IOC 5 : Kiona&Johnson

124 13 3
                                    

Chapter 5


Kiko's POV


Napa 'Shit' ako sa nangyari sakin! At pati-- Shit talaga! Pati uniform ko nadumihan na! Wala pa naman akong dalang extra. Kainis!

Pinatid ako nung babaeng natamaan ko ng bola nung nasa village court kami at ayun! Natumba sa akin ang chocolate drink na hawak ko.


"Ano gusto mo kainin?" Pagmamaang mangan nya, bigla nyang tinanong yung kasama nyang babae. Parang nakita ko na sya, or kamukha lang nya yung nakita ko.


"Ano bang problema mo saken?!" Pagaatungal ko sa kanya. Anlaki ng galit sakin netong babaeng 'to!

"Ikaw na naman?! Alam mo nakakainis ka na! May gusto ka ba saken? Papansin ka e! Ella tara na nga!" Wow ha! As in wow! WOW! Ako may gusto sa kanya? Baka sya?! Sa gwapo kong to, baka sya ang may gusto sakin? Ako pa papansin?! E sya nga tong pinatid ako! Pinatid ako ng walang dahilan at nagmamaang maangan pa! Jusko, kung di lang babae to pinatulan ko na to!


"Pinatid mo ko! Argh! Magbabayad ka!" Sigaw ko sa kanya nung nakalayo na sila. Iniwan lang nila ako dito. Nakakainis! Pinagtitinginan tuloy ako ng mga estudyante dito. 

Umalis nalang ako at tinawag ko yung Janitor dito para linisin yung natapon sa sahig. Nakakainis! Di dapat ako nagpapatalo sa babae! Dapat sa kanya bigyan ng leksyon! Tama! Leksyon! Humanda ka sa akin!


Palakad na ko sa cr, di pwedeng ganito ako pag pumunta ako sa mga kolokoy! Tsk. Talagang pagtatawanan nila ako, at kakantsawan. Ayoko naman na may aangat pa sa kagwapuhan ko noh. Oo isa lang makakaangat sa kagwapuhan ko, at di nyo pa pwede malaman kung sino yun. Tsk, chismosa talaga kayo.

Talaga nga naman oh, talaga bang nangangasar ang tadhana? Nakita ko na naman sya at teka.. May sinasabe sya.. Pinakinggan ko muna sila at nagtago ako dito sa gilid ng hagdan..

"Sino yun? Diba sya yung nasa ice cream parlor kahapon?" Pagtatanong ng kasama nyang babae. Napahinto naman sya at hinarap yung babae na kasama nya at tawa sya ng tawa. Ano tinatawa tawa nya?! Urgh!


"Oh bat ka tumatawa?" Halatang gulong gulo yung kasama nya dahil tawa lang ng tawa yung babaeng yon! Kung sya lang mag isa baka pagkamalan pa tong baliw at kakalabas lang sa mental.


"Sya yung lalakeng nakatama saken ng bola kahapon, tsaka sya yung nasa ice cream parlor kahapon. Sya naman yung lalakeng singit sa pila kanina, at tama lang sa kanya yun. Pinatid ko sya. Wahahahahaha---" Pagkadinig kong yun agad ako lumabas at ngumiti. Napatigil naman sya sa pagtawa at napatakip sya ng bibig. Kakadaldal mo, naamin mo na rin na ikaw ang pumatid sa akin.

Habang yung kasama nya naman nakakunot lang ang kilay, Sorry miss! But i need to do this for my sake!

"Ikaw pala ang pumatid sakin ha!" Agad agad ko syang hinila at dinikit sya sa pader habang locked up sya sa akin. Nakataas ang kamay ko at napapagitnaan sya ng kamay kong nakasandal sa pader.


Halata namang kabado sya, tsk. Bat mo ba kasi ako pinatid? Gusto lang ata neto magpahalik! Ts, katulad din pala sya ng mga babae dito. Haliparot.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya ng nakangiti, halata namang takot na takot sya sa gagawin ko. Nakatakip pa din ang bibig nya at pilit nyang nilalayo ang ulo nya sa akin..

In ONE Condition (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon