CHAPTER 1

5 2 0
                                    

"Mensahe galing sa akademya!" Narinig kong sigaw ng isang lalaking tagahatid ng mensahe.

Pinulot ko ang isang kulay kayumangging sobre at tinignan ko ang paalis na lalaking nagtapon nito. Kapansin-pansin ang tatu sa kaniyang leeg. Tambul, nagmula siya sa angkan ng mga Tambulero. Drumero Clan, ito ang tawag sa kanila.

Siguro isa rin siya sa mga mag-aaral ng akademya sa kaniyang kabataan. Isa rin siguro siya sa mga nagtagumpay at nanalo.

Biglang tumulo ang mga luha sa aking mga mata nang maalala ang nangyari sa aking kapatid.

"Whatever it takes, I have stop this game!"

Tinungo ko ang aking paningin sa sobre. Sa labas makikita mo ang isang gitara at may nakasulat dito na "Music Academy."

"Ano yan anak?" Nadatnan ko ang aking ina na nag-aayos ng hapag para sa aming agahan.

"Liham po, ina. Galing daw sa akademya." Kapansin-pansin ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng aking ina. Tila sa isang iglap siya'y naging isang apoy na nagliliyab sa galit.

Dumating ang aking ama dala ang mga panggatong at nakita niya ang liham na inaabot ko sa aking ina.

"Lucas, pasok ka muna sa kwarto." wika ng aking ama. Hindi nalang ako nagtanong at sinunod ang kaniyang nais.

Humiga ako sa sahig katabi ng aking kapatid na si Dexter na mahimbing ang tulog. Iwan ko ba kung sa'n to pinaglihi ng aking ina na sobrang antukin.

Ilang minuto pa ang nakalipas di ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nagising nalang ako sa kanilang malakas na sigawan.

Akmang bubuksan ko na ang pinto sa kwarto nang marinig ko ang sinabi ng aking ina.

"Nahihibang kana ba Esmael?!" pasigaw na sabi ng aking ina.

"Rosa, maliit pa si Dexter! Sa tingin mo ba kakayanin niya ang mag-aral sa akademya. Paano kong magaya siya sa kaniyang kuyang si Kraixer?"

Bigla akong napatingin sa kapatid kong si Dexter na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang tulog.

"Eh paano si Lucas? Hindi mo ba siya iniisip? Hindi mo ba iniisip ang kapakanan niya?"

Nahinto ang kanilang pag-aaway at narinig ko ang paghagulhol ng aking ina.

"Kuya bat ka umiiyak?" Nagulat ako ng biglang magsalita ang kapatid kong si Dexter. Di ko namalayan ang pagtulo ng butil ng luha sa aking mga mata.

"Wala to," pagkukunwari ko. Kaagad kong pinahid ang luha sa aking pisngi.

"Ina! Si Dexter umihi na naman sa banig!" Sigaw ko. Napatingin siya sa kaniyang korto at nakitang basa ito.

"Kainis!" Sa hiya ay kaagad siyang tumakbo patungong banyo.

"Wag kanang mahiya sa 'kin. Kala mo talaga unang beses umiihi eh no." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Tumahimik ka kuya!!!"

"Yoko nga!" Di ko maiwasang humalakhak sarap kasi mang-asar ng kapatid haha.

Patungo ako ngayon sa Gitron ito ang tawag sa lugar kung saan kami magsasanay mag gitara.

Malapit sa baybayin ang lugar kaya gusto ko rito. Maganda ang tanawin at bukod pa rito ay sariwa ang hangin.

Pagkarating ko ro'n ay nadatnan ko si Heraya na nakatunganga. Nagmula rin siya sa Guitar Clan. Siya ang nag-iisang anak ni Pinunong Hermano ang dating leader ng aming angkan.

"Tila ang lalim ng iyong iniisip binibining Heraya?" pauna kong salita. "Inaalala mo ba ang iyong namayapang ama?"

Ang kaniyang ama na si Pinunong Hermano ay pumanaw sa idad na pitumpu't walo. Nagkaroon siya ng isang pambihirang karamdaman na wala pang lunas kaya di nagtagal ay binawian rin siya ng buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bloody Secret of Music AcademyWhere stories live. Discover now