CHAPTER 1: Rhein

37 21 1
                                    

Plagiarism is the representation of another author's language, thoughts, ideas, or expressions as one's own original work.In educational contexts, there are differing definitions of plagiarism depending on the institution.

Plagiarism is considered a violation of academic integrity and a breach of journalistic ethics. It is subject to sanctions such as penalties, suspension, expulsion from school or work.

Rheevie's Note:

This is based to my true to life story, but some of details are not been there, some details here are also added. But still, my life as an artist is already been shared here so enjoy reading!

Another Note:

Kung ayaw mo ng kwentong artist, linawan mo ang pangintindi mo dito. Kasi hindi lahat ako pa mag-aadjust. Hehehe.



"Nagdodrowing ka na naman?" bungad sa akin ni Papa habang binubuklat ang notebook ko. Nag-start ito sa paguusisa mula sa likod ng notbook ko kung saan alam nyang madalas akong nagdodrowing doon. Kinakabahan ako dahil galit na galit na naman ito sa akin. Alam ko naman na ang pinakaayaw nya sa lahat ay ang magdrowing ako, lalo na kapag anime characters pa.

"Alam mong wala kang mapapala sa mga ganito diba? Bakit ka pa rin nagdodrowing ng ganito?"

Hindi ako nakasagot. Nanantili lang ang paningin ko sa sahig habang kinutkot ang mga kuko sa daliri.

"Pambata lang ang pagdodrowing ng ganito Rhein! Hindi ka ba nagsasawa?!" at tuluyan ng ibinato ni Papa ang notebook ko sa sahig. Awotmatikong tumayo naman si Mama para awatin sya sa tangka nitong lumapit sa akin.

"D-Dino?! Huminahon ka lang!"

"Wala kang kadala-dala Rhein! Wala ka ng ginawa dito sa bahay kundi ang magdrowing! Kailan ka matututo ha?! Pag Nawala na kami?!"

Napakagat-labi ako. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin,ayaw ko naman syang sagot-sagutin. Pero nakakainis lang na ang dami ko namang ginawa para sa bahay na ito pero ang pagdodrowing ko lang ang napapansin nya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maiyak tuwing gabi.

Buong buhay ko palaging ang mga hilig kong gawin ang hindi nila gusto. Kahit ilang beses kong gustong sumagot o lumaban ay hindi ko magawa dahil mahal ko ang mga magulang ko. Ginagawa ko naman lahat ng makakatulong sa pamilya sa kahit maliit na paraan. Palihim akong nagdodrowing sa tuwing wala sila sa bahay.

Akala nyo madali lang buhay artist noh?

Hindi. Hindi iyon madali para sa isang katulad ko lalo na kung walang sumusuporta sa'yo sa bahay nyo palang. Napakahirap ng sitwasyon ko. Efforts, time management at perang nagagastos sa art materials pa lang.

Hindi pa kasama ang mga taong walang magawa sa buhay kundi ang manira ng puri sa isang beginner na artist katulad ko.

"Ray!"

Ah, Ray nga pala ang nickname ko. Sa social media, ganon din ang tawag nila sa akin dahil hindi ko tunay na pangalan ang ginagamit. Bumaling ako sa likod. Sumalubong sa akin si Marilyn. Humahangos sya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Ikaw pala"

"Good morning Ray! Hehehehe, nagawa mo na iyong assignment sa Math? Iyong pinapasolve ni Sir?"

Tsk Algebra..

"O-Oo. Pero alam mo kahit anong pilit kong pag-aralan yan hindi ko masyado maintindihan 'yan."

"Ako rin naman." Saka umakbay sa akin, "relate ako sa dating lessons teh, subtractions, multiplication, division at addition lang ang madali noon. Nakakatop 1 pa nga ako dyan eh, pero ngayon wala na. Parang biglaang expiration ang katalinuhan natin sa Math na yan"

THE ARTISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon