KABANATA 1

8 0 2
                                        

Masarap na simoy ng hangin ang sumalubong sakin pag bukas ko ng bintana kung saan naririnig ko ang alon ng tubig na masarap sa pandinig, nakakarelax ito na parang isang musika sa tenga ko.

Music. nakakatawang noon ay nais kong maging sikat na bokalista ng isang banda kung saan kasama ko siya, pero nagbago iyon ng mawala siya na parang bula, walang sinabi ni ha ni ho, at walang explanation matapos may mangyare saming dalawa.

Dahilan para magbunga ito na naging dahilan kung bakit napariwara at pinalayas ako ng mga magulang ko dahil isa raw akong disgrasyada wala daw akong delikadesa, sa edad 15 kumayod ako para mabuhay kaming dalawa ng anak ko.

Oo anak ko lang dahil kahit kailan hindi ko kinilalang tatay ng anak ako ang lalakeng minahal ko noon na hindi na nasundan pa.

"Leo anak kumain kana nakahanda na ang almusal mo, bilisan mo at may klase kapa." pagtawag ko sa anak ko na nasa itaas ng bahay namin dito sa isla kung saan nais kong mamuhay ng tahimik kasama ng anak ko.

sa edad niyang 14 ay hindi maikakaila na napakagwapo niya, lalo na ang asul na mga mata niya na namana niya sa ama niya, sa edad niyang iyon ay hindi siya katulad ng ibang mga kabataan dahil daig pa niya ako pag may dalaw, napaka sungit pero sa kabila non ay may angking katalinuhan siya, gusto niyang kumanta at maging isang bokalista ng banda katulad ko noon, pero hindi ko siya pinapayagan hindi ko alam sa sarili ko kung bakit, basta't ayaw kong maging isa siyang umawit, siguro ay dahil na aalala ko nanaman ang ama niya sa tuwing siya ay kakanta.

"Eto na mom pababa na!" sigaw niya pabalik sakin.

ng makababa siya ay bumati siya sakin bago nagsimulang kumain, pero nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay natigilan ako sa itinanong niya sakin.

"Mom pwede ko bang tanongin kung sino ang daddy ko?" ng tanongin niya iyon ay natigilan ako sandali saka siya tinignan.

"you'll know soon leo, but for now i want you to be like normal teenager. bakit ba masyado kang ilag sa kapwa mo? isa pa gusto kong maranasan mo yun ayoko kitang makita na walang kaibigan." nakangiting turan ko, nagiwas lang siya ng tingin sakin.

"mom you know i don't like to socialize with others. kung magkakaron man ako ay gusto ko yung kasundo ko na magkaron ng banda."natatawang turan niya, tinaasan ko siya ng kilay.

"leo, you know im against to that, that b-band of yours you know that." salubong ang kilay na saad ko.

Ng matapos kaming kumain ay pumasok na siya, ako naman ay nandito sa kwarto naglilinis. natigilan ako ng makita kung ano ang nasa isang kabinet na hindi ko na binuksan pa simula ng umalis ako sa kung saan ako galing.

kinuha ko ang gitara ko noon. Hindi alam ni leo ang tungkol dito dahil hanggat maari ayokong tumugtog siya, pero mukhang hindi ko mapiligilan yun dahil nais niyang talaga na kumanta. tinignan kong mabuti ang nakaukit don, mg makita ko yon ay humigpit lang ang hawak ko sa gitara kaya ay agad ko yun binalik at ikinandado dahil hindi yun pwedeng makita ni leo.

C//V. iyan ang nakalagay don, gusto kong burahin pero hindi pwede dahil kahit hindi nako tumutugtog ay naron parin sakin ang mga ala ala ko habang tumutugtog sa isang stage kasama siya at nila.

Inayos ko nalang ang mga gamit don at saka ako bumaba para bumili ng mga stocks ng pagkain namin dito sa bahay, dalawa lang kami dito kaya minsan ay isang beses kada buwan ako nag g-grocery.

Sumakay ako ng trycicle papunta sa tabi ng isang mall dito sa isla, habang namimili ay may nakabunggo ako dahilan para magkatinginan kami ng taong yun, pero natigilan ako at namutla ng makita ko kung sino yun.

"Carine?!" gulat na bulalas niya kaya napaiwas ako ng tingin at napalunok bago magsalita.

"S-shane, kamusta?" pilit na ngiti ang ibinigay ko sakanya bago ko iniwas ang tingin.

11th TapeWhere stories live. Discover now