IKAUNA

305 44 38
                                    

PAANO NGA BA?

Paano nga ba matulog ng wala ka?
Paano matulog ng di ka kasama?
Gusto kong matulog ng magisa
Pero parang mas gustong makapiling ka

Tuwing sasapit ang umaga
Ika'y hinahanap ng aking mga mata
Gustong-gusto kitang makita
Ganoon ka rin ba?

Pero paano nga ba?
Paano ka makakasama?
Ikaw ay nasa piling na ng iba
Akala ko pa naman tayo ang para sa isat-isa

Pero alam ko na naman nung una pa
Na may nagugustuhan ka ng iba
Kaya di na makatulog ng maaga
Iniisip na, bakit ikaw pa?

Kaya patulugin na sana
Upang ang puso ay makapagpahinga na
At sa pagising ng umaga
Magsisimula ang panibagong saya, ng wala ka

June 20, 2021

Maikling TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon