CHAPTER 2:The King of Snobber

26 19 7
                                    

CHAPTER 2: Jupiter, King of Snobber

Jupiter's POV

Sinundan ko ng tingin ang babaeng nagmamadaling umalis. Pinagkunutan ko lang iyon ng noo, it seems that her acts are quite weird.

"Hindi naman ako nangangagat" nakakunot noong sabi ko. Binuklat ko na lang ang libro at prenteng naupo dito sa isa sa mga hagdan.

I read this kind of Sherlock Holmes novel. Hindi ko na idedescribe kung anong uri ito, coz I don't want to share an info. Madamot ako sa information. So, do i.

It must be an hour before the time starts for the next period kaya tumayo na ako. Sinadya kong magpahuli para hindi abutan ng mga tao. Well, ayoko ng exposure kaya naman, mas pinipili kong maging mapag-isa.

"A-Ahmm...Piter.." malanding pagtawag ni Duane sa pangalan ko. Pasimple ko syang sinagi gamit ang balikat ko dahil ayaw kong may nakaharang sa dinaraanan ko. Nararamdaman ko ang galit ng mga kalalakihan sa ginawa ko, but I just don't care. Hindi ako mahilig sa mga taong papansin. Just to know the presence and to be friends with me.

Besides, isa sa pinakaayaw ko ay tinatawag akong Piter. Jupiter is my name, and not more nicknames allowed.

Marahan kong niyuko ang ulo ko habang nakikinig ng music. I don't want to spoil you about my music taste. Just think of na hindi ako mahilig magkwento ng mga paborito kong gawin. Na kung anong mga paborito at hilig ko.

"Mr. Mendez?"

Dahan-dahan akong nag-angat kay sir Uno.

"Tulog ka na naman sa klase ko?"

"No sir" mabilis na sagot ko.

"At may earphone ka pa sa tainga? Gusto mo kumpiskahin ko 'yan ha?"

"No sir" paguulit ko ng sagot. Lumapit pa sya sa direksyon ko.

"Alam mong may klase na pero ginagawa mo pa rin ang gusto mo. Sa tingin mo tama iyon ha?"

"No sir"

"Puro ka no sir, sige na itabi mo na yan" nakakunot noong aniya. Matamlay kong hinugot ang earphone sa mismong tainga ko at saka inilagay ito sa bulsa.

Pero hindi ko maihiwalay sa aking kamay ang cellphone na gamit ko. I'm still waiting for someone who can reply to my text.

Mahigit isang oras ng nakalipas at bagot na bagot na ako sa pagtuturo ng guro na ito na nasa harap namin. I can't wait to have another session of game mamaya.

"Okay class dismiss"

Nagsigawan sa tuwa ang mga kaklase gaya ng inaasahan ngunit dumungaw ulit si Sir sa amin.

"Yes for today's dismissal, no for tomorrow's quizzes huh"

Pfft.

"Hay! Ano ba naman yan! Akala ko wala ng ganyan!"

"Kainis naman tong si Sir Uno eh!"

Hindi ko na inintindi pa ang mga opinyon nila. Kinuha ko ang bagpack at dinukot ang earphone na nasa bulsa nito.

Brrrt--

Kinuha ko kaagad ang cellphone na nasa bulsa, heto na ang hinihintay kong message.

Kim 🐱:

*Nasaan ka na? Kanina pa kita hinihintay..

Me 🐶:

*Just wait for me a while

Napangiti na lang ako. Nasasabik na akong makasama sya ngayon. Dala ng stress ko sa school na ito kailangan ko ring magpalamig ng ulo.

Naglalakad lang ako sa daan ngunit ang mga babae ay walang tigil sa pagsunod at pagbati sa akin. Hindi ko lang sila pinapansin. Ewan. Hindi ko need ng presence nila. Girls are only notice the handsome ones, that's their typical trait.

THE ARTISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon