Maybe I was ambitious or maybe I was just expecting something that will satisfy my idea about love.
Hindi ko alam kung ako lang ba pero pinapangarap kong makatagpo ng lalaking malapit na sa perfect. Alam ko walang taong perpekto pero gusto ko ng gwapo, stable ang status sa buhay, matalino, kaya akong mahalin at higit sa lahat may takot sa Diyos.
I was setting the standard high when it comes to the guys I date, kasi deserve ko naman.
Hindi ko alam pero madali akong magsawa, madali rin akong bumitaw kapag hindi ko nakikita sa kanila iyong hinahanap ko.
Naalala ko last year, grade 12 ako at may nakilala akong gwapong lalaki. As in sobrang perfect ng mukha niya, top student din siya ng university kung saan ako nag-aaral kaso nga lang noong lumabas kami para kumain nagkulang ang pera niya! Syempre hindi ko na siya dinate ulit.
Meron namang isa, mayaman at gwapo pero pinapasagot niya sa akin iyong mga assessments niya. Hindi ko na rin kinausap.
Lagi akong tinatanong ng mga kaibigan ko, "Bakit ang taas ng standard mo?"
Marami akong sagot, hindi ko alam kung ako lang ba? Baka ako nga lang.
BINABASA MO ANG
Bakit ang Taas ng Standard Mo? : A Girl's POV
ChickLitA GIRL'S POINT OF VIEW What do girls consider before entering a relationship? High standards? Bakit? Ano at sino ba dapat ang fit para maging boyfriend?