Chapter 3

10 1 0
                                    

Nadismaya naman ako ng hindi marinig ang pangalan ni Stella. Pero parang pamilyar sa akin ang pangalang nabanggit.




"Ma'am, with partner din po ba ang gagawin sa first activity natin or individual lang?" tanong ng isa kong kaklase.




"Partners. Para masanay na kayo sa paggawa ng activities." sagot naman niya.




"Okay, you can go now to your partners para pag-usapan ang gagawin ninyo sa first activity. I'll be going for now, class. We'll be doing the election of officers tomorrow. Hintayin niyo na lang ang pagdating ng next teacher niyo." pagpapaalam ni ma'am Elaine. Nag-goodbye din naman kami sa kaniya.




"Nice, Evans! Sa'yo napunta ang new chix!" hiyaw ng isa kong kaklaseng lalaki. Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya. Awkward.




"Hi, Brielle. I'm Zaire Evans. Don't mind them, mga loko ang mga 'yan." sabi ng lalaki na nasa harapan ko. Tinignan ko ng maigi ang mukha niya. Parang nakita ko na talaga siya, e.


Umupo siya bigla sa tabi ko at humarap ulit sa akin. Nahihiya akong gumalaw. Nang tignan ko siya ay nakita kong focused siya sa pag-iisip sa kung paano namin gagawin. Ang awkward ng sitwasyon namin, o para sa akin lang iyon? Nag feeling close na lang ako to get along with him.


"So, ano ang gagawin natin sa activity?" tanong ko.


Pinag-usapan namin ang kung ano ang dapat gawin para maaga naming matapos. Walang bingay na deadline si ma'am pero balak naming tapusin iyon at maipasa bukas.


Bumalik ang mga kaklase ko sa kaniya-kaniya nilang seats nang dumating ang next teacher namin. Bumalik na din si Zaire sa seat niya.


Puro introduction lang ang nangyari sa morning session. Pagod na ako sa kaka-introduce ng sarili ko sa bawat subject teacher. Lunch time na ngayon. Bababa na lang ako para bumili ng pagkain dahil hindi ako nagba-baon.


"Bri!" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita si Stella. Kasama niya ang isa pang kaklase na pagkakaalam ko ay nakaupo sa second row.




"Hi, Brielle! I'm Ashlee. Classmate mo din ako." napakacheerful din ni Ashlee, just like Stella. I guess makukulit talaga ang mga estudyante dito.




Niyaya nila akong sumama sa kanila sa pagpunta sa canteen. Sabay sabay kaming tatlo sa pagbaba. It's great to have friends. Malungkot kasi kapag mag-isa ka lang na kakain. Nakakamiss tuloy ang tatlo kong kaibigan sa Pangasinan.




Nang may makita akong adobo sa menu ay 'yon agad ang inorder ko. Naghanap kami ng bakanteng seat at kumain na.




"Hi, Bri!" nagulat ako nang biglang may umupong lalaki sa tabi ko at inakbayan ako. Kaklase ko din yata siya. "Ito, para sa'yo." inilapag niya sa lamesa ang isang c2 bottle.




"Ah, thank you." sabi ko at umalis na siya. Nagtawanan naman ang dalawa kong kasama.




"'Wag mo na lang pansinin, Bri. Ngayon lang kasi sila nakakita ng bagong mukha sa LHS sa loob ng four years." sabi ni Stella habang tumatawa. Ngumiti na lang ako ng pilit.


Naglakad na kami pabalik sa room matapos kami kumain, ngunit nakita ko si Zaire sa kabilang bilihan.


"Stell, Ash, una na kayo. May bibilhin lang ako saglit." pagpapaalam ko. Tumango naman ang dalawa at naglakad na ulit.


Tumawid ako sa quadrangle at tumungo kay Zaire. Kinalabit ko siya dahilan para siya ay magitla.






"Uy, Brielle!" bati niya. Ngumiti ako bilang bati pabalik.


Depth of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon