IKAAPAT

58 7 0
                                    

PILIPINO

Tayo ay pilipino
Pilipino ay may ibat-ibang anyo
Kayumanggi, maputi, at maitim man tayo
Mabubuting ugali naman natin ay di papatalo

Ang pilipinas ay isa sa magandang pasyalan
Anyong tubig at lupa ay napakagandang masdan
Mga tanawin ay 'di mo talaga malilimutan
Kaya sa pilipinas ika'y masisiyahan

Tayo na at ako ay iyong samahan
Pumunta sa ibat ibang kainan
Masasarap na pagkain ay iyong masisilayan
Pilipino talaga ay di nagpapatalo kailan man

Magkakaiba ang katayuan ng pilipino
May mayaman, may kaya, at mahirap dito
Hindi man pare-pareho
Ang mahalaga ay may mabubuting puso

Marami man sa pilipinas ang kapos
Ngunit may handang magbigay upang makaraos
Kaya kung patuloy na tayo ay magbibigayan
Tayo ay tataas din kinabukasan

July 24, 2021

Maikling TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon