Prologue

30 1 2
                                    

Prologue

"Sometimes you just gotta be your own hero and save your own little heart. Because sometimes the people you can't imagine living without, can actually live without you. Siguro sinanay mo yung sarili mo nun na kasama siya at akala mo siya na talaga. Kaya ngayon sobrang nasasaktan ka. Minsan kasi kailangan nating tanggapin ang lahat, tanggapin lahat ng sakit..."

Huminto pa muna siya at nakatingin parin ako sa kawalan. Ewan ko ba dito sa kung sino man tong babaeng to, nagsasalita siya habang nakatingin sakin. Ilang beses ko na siyang nakita pero di ko alam kung bakit kailangan niya sabihin sakin lahat to. Hindi kami close at ni pangalan niya hindi ko alam.

Nakita niya siguro lahat. Nakita niya kung gaano ako nasasaktan tuwing nakikita ko yung taong minahal ko sa limang taon. Taong doon lang umikot ang mundo ko, sikat na sikat kasi kami ni Nalya nun dahil sobrang sikat ng banda ko. Napakaganda ni Nalya kaya madaming umiidolo sa kanya.

"Move on na kuyaa!" Pagpapatuloy pa niya.

"Pag nag move on ka for sure yang peke mong ngiti tuwing nagpeperform ka, magiging masaya na." Nakangiti pa niyang sabi sa akin. Natigilan ako, ang ganda nyang ngumiti. Yung pag ngumiti siya, nakakapayapa ng looban. Tila anghel siya ngumiti. Pero hindi pwede. Di na dapat ako mainvolve muli sa babae. Dahil masasaktan na naman ako, tulad ng ginawa niya sa akin. Na iniwan ako at umalis papunta sa ibang bansa at nung umuwi may kasama na syang lalake.

"Sino ka para parangalan ako ng ganyan, isa ka siguro sa mga fans ko kaya nagpapaepal ka sakin ng ganto." Seryosong sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagkunot ng kilay niya.

"Gago ka ba Kuya?! Advice ang tawag dun hindi pangaral, bobo to! At excuse me? Anong fans fans pinagsasabi mo, basher nyo ko no! Di nyo ko fan. Ang papanget ng mga kanta nyo, puro pang broken hearted. Ang papanget nyo din kaya paano ko gugustuhin ang banda niyo! Ang ka..." hindi nya na naituloy ang pagsasalita niya ng halikan ko siya, napaka ingay na tao para sa 5 flat ang tangkad. Panglalake din yuny boses niya na parang paos pa. Maganda siya pero wala siyang panama kay Nalya.

Nakita ko ang panlalake ng mata niya at pamumula ng pisnge at tenga niya. Humiwalay na ako sa pagkakahalik sa kanya, nakaawang parin ang labi niya at di gumagalaw sa pwesto niya.

Nagsmirked ako

"Basher ka pala namin ah, pero kung mamula pisnge at tenga mo napaghahalataan kang patay na patay sakin."

"Ahhhh!" Nagulat pa ako sa sigaw niya.

"PAPA!! MAMA!! Ang first kiss ko!!" Atungal pa niya habang lumuluha.

--
Siya ang pangalawang babae na nagpatibok sa nawasak ko ng puso.

Isang basher na nainlove sa kinaaayawan niyang banda.

Falling inlove with our basher.

--
A/n
Okay ba yung prologue? Kung gusto nyong i-continue ko to comment "Yes" and vote for this story.

Thankiee! :)

__Sunako__ <3<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling inlove with our basherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon