandian! At kasalanan ni TJ kung bakit.

I smacked his shoulder but he just continued talking. “Tapos si Irene, pinaglihi sa itlog. Kailangan i-handle with care kasi marupok.”

“I totally agree,” tawa ko naman.

“Si Bliss naman ay sa ano,” he trailed off. “Pinaglihi sa isang litrong anesthesia ang babaeng ’yon kasi manhid siya. Sobra.” A sad smile curved his lips.

Pati ako ay biglang nalungkot. I am not quite sure if I am feeling sad for him or for myself.

For falling for someone who is in love with someone else.

That was my mistake.

Kay Bliss ipinaramdam ’yung pagmamahal na higit sa kaibigan pero hindi niya binigyan ng kahulugan. Samantalang ako na kaibigan lang ang turing, ako pa ang nag-assume at naglagay ng meaning kahit wala naman pala.

Napailing ako sa naisip. Lumagok na lang ako sa inumin ko.

TJ poked my arm. “Beer ka ba?”

“Bakit na naman?” Naghintay ako ng ilang segundo pero nakangiti na parang aso ang loko.

“Kasi gusto kita.”

Lumundag ang puso ko sa narinig. Hindi ko makontrol ang pagwawala ng kung ano sa tiyan ko! Kunwari ay hindi ako naapektuhan.

Taas-kilay ko siyang tinanong. “Nasa’n ang beer doon?”

Damang-dama ko ang pag-init ng mga pisngi ko nang unti-unti niyang ilapit sa akin ang mukha niya. “Gusto kita pero beer-o lang!”

Lost Souls With Gray SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon