Late na ako!!! ㅠㅠ

1.4K 9 5
                                    

Neks naman!

AN: Hello! Ako nga pala si Jas! Isang amateur otor. Ito ho ang COTCR. Paki support! :)))

Si Myca sa right ------------------------->

THIRD PERSON'S POV

Sabi nila ang unang araw ng eskwela ang pinakamasayang araw sa kabuuan ng pag aaral mo ng high school. Wala pa kasing mga lessons at syempre, excited ang lahat sa mga kaklase nila. Ngunit, hindi ito pwedeng ihalintulad kay Myca. Dahil si Myca ay ayaw na ayaw ang araw na ito. Bukod kasi sa paglilipat niya ng eskwelahan, ay magkahiwalay ang mga section niya at ng mga bestfriend niya.

"Gumising ka na Myca," tawag ng ate niya. Si Marienne Reyes ay isang College student at ang ate ni Myca. Umiling si Myca. Sigurado siyang papagalitan siya ng ate niya dahil sa kanyang katamaran.

"Hoy Myca. Alam mo ba, nung nag aaral pa lamang ako ay wala akong naging absent! At excited talaa ako nung pasukan na!" sigaw ng ate niya. Hinarap ni Myca ang kanyang mukha sa ate niya. "Wag mo nga akong ihalintulad sa iyo. Di ako kasing perfect mo," sinabi niya nang nagaapoy ang Hazel brown eyes.

Nagbugtong hininga nalamang si Marienne. Wala siyang magagawa. Ganyan na talaga katamad si Myca. Lalo na pag hindi niya nakukuha ang gusto niya. Kung kayat lumabas nalamang si Marienne at naiwan ang kanyang nakakabatang kapatid na natutulog parin sa kanyang kama.

Hindi na sana nagising si Myca ngunit nag ring ang kanyang Samsung Galaxy S3. Nang naimulat niya ang kanyang mata ay nakita niya ang text sa kanya ng isa sa kanyang mga bestfriends na si Jamie.

From: Bess Jamie

Subject: Wer r u?

*San k n grl? Mlpt n mgsimla ang klase. Faster!

Nang nabasa na niya ito ay agad na siyang bumangon. 7:00 ang oras ngayon. 8:00 ang pasok niya. May isa pang oras!

Tumakbo si Myca sa CR at naligo. Mabilis lamang siya dahil nagmamadali nga sya. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na lamang siya. Dito na siya natagalan.

"Hmph. Ito ba o eto?" tanong niya sa kanyang sarili. Hindi naman siya kafashionista katulad nang kanyang mga kaibigan, lalo na si Jamie, ngunit ito ay ang simula ng klase, kung kaya't siya ay mapili.

Sa huli ay pinili niya nalamang ang isang purple hoodie at short shorts. Syempre, sinuot niya ang kanyang trademark rubber shoes. Trademark dahil sa kanyang nakakalokang kulay. May dilaw, asul, berde, puti at pula.

"Nasaan si unni, onii-chan?" tanong ni Myca kay Bryan, ang nakakatatandang kapatid ng kanyang pinsan na si Emerald. Natuto si Myca ng Japanese at Korean sa kanyang lolo. Siya ngayon ay isang master expert sa pagdating sa dalawang lengguahe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clash of the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon