Intro

2.3K 52 5
                                    

Copyright©april2015by
Iamjessa

All rights reserved

Sa paglalakad ko napunta ako sa isang gubat na medyo pamilyar sakin ang itsura

Hindi ko alam ang lugar na to pero patuloy parin ang mga paa ko sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang napakagandang lugar malaparaiso sa ganda lahat ng puno at halaman buhay na buhay ang sarap lumanghap ng hangin mahahalata mo ang amoy ng mga bulaklak at prutas

Lumapit ako sa isang halaman at pumitas ng bulaklak

"Mahal na prinsesa" dinig kong tawag sakin nung nasa likuran ko

"Hindi prinsesa ang pangalan ko"

"Matagal ka ng hinihintay ng kaharian lahat ay nagagalak ng makilala ka" nagtaka ako at ngayon ko lang napagtanto na nakasuot pala ako ng gown na kulay puti


Riiiinnngggggg..

Napabalikwas ako sa orasan

"Shit Late na ako "

Dali dali akong pumunta sa banyo at naligo.

Panaginip na naman.

Sa dinami dami ng pwedeng mapanaginipan bakit laging yun ang panaginip ko?

Laging sa lugar na yun at ang sinasabi nila ganun din paulit ulit lang.

Napa buntong hininga na lang ako.

"Another boring day of my life pasokan nanaman. Ano nanaman kayang mangyayari ngayong araw na to"

Nang matapos na akong maligo nag madali na ako maglakad puntang school walking distance lang naman tong bahay namin hanggang school

Ako si Julie Ava Reyes 17yrs old college student nag aaral sa Saint Greeve Academy (SGA)

Sikat ang SGA dahil bukod sa sobrang mahal ng tuition dito ay may ibat ibang papuri at parangal ang meron ang school na ito

Scholar ako pero kalahati lang sa tuition ko ang binabayaran nila at saamin na ang mga natira kaya nag papart time job din ako sa isang casual restaurant para makatulong din kay mama kahit papano.

Isang normal na araw na naman

Ganto lang ang buhay ko araw araw.

Magigising kakain papasok sa school mag aaral, at ipapasok ang mga natirang oras sa trabaho uuwi at gagawa ng mga gawaing bahay.

Halos hindi ko maenjoy ang buhay teenager hindi ko nafefeel.

Sabi nila eenjoy mo ang buhay mo hanggat bata ka pa dahil maraming pwedeng mangyaring magaganda

Pero bakit ganito?

Ganito ba talaga ang pakiramdam? ganito ba talaga kaboring?

Hindi rin ako mahilig sa mga barkada o gimik pero gusto ko ng kaibigan.

May kaibigan ako, kaya nga lang ay hindi ako ganun ka dalas mag bukas ng saloobin sakanya kahit napaka komportable na nya sakin ay ganun parin ako makisama sakanya.

Sa isang bagay nalang ako nag eenjoy sa buhay ko ngayon.

Ang pagbabasa ng libro ng fantasy.

Hilig ko ang pagbabasa ng fantasy book. feeling ko nga minsan ako yung character sa mga kwento may pagkakataon rin na kinikilig ako sa mga love story ng dalawang bida sa kwento

Tuwing nag babasa ako pakiramdam ko nasa ibang mundo ako

Sobrang saya..

Sa bawat librong binabasa ko araw araw

Feeling ko isa akong prinsesa sa isang lugar na may kapangyarihan din tulad nila.

To be continued...
-------------

A/N : medyo edited po ito hanggang chapter8 haha inayos ko yung mga typo at inalis yung mga emoticons wahahahaha sorry na po ang jejemon ko dati eh.

This is my first story, i was 15y/o when i started to write it.

Enjoy reading

Please don't forget to vote and comment
Thankyooouuu sainyo!! 😍❤
Iamjesssaa

Boyfriend Kong EngkantoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon