AN:
This short story is a work of fiction and imagination of the author.Kasalukuyang nagpapack ng gamit si Camille nang biglang bumuhos ang ulan. Sila na lamang ng kanyang amo ang naiwan sa set dahil siya ang PA/driver nito.
Pinuntahan niya ito sa loob ng room para sabihang patitilain muna nila ang ulan bago umalis. Medyo malayo kasi ang parking lot sa mismong building kaya kailangan nilang lakarin iyon.
Maari sana silang gumamit ng payong pero iisa at maliit ang nadala niya.
"Sillyehabnida, bakk-e biga naelibnida," aniya. Sinabi niyang malakas ang ulan.
Lumingon ito sa pagdudutdot ng cellphone. Napalabi. "Gwaenchanh-a usan-eul sseul su-iss-eo,"
Napakamot siya sa ulo. "Geunde usan-i jag-ayo,"
"Gwaenchanh-a, gwaenchanh-a. Let's go," ani nito at nilagpasan na siya.
Masiyadong maliit ang payong para magkasya silang dalawa. Matangkad ito at ang liit liit niya. Para siyang nakadikit sa poste.
"This umbrella is too small," ani nito. Marunong naman kasing mag english. Nagdudugo tuloy ilong niya sa wika nito. Ilang buwan na siyang PA ni Hyun Bin. Swerte nga niya at nakuha siya kahit banyaga siya sa bansa nila.
Kasundong-kasundo naman niya ang amo. Mabait ito sa lahat kaya maraming umiidolo dito. Marami ring nagkakacrush dito kasama na siya.
Sino ba namang hindi di ba? Hyun Bin na yarn! One in a million din ang pagkakakuha sa kanyang PA. Maraming naiinggit pero hindi na lang niya pinapansin. Ayaw ng kanyang amo ang maingay na buhay kahit na ba ay artista ito. Mas gusto pa rin nito ang pribadong buhay.
"Are you okay? Your jacket is drenched,"
"Gwaenchanh-a," aniya at ngumiti.
Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. Lumundag ang puso niya sa kilig. Kung kanina nilalamig siya, ngayon ay hindi na. Warm, big hands are holding her fragile shoulder.
"Bileul salanghasibnikka?" tanong niya.
"A lot. When I was a child I love to play in the rain," ani nito.
"You don't do it anymore sir?"
Umiling ito. "Busy schedules. And when I'm home, I sleep a lot. You?"
"I love rains. It makes you sentimental, think about things and the like," ngiti niya rito.
"Bis-sog-eseo chumchugo sipni?"
"Right now? Someone might see you and create a news for you sir. I will be scolded by your Manager,"
"It's just one in a million chance Camille," ani nito at pinalipad na ang payong.
"But--"
Tumakbo itong parang batang naglaro sa ulan. Tumalon-talon at nagsisisigaw sa tuwa. Hinabol niya ito at pinapatigil pero tumakbo rin ito palayo. Ang lamig lamig sa Korea, tapos nandoon silang naglalaro sa ulan.
Naghabulan sila sa ulan at nagtawanan. Naghawak kamay sila at nagpaikot-ikot na parang mga bata. Sumayaw, lumundag at umikot ikot sila na parang walang katapusan.
Kung titingnan sila parang nakikipaglaro sa batang maliit ang binata dahil sa liit niya. Pagkuwa'y binuhat siya nito at itinapat sa tumutulong tubig ulan. Napayakap siya bigla sa binata dahil sa lamig. Tinawanan lamang siya ni Hyun Bin.
Niyakap naman siya nito. And slowly they danced in the rain. He sweetly brushed the hair on her face. Pinagmasdan nila ang isa't isa at nagngitian.
"Ippeusi neyo," bulong nito.
Huh? Pati yata ang ulan nagblush sa sinabi nito. Sinong hindi matutuwa sa sinabi nito? Maganda raw siya!
Wow na wow ang beauty mo Camille. Sana all. Hiyaw ng utak niya."Ahm.. Gamsahabnida," she whispered back
Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya. Ito na ba ang hinihintay niya? Matutupad na ba ang matagal na niyang pangarap?
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinintay ang pagdampi ng mga labi nito sa kanya. Ang saya saya niya. Ano na nga ba ang kanta ni Miss Regine?
Buhos pa ulan wag nang tumigil pa. Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo. Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa. Tuwing umuulan makapapiling ka.
Oh di ba napakanta? Hindi naman yata tama ang grammar sa kanta niya. Basta, sana hindi na tumigil ang ulan. Huwag muna. Huwag na sana.
Pikit na pikit siya nang may yumugyog sa kanya. Sino ba iyon? Hahayaan na lamang sana niya iyon nang biglang lumakas ang yugyog sa kanya.
"Ano ba?!" bulyaw niya at nagmulat ng mata. Huh? Inilibot niya ang paningin at dumapo iyon sa kaharap.
"Kanina ka pa nguso ng nguso diyan. Niyuyugyog ka na nga't lahat pero di ka pa magising. Tara na nga! Oras na ng klase," busangot na sambit nito.
Panaginip lang pala iyon. Sinamsam niya ang mga gamit at napansin ang notebook niyang mukha ni Hyun Bin ang cover.
"Jayson! Bakit mo ako ginising??? Maghahalikan na kami ni mylabs. Panira ka naman ng pantasya!" maktol niya.
"Mabuti nga at nagising kang maaga sa katotohanan." he smirked.
"Jayson eolgan-i!"
--------------------------------The End------------------------------
YOU ARE READING
Rain, Rain don't go Away
FanfictionShort story about oppa under the rain. #wattpadph #wattpadfanfictionph