PROLOGUE

10 3 0
                                    

"Hindi!!!" Nagising ako bigla habang hinahabol ang aking hininga.

I had a bad dream. Wag naman sana 'yung mangyari.

Ilang minuto muna ang lumipas bago ko naisipang bumangon mula sa aking kama.

Tinungo ko ang aming sala at napansin kong walang tao rito.

Dali-dali akong pumunta sa aming palikuran ng bigla akong maihi. Nang makabalik ako sa sala ay wala parin akong nakitang tao.

Tinungo ko ang kwarto ng aking mga magulang baka andun lang natulog pero si Dexter lang ang nakita ko roon ang nag-iisa kung bunsong kapatid.

'yung kamay niya ay bahagyang nakatakip sa kaniyang heta at nakayuko ito habang natutulog. Pinuntahan ko siya at binalutan ng kumot.

Lumabas ako saglit at kapansin pansin ang katahimikan ng bayan. Something is odd. Asan 'yung mga tao? Bat ang tahimik ng lugar?

"Bata!" Sigaw ko sa isang batang nakasuot ng pulang t-shirt. Pansin ko nasa mga pitong taong gulang siya at sakto lang ang tangkad sa kaniyang edad. Sininyasan ko ito na pumunta sa 'kin.

"Ano po 'yun?"

"Alam mo ba kung nasaan ang mga tao rito?" mahinahon kong tanong sa kaniya.

"Sa akademya po," wika nito.

Ahh kaya pala. Pero sila lahat pumunta ro'n? Ano ba meron dun?

"Sige bata salamat," wika ko sa bata at tsaka ito umalis.

Nagdadalawang isip man ay kaagad kong
tinungo ang akademya dala ang luma naming besiklita dahil sa medyo may kalayuan ito mula sa bahay namin.

Napahinto ako saglit ng makarinig ako  ng tunog ng isang kampana. Ano kaya ang mga nangyayari?

Nung andun na ako ay nakita ko ang napakaraming tao. Hinanap ko ang aking mga magulang ngunit hindi ko ito makita kaya nagfocus nalang akong panoorin ang nasa malaking screen na nasa harap ng akademya.

"Stage 10 the last stage. Play me a sad music."

Lahat sila ay natulala. Kinakabahan. Nag-iisip kung ano ang kantang tutugtugin.

"A-alam..alam niyo ba yung kantang Paubaya?"

"Ni Moira?" wika ng isang nakakulay pulang t-shirt na babae.

"Yes," magkasabay na bigkas ng isang lalaking naka eyeglass at babaeng nakakulot ang buhok.

Nagsimula na silang tumugtog at ang nakakulay pulang t-shirt na babae ay kumakanta.

Pansin ko ang mga armadong lalaki na di kalayuan sa kanila. May dala silang mga armas.

Hindi ko alam pero imbis na damhin ang kanta ay tela kinakabahan ang mga taong andito. Hinayaan ko nalang sila at nagfocus ako sa pakikinig sa musika.

At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya

'Bang'

Biglang naudlot ang tugtugan ng maputol ang isang string ng lalaking nagtugtug ng gitara.

"Wag po," Lumuhod ang lalaki at nagmakaawa ngunit hindi siya pinakinggan hanggang sa nakarinig ako ng putok. At nang tignan kong muli ang screen biglang tumulo ang luha sa aking mga mata at kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan. Dumanak ang kaniyang dugo sa lupa.

He was my brother, it was the same scene in my dream. A bad dream.

Two months later.

"Ikaw ba 'yung bagong studyante?" wika ng lalaking armado.

"Opo,"

"Tara na!"

Nagsimula na akong maglakad dala-dala ang gitara ko at ang bagahing naglalaman ng mga damit na lihim kong kinuha dahil.....

"Anak!" Sigaw ng nanay ko ngunit huli na ang lahat dahil nakasakay na ako sa sasakyan.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila upang di nila makita ang mga butil ng luha na dumadaloy mula sa aking mga mata.

Napahinto ang sasakyan at isa isa kaming tumayo at lumabas. Pagkapasok ko ay bumungad agad sa 'kin ang mga salitang ito;

WELCOME TO MUSIC ACADEMY;

PLAY. SING. SURVIVE.

The Bloody Secret of Music AcademyWhere stories live. Discover now