Prologo

84 21 6
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-----

Kunot-noong nakatitig sa kawalan ang dalawampu't isang taong gulang na si Ziesha sa terasa ng bahay ng kanyang lola. Iniisip kung paano makakahanap ng trabaho kapag bumalik siya sa siyudad.

"Ikaw ba anak ay wala pang balak bumalik sa Maynila?" Mahinhin na tanong ni lola Myrna. Matalik na kaibigan ng kanyang lolang pumanaw na.

"Tatlong buwan pa siguro ako dito, Lola." Huminga ito nang malalim. "At saka mas gusto ko ang simoy ng hangin sa probinsiya ninyo, 'la."

"Gusto mo bang mag meryenda na muna?" Malambing na tanong ng kaniyang lola.

"Mamaya na siguro, 'la." Ngumiti ang dalaga.

"Tila malalim ang iniisip mo, hija. Tungkol saan ba ito?"

Bumuntong hininga si Ziesha. "Iniisip ko po kung anong suliranin ang papasukin ko sa oras na makabalik ako ng Maynila."

Nag iisa na lamang si Ziesha. Maagang nawala ang kaniyang mga magulang kaya't mag isa niyang itinataguyod ang sarili. Wala naman itong reklamo sapagkat siya naman ay may trabaho sa Maynila. Pumapasok na katulong ng mayamang pamilya ng mga Acosta.

Nangungupahan siya sa isang apartment. Apat na libong piso  ang bayad kada buwan kasama na ang kuryente at tubig.

Ngunit nagkaproblema sa trabaho kaya't hindi nakabayad ng upa ng isang buwan. Sinubukan niyang kausapin ang may ari ng inuupahan ngunit siya ay bigo. Kaya ngayon ay sa bahay ni lola Myrna siya tumutuloy.

Hindi nakapagtapos kaya't siya ay hirap ngayon sa pag hanap ng trabaho. Sinubukan niya namang pumasok sa kolehiyo ngunit hindi naman sapat ang salaping kaniyang naipon.

"Lola, naniniwala ka ba sa reincarnation?" Tanong ng dalaga nang pumasok sa isip niya ang salitang ito.

"Oo naman." Ngumiti ang lola Myrna. "Maaaring ang lahat ng taong nabubuhay sa kasalukuyang panahon ay muling nagkatawang-tao. Mayroong iilan ang may kakayahan pang maramdaman ang nauna nilang buhay, ngunit malamang ang karamihan ay tuluyan nang nakawala sa sulyap ng kanilang nakaraan."

Napaisip ang dalaga. Baka nabuhay na siya noon at siya ay nagkatawang-tao muli.

"E'di may nobyo po ako sa past life ko, lola?" Usisa ng dalaga.

"Siguro." Nagkibit balikat ang matanda. "Ngunit ang sabi ng lola ko sa akin noon, isa lamang sa inyo ang makakaalala tungkol sa inyong nakaraan. Ang makakaalala ay hindi magiging payapa sapagkat araw araw siyang mumultuhin ng inyong nakaraan."

                                                ••••

Nasa grocery si Ziesha ngayon dahil kailangan nitong bumili ng stocks sa bahay ng kaniyang lola. May kaunti pa namang natitira sa ipon niya kaya't ito na ang gagastusin niya upang may magamit sila sa bahay. Ayaw niyang maging palamunin sa bahay ng matanda kaya't nagprisinta ito na siya na lamang ang bibili ng mga kakailanganin sa bahay.

Naglalakad siya papunta sa counter nang tumunog ang telepono niya. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa upang tingnan ito.

'Nasaan ka?' mahinang pagbasa niya sa text ni Neon. Matalik niyang kaibigan sa Maynila.

Habang nagtitipa ng ire-reply kay Neon ay aksidente siyang nabangga kaya't natumba ito sa sahig.

"Ah." Daing nito sa sakit dahil sa pagkakatumba. Tumilapon naman ang cellphone nito kung saan kaya't hinanap niya ito agad.

Kukunin niya na sana ito nang may nauna nang pumulot ng cellphone niya. Tumayo ito at magpapasalamat na sana nang biglang nanikip ang dibdib niya. Tila ba lalabas na sa tadyang niya ang kaniyang puso sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Tila ba pamilyar ang lalaki sa kanya. Nakasuot ito ng puting polo shirt at nakatitig lamang sa mukha ng dalaga.

Kinuha ni Ziesha ang cellphone mula sa kanya. "Pasensiya na, kuya. Excuse me, nagmamadali ako e." Paalam nito sa lalaki. Kinuha niya rin ang dala ng lalaki kanina na nahulog sa sahig at iniabot iyon sa kanya.

Binalik niya ulit ang tingin sa lalaki. Nakatitig lamang ang mapupungay nitong mata sa dalaga. Agad namang umiwas ang dalaga ng tingin.

"Aalis na ako kuya, pasensiya na ulit." Paalam nito nang wala pa ring makuhang sagot mula sa kanya.

Akmang aalis na siya nang bigla itong nagulat sa paghawak ng lalaki sa braso niya.

"Nagkita tayong muli, Lucia."

Panimdim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon