IOC6: JOJO?

159 11 24
                                    

Chapter 6

Kiko's POV

Nagbalak ako bumisita kay Mommy Embeth, ang pumapangalawang nanay ko. Gusto ko kasi makita si Kiona, wala lang. Ewan ko ba, tinulak lang ako ng mga paa ko na bumisita sa kanila. Siguro naman, eto na yung panahon na malalaman nya na Fiance nya ako. Kasi since when I was 6 years old. Laging sinasambit sakin nila Mom at Dad na Kiona and I ay ikakasal soon to be.. So ibig sabihin, hindi pa kami dumadaan sa pagkabinata at dalaga. May plano na sila sa amin.

6 years old ang unang pagkikita namin ni Kiona, at yun yung araw na unang kita ko palang ay nahulog na ako. Nahulog na yung puso ko sa kanya, oo ganun kabilis kahit hindi pa ako tuli. Hahahaha! Pogi naman ako eh. Aminin nyo na, na maiinlove din kayo sa kapogian ko. Pft. Haha!

Kinakabahan ako nung nandito na ko sa tapat ng bahay nila Kiona.. Eto na ba ang panahon para makita ko ulit sya? Wala namang masama kung bibisitahin ko sya diba? Walang masama kung.. Makita ko sya? Kasi.. Hindi ko na talaga maalala yung mukha nya. Malay nyo gumanda ulit sya? Nagdoorbell na ako at agad naman binuksan yung pinto. At bumungad sa akin ang babaeng nakasuot pangkatulong. Natatandaan ko sya.. Sya yung katulong na laging nakabantay sa amin nung naglalaro kami ni Kiona..

"Maam, si Mr. Johnson po." Sigaw nya nung makita nya ako. Agad naman nya akong nginitian at pinapasok.

Wala pa ring pagbabago ang bahay na 'to. Maganda, malawak, malaki at ang bango. Malinis na malinis talaga ang bahay na 'to. Walang pinagbago simula nung pumunta ako dito.

"Hi, Johnson. Kamusta? Napadalaw ka ata?" Nagulat naman ako sa biglang nagsalita. Si Mommy Embeth pala.

Nagmano ako sa kanya para magbigay galang.

"Hi, Mommy. Asan po si Kiona? Antagal na namin di nagkita." Paguumpisa ko. Totoo naman, matagal na kaming di nagkikita ni Kiona. At ewan ko ba, sabik na sabik na kong makita sya. Ngayong, college na ko. Siguro, panahon na din para makilala namin ang isa't isa.

"Wala pa sya eh. Maupo ka muna, dadalhan na lang kita ng food mo." Sambit nya, ngumiti nalang ako at tsaka umupo sa sofa. Sobrang bait talaga ni Mommy Embeth. Kahit busy silang mag asawa, may time pa rin sila kay Kiona. Katulad ngayon, si Tito Louie naman ay may inaasikasong business with my Dad. Business na hindi mo matatanggap sa una, at pati ako kasama sa business nila. Soon..

"Johnson, salad for you. How are you? Antagal na natin di nagkita. Alam ko 10 years old ang last nung bumisita ako sa bahay nyo." Sabi ni Mommy Embeth, na may dalang salad para sa akin. Nagthankyou naman ako sa binigay nya at nagsimulang kumain. Wala pa rin talagang nagbabago, siguro gumawa sya ng salad for Kiona. Favorite kasi nya ang salad, sabi nya sa akin noon.

"Eto, Mommy. Ayos lang po, still pogi pa din. Hahahaha!" Pagbibiro ko. Hahahaha! Pogi pa din naman ako. Kaso may panira lang talaga ng araw ko ngayon. Psh.

Maya maya ay may nagdoorbell. Kaya naman agad tumayo si Mommy Embeth mula sa pagkaupo sa tabi ko.

"I think, andyan na si Kiona."  Sabi nya sa akin. Potek! Kinakabahan ako. Bat ba ako kabado?! Psh. Inhale.. Exhale..

"Mommy, Im home!" Boses babae yun, agad akong nataranta at kumuha ng unan.. Pero hindi pangit pag unan itatakip ko sa mukha ko mukha kong tanga..

"How's your first day in your school?" Rinig kong tanong ni Mommy Embeth.

Potek na yan! Wala man lang bang magazine o newspaper dito? Tarantang taranta na ako, baka kasi pag nakita ako ni Kiona hindi sya magwapuhan sakin or mahimatay dahil sa pagiging gwapo ko. Gusto ko yung may thrill at excitement..

"Hi Tita." Rinig ko pang boses ng isang babae.

"Oh, wait. Someone's wating for you." Potek na yan! Mas kinabahan pa ako lalo sa sinabe ni Mommy Embeth. Ano ba, Kiko Johnson Lewis! Wag kang kabahan! Babae lang yan! Ilang beses ka na nakakita ng babae diba?! Pero kasi.. Iba ang pakiramdam ko eh.. Parang ewan.. Hindi ko maipaliwanag.

In ONE Condition (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon