Ulap

28 0 0
                                    

By: Felicity Torres

Habang nakatingin
Sa mga nagniningning na bituin
Ang mga mata mong kumikislap
Ay sumasalamin sa mga ulap

Sinisisi at tinatanong ang sarili
Kung ako ba ay nagkulang at nagkamali
Sapagkat ang bawat iyak na may halong hikbi
Ay sumasabay sa ulan na ang pag agos ay dama ang pighati

Samahan mo ako
Baguhin nating dalawa ang ikot ng mundo
Isayaw ang bawat isa sa gitna ng pag-iibigan nating dalawa
Puso'y buuhin muli at wag nang sirain pa

Hindi ko hahayaang magkalayo
Hindi papayag na parehong mabigo
Sapagkat ikaw ang susi sa kandado
Ikaw ang susi, ng magulo kong mundo

ANG TULA NG AKING PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon