I don't remember I used one.
Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulog basta paggising ko ay palubog na ang araw. Bumangon na ako para ayusin ang sarili ko. Gusto ko rin mag ikot-ikot sa buong resort balita ko kasi ay may mga magagandang lugar dito maliban sa dagat tulad ng mga gardens nila, restaurants, at iba't ibang mga ridings at iba pa.
I wore a big size shirt and jean short. Pababa na ako ng makita ko si Vivian at ang manager niya. Papalapit sila ngayon sa gawi ko na sa harap kasi ako ng elevator at mukhang baba rin ang dalawang 'to.
"Well, well, well ang panget naman ng gabi ko." Mataray na sabi ng Vivian na 'to nginisihan ko lang siya at 'di pinansin. I don't have time to entertain those bitches at my sight.
"Oo nga Ms. Vivs, 'yung mang-aagaw ng mga roles mo--- Ooops nadulas!" Gatong naman ng manager nitong si Ricky na nakatakip pa ang isang kamay sa bibig. Hablutin ko buhok nito tignan natin. Tsk.
"Kung inggit pikit." Walang kwentang pagpaparinig ko at pumasok sa elevator sabay pinindot ng button para bumaba tinignan ko lang sila sa harap ko ng walang kabuhay-buhay ang mga mata habang pasarado ang pinto ng elevator.
*****
"Ano? Yung gamot nandiyan na ba?" Sabi ng isang babae habang nakatingin sa kasama nito."Yes. Ate nandito na. Kanino ko ito ilalagay?" Tanong ng isang lalaki sa babae.
"Nakikita mo 'yung babaeng 'yon naka oversized shirt? Lapitan mo tanungin mo 'yung order niya at saka mo lagyan niyang pangpa-lbm 'yong kakainin niya huwag kang papalpak ha?" Sambit nito habang nakaharap na sa lalaking kasama at ngumisi. Sa hindi kalayuan si Ethyl ang babaeng 'yon.
*****
"Good evening, Ma'am table for--" Tanong sa'kin ng isang crew nang makapasok ako rito sa isa sa sikat na kainan sa resort na 'to. It's a huge place, the ambiance makes me relax. Gold, silver and gray ang disenyo para itong palasyo."Table for 1 please," I said. Mag isa lang naman ako ngayon wala sila Zsha at Minerva.
"Okay, Ma'am. Follow this way. " Sabi nito at nag lead ng way kung saan ako uupo.
"Here's the menu Mam," abot nito sa akin.
I choose the pasta and tea to order since nag c-crave ako sa pasta pwede naman siguro mag skip ng 1 meal sa diet ko since 'di ko naman kasama si Zsha at Minerva.
"Okay, just wait for five minutes, ma'am." I nod and open my social media account using my phone.
I saw a message from Direct Sev.
Direct Sev Message:
Ethyl pagbalik mo ng manila dumiretsyo ka muna sa opisina para kunin ang iilan sa mga important scene na gagawin natin by next week hanapin mo lang si Luke alam niya na iyon 'di ko nakuha dahil aalis ako papuntang Davao. Salamat and take care there.
Me:
Okay.
Ang tanging reply ko na lang sa message niya. I saw my trending picture there on social media. I and Evan were there.
"Bagay sila"
"Wow, ang ganda nilang tignan"
"OMG!!! SI ETHYL AT EVAN BA 'YAN? SANA MAGKAROON DIN SILA NG DRAMA"
"Ganda talaga ni Ethyl walang kupas"
"Huh, maganda lang 'yan kasi maputi matangkad"
"Omg Evan bebe qoh! "
BINABASA MO ANG
Dangerous Waves (EDITING)
General FictionEthyl Louis Zanches is a dedicated woman passionate about her work. Her first encounter with Yvan Sky Miller left a negative impression. However, circumstances led them to reconnect after Yvan's fiancée passed away. Ethyl had been present during her...