PARA SA MGA SAWI SA PAG-IBIG
Yung feeling na mahal mo parin siya hanggang ngayon hindi mo siyang kayang kalimutan na kahit anong gawin mo siya parin ang minamahal mo habang siya nakikita mong mas masaya sa piling ng iba. Yung feeling na bawat sulok at lugar na pinupuntahan mo, imahe ninyong dalawa na masaya at kayo pa ang magkasama.
Yung feeling na, ang sarap balikan ang mga alaala ninyong dalawa pero TAPOS NA. Yung feeling na, walang kahit isang araw na hindi ka umiiyak dahil sa kanya. Yung feeling na, tina-try mong maging okay at masaya kahit deep inside durog-durog at dumudugo ang puso mo sa sakit na nadarama.
Yung feeling na kung dati sobrang daming text, sweet na lambigan na akala mo asukal na pwede ng kainin ng mga langgam, mga pasyal pasyal sa mall, hawak kamay, mga halik, mga kulitan ay biglang nalang naglaho na parang bula.
Yung feeling na ayaw mo paniwalaan at tanggapin ang nangyayari pero kailangan din.
BINABASA MO ANG
Yung Feeling Na
Acak{ random } May feeling ba kayo ngayon na lahat ng nakasulat na feelings dito relate kayo? Kung oo, tara! Magbasa kayo para lalo niyong mafeel ang mga quotes ng 'Yung Feeling Na'.