Chapter 1

364 24 3
                                    

Pumasok sa isang magarang bakuran ang kotse ni Roni. Sa wakas, nakauwi na rin siya matapos ang mahabang biyahe galing sa business meeting. Naagaw lang ang pansin niya nang makarinig siya ng tawanan at tugtugan sa katapat ng bahay nila.Nagtataka lang siya kung bakit madaming tao sa bahay na iyon. Sa pagkakaalam kasi niya, wala ng tumitira sa bahay na 'yun dahil ilang buwan nang nakakalipad patungo sa ibang bansa ang pamilya nang naninirahan doon. Dahil sa nararamdamang pagod at wala naman talaga sa ugali niya ang maging maurirat, bumaba na siya ng kotse at agad na pumasok sa loob ng bahay.

"Hi mommy"- sabay halik sa pisngi ng ina na kasalukuyang nagmemeryenda.

"Hi my dear. Thanks God for your safe trip. Come on hija, could you care to join"--alok ng nakangiting ina.

" Thanks Ma. Pero pagod ako. Sa kwarto lang muna ako Ma. Bye" --at muli itong humalik sa ina at saka binitbit ang dalang mamahaling hand bag.

"Roni.. Alam mo bang may nagbabalik?!?" --bitin ng ina sa gustong sabihin nito. Napalingon si Roni kahit ang totoo hindi naman siya interasado sa anumang ibabalita nito.

" Nagbabalik??? Ano naman 'yun Ma"--kunot noong tanong niya.

"That's not the question Roni..Hindi ano..kundi sino???" --sumilay ang mapanudyong ngiti sa pisngi ng maganda pa ring ginang sa kabila ng edad nito.

"Eh,sino??" --curious na tanong niya.

Hindi umimik ang Ginang,subalit,halata sa mga ngiti nito na may nais itong ipakahulugan.

Hindi na pinatulan i Roni ang sinabing yun ng dalaga.Mukhang hindi naman mahalaga,sa isip-isip niya.Ang mahalaga para sa kanya ay makapagpahinga siya.Masarap ang matulog dahil ang totoo napagod talaga siya sa pagmamaneho ng sariling kotse.

Siya si Ms.Ronalisa Salcedo,mas tinatawag siyang Ms.Roni sa opisina.Isa kasi siya sa mga big boss sa isang kompanya na pinagtatrabahuhan niya.Maganda.Mayaman.Matalino.Napaka workaholic na tao.Palibhasa,wala namang ibang iniintindi sa buhay.Wala kasing asawa,walang anak.Sa ngayon nga,single pa rin siya.Yes.Tama.Single at the age of 30.No lovelife pero hindi naman since birth.Nagka boyfriend din naman siya noon,after ng pagkabigo niya sa dating pag-ibig,never na siyang nag boyfriend.Nahirapan siyang mag move-on noon.Nakalimot pero 'yung sakit,parang nagbigay na sa kanya ng takot na magmahal muli.

Inilapag niya ang pagal na katawan sa kama at sa wakas nakatulog siya dahil sa matinding pagod.

Malalakas na tugtugan ang nagpagising kay Roni habang nasa kasarapan siya ng pagtulog.Maririnig din ang malalakas na tawanan ng kalalakihan at kababaihan na naroon.Sumilio siya sa bintana ng silid.Natatanaw niya ang liwanag sa katapat ng bahay nila.Marami pa rin ang mga bisita doon.Natatanaw niya ang ilang kababaihan na masayang nagtitilian at nagtatawanan habang may kasayaw na kalalakihan.

Naiinis siyang muling isinara ang bintana ng kanyang silid at nakasimangot na humigang muli sa kama.Sinubukan niyang matulog,ngunit dahil sa bumabasag na ingay sa katamikan ng gabi,hindi rin siya dalawin ng antok.

Tumingin siya sa relong pambisig,alas-dos na ng madaling-araw pero mukhang wala pa ring balak tapusin ang party party sa kabilang bahay.Kumuha siya ng malaking unan at itinakip sa tenga para.mabawasan ang ingay na nararamdaman niya.Subalit hindi talaga siya makatulog.

Naiinis siyang tumayo at muli ay sumilip sa bintana ng silid.Tanaw na tanaw niya ang nagaganap sa loob ng bakuran ng kabilang bahay.'Ang tugtugan at tawanan ng nga panauhin ay mas lalong lumalakas pa dahil marahil talab na sa alak ang mga taong naroon.

Mariing napapikit si Roni.Tama bang gawin niya ang nasa isip niya.Pero paano naman kung mapaaway siya sa bagong kapitbahay.Nagtitimpi siya,pero pakiramdam niya mas lalong lumulutong ang mga halakhakan ng mga taong naroroon.Parang lalo siyang inaasar.Hindi naman niya malaman kung ano ang nag-uudyok sa kanya na lumabas ng silid at sugudin ang nasa kabilang bahay.Alam naman niya na maling gawin yun.Pero,naiinis talaga siya.Sino ba naman ang makakatulog sa lakas ng tugtugan at harutan sa tapat lamang ng bahay nila.

Naubos na nga ang konting pasensiya niyang natitira.Desidido siyang bumaba ng silid upang magtungo sa kabilang bahay.Hindi naman siguro masama kung makikiusap siya na pakihinaan 'yung amplifier na ginagamit.Hindi naman nakakahiya ang gagawin niya as long as sasabihin niya yun in a good way.Maya-maya nga ay naglakad na siya at buo ang loob na kumatok sa gate.

"Hi Miss" --bungad sa kanya ng isang nakangiting lalaki na maluwang ang pagkakangiti.Halatang lasing ang lalaki dahil sa namumungay nitong mata.Ganundin,amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito.

"Ahm..Hi sir!P-pwede bang makausap 'yung may pa party" --tipid na ngiti niya sa lalaki.Kahit ang tunay ay nagtitimpi lang siya.Hate kaya niya ang makipag-usap sa mga lasing.Lalo na sa mga hindi niya kakilala.

"Halika Miss pasok ka. Party, party tayo" --aya sa kanya ng lalaking namumula sa kalasingan. Tinangka ng lalaking lumapit sa kanya at hawakan siya pero tumili siya.

"No way.Dont dare to touch me.Ang gusto ko lang ay makausap 'yung may pa party kasi nakakabulahaw kayo ng kapitbahay dahil bukod sa ang lakas na ng tugtugan ninyo,ang lakas -lakas pa ng tawanan ninyo.Sana naman,maging sensitive kayo dahil hindi lang kayo ang naninirahan dito.May mga taong hindi makatulog dahil sa ingay ninyo."--nakapamewang na ssermon niya sa lalaki.'Yung banayad na tinig niya kanina ay nauwi sa pagtataas na rin ng boses niya dahil sa pagkapikon sa lalaking nagtangkang hawakan siya.Ang mataas at galit na boses ni Roni ay umagaw sa atensyon ng ibang naroroon.

" Pare,anong nangyayari dito?"--tanong ng isa pang lalaki.

" Ewan,ikaw nga ang makipag-usap"--at umalis na ang lalaking lasing.

Isang gwapong lalaki ang humarap sa kanya.Mukhang hindi ito nakikipag-inom dahil sa maayos na pananalita at anyo, halatang hindi ito lasing.

"A-ano bang problema Miss" --tila nahihiya pa nitong tanong sa kanya.

"Ahm.G-gusto ko lang sanang makausap 'yung may pa party.Kasi..medyo maingay eh.makikiusap lang sana ako baka pwede pakihinaan 'yung volume "--yung mataas na boses ni Roni kanina ay nagawa niyang kontrolin.Dahil ba sa maamo at gwapong lalaki na nasa harap niya.

"Ahm.Sorry.Miss ha,naabala ka pa.Medyo nagkasiyahan kasi.Ako na lang 'yung bahalang magsabi sa pinsan ko nung request mo ha"--at ngumiti sa kanya ang lalaki.Lumabas tuloy ang malalim na biloy nito at nakaagaw pansin sa kanya ang napakagwapong mukha nito.

"Bye the way,i'm Brandon" --at maginoo nitong inilahad ang kamay sa kanya.Kahit naiilang ay iniabot din niya ang kamay sa binata at saka pilit na ngumiti.

"I'm Roni" --pakilala niya sa sarili.

Kasalukuyang magkadaop ang palad nila nang marinig niya ang boses ng isang babae.Hindi agad niya ito makita dahil nasasanggahan ito ng gate.

"What's wrong with you ba Babe,halika na matulog na lang tayo." --halatang lasing din ang babae sa paraan ng pananalita nito.Maya-maya ay nakita na nga niyang lumabas ang isang lalaki habang tila ahas na nakapulupot sa katawan nito ang kasing na babae.

"Pinsan ano bang problema diyan" --narinig niyang tanong ng lalaki.Lumabas ito sa gate at humarap sa kanya.
Halos mamutla siya at matumba sa kinatatayuan nang mapagsino kung sino ang lalaking nasa harapan niya ngayon.Hindi niya akalain na muli silang magkikita sa ganoong pagkakataon.

Sino kaya ang nakita ni Roni????

Happy Reading mga Sissy..Don't forget to leave your comments and votes🤗🤗🤗
Proud StefCam fan😍😍😍


💖Dear Future Husband💖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon