Chapter 1 - DOTA Heartbreak

163 0 1
                                    

Chapter 1 - DOTA Heartbreak

"Gagi ka pare. Wala kang kupas," sabi ni Rojan, ang may-ari ng computer shop

"Well, ganun talaga. A deal is a deal. Labas niyo na mga isang libo niyo," sabi ko.

Nanalo na naman kasi ako sa DOTA, 2 on 2. Ako at si Eli vs. Jude at Vincent. Hahaha! Victory! Si Rojan ? Well, nanunuod lang siya pero pumusta rin siya ng isang libo kapag natalo nila ako. Well ako lang, kasi kahit si Eli parang gusto akong matalo. Kala kasi nila matatalo nila ako ngayon na nakasalamin na 'ko. Hell no! Request kasi ng gf ko, si Agatha. Atsaka lumalabo na rin ang mata ko.

 Pero kala nila bulag na ko ? Bwahaha! Sabi ko nga kanina, diba ? Kaya kong maglaro ng nakapikit. *evil grin*

"Oy kuya, makangiti wagas. Oh ayan, pera mo. Ipandate mo." -Eli, kapatid ko at inabot naman niya ang tag-iisang libo nila

Huwag niyong isipin na mahirap lang kami. We're rich, actually. May kompanya kami sa Australia, Japan at America. Pero, naniniwala ako sa kasabihang 'Pag may tiyaga, may nilaga.' Pinagtiyagan ko lang ang DOTA, at ayun, instant yaman ako. May sariling condo nako with my own salary. Odiba ? San ka pa ?

"Nice game, Pre." sabi ni Jude at tinapik ako

"Naman," yabang ko no ? talaga! :D

"Sige pre, una na 'ko. Sunduin ko pa si Lei may date kami." sabi ni Vincent at ayun umalis na.

"Ako din pare, susunduin ko pa yung kapatid ko sa airport. Si Eli muna daw bahala sa shop. Adik yun, eh." -Rojan at ayun umalis na din.

 Hindi talaga nila ako inantay magsalita. Tsk! Kilala niyo na ba ako ? Well, ako si --

*BEEP*

 AY panira! Anak ni Rizal naman oh.

                        Fr: The Love of My Life maliban sa DOTA

                                  Babe, meet me at the park.

                                  1pm

                                                                     -Agatha

 Di pala panira. Si bebe ko pala. Teka anong oras na ba ? 9am?

 Aga ko nangapitbahay dito. Well, malapit lang naman ang condo ko dito.

 Makauwi na nga para makapag-ayos nang mameet ko na si Bebe ko. Yiee! Ambakla ko. Pwe!

"Elison, uwi na ko. May lakad pa ko."

"Sige, kuya. Goodluck!" -Eli ^____^

 Lumabas na ko ng shop. Whoo! I'm excited to meet Agatha. 1 week kasi siyang nagbakasyon sa Pangasinan and I miss her so bad.

 Kung tatanungin niyo kung sino mas mahal ko ? DOTA o Agatha ? DOTA syempre, pero joke parehas lang. Kaya ko namang ibalanse ang time sa DOTA at GF.

Dota Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon