Message

304 16 6
                                    

Hello there! Ang tagal na since noong last update ko.

For now may ikwekwento lang ako.

Tungkol ito sa pinagdadaanan ko ngayon and hopefully sana ma-inspire kayo or matulungan ko kayo sa mga lessons na natuklasan ko.

1st year palang naman ako ay marami na rin akong pinagdaanan and pagdadaanan pa.

Sooo....

Yep! Ang sabi nila mahirap ang Arki. Ang sabi nila palagi ka daw magpupuyat.

Pero medyo mali pala sila!

Kasi ngayong arki student ako hindi pala siya mahirap kundi sobrang hirap. Hindi ka lang pala magpupuyat kundi hindi ka na matutulog.

Noong 1st sem, ganun palagi. Wala ng tulog. Papasok ako ng wala sa sarili. Nakakatulog sa klase.

Kaya iyon din ang dahilan kung bakit nabagsak ko ang dalawang math ko. Actually madali lang talaga siya. Kasi napag-aralan na namin noong highschool ako. Pero nga dahil sobrang aga ng math subjects ko (mwf 8am at tth 7am), nakakatulog ako sa klase. Dagdag pa na mahaba ang byahe ko. Minsan hindi ko alam kung nasa anong topic na ba kami.

Kaya ngayong second sem, naging unti nalang ang subjects ko. May mga hindi ako nakuha kasi may bagsak ako.

At dito naging hayahay ang buhay ko.

Although may plates kami, lagi akong 'mamaya na' hanggang sa hindi ko na nagawa. Kasi nasanay na akong walang ginagawa kasi nga hayahay ang life eh.

Kaya this past few days, narealize ko na ang hirap ulit umalis sa comfort zone.

Yung feeling na tinatanong ko sa sarili ko kung magiging architect pa kaya ako?

Nahihirapan ako sa problema. Sa napakaliit lang na problema.

Nahihirapan akong kalabanin ang katamaran ko.

Naisipan ko ng magshift nalang.

Pero may isang tao na nagsabi na kaya ko naman pero tamad lang ako. Laging pa easy easy.

Gusto kong maging architect. Gustung-gusto.

Kaya kaninang umaga, humingi ako ng sign kay Lord na kahit 3 lang. Sign na kung para ba sakin ang arki. Kung karapat dapat ba ako.

And unexpectedly, 2 agad ngayong araw ang sign na ibinigay Niya.

Yung unang sign is: nakita ko yung instructor ko noong 1st sem. Pero ngayon ko lang siya actually nakausap ngayong 2nd sem. So bale 1st meet up namin ngayong 2nd sem kasi hindi ako madalas tumatambay sa school. And nagulat ako sa sinabi niya. Akala niya nagshift ako. And ang sabi niya saakin, "kaya mo yan. Aabutin mo yan hanggang dulo. Matalino ka naman eh".

2nd sign: may cell group kami. And ang topic namin ay about sa Luke 18. At pinabasa mismo saakin ng leader ko ang Luke18:1. (Basahin Niyo :) )

Ang saya saya na nandiyan si Lord para tulungan ka sa pagdedecide mo.

Nandiyan Siya para tulungan tayo sa problems natin.

Kaya wag na wag nating Siyang kalilimutan.

And always maglaan tayo ng oras Sakanya kahit gaano tayo kabusy. (Pero wag naman tira tirang oras mo)

Take note! Wag mong hayaang mahigitan ng ibang bagay si Lord sa buhay mo.

Gawin mo Siyang King ng buhay mo. :)))

So magpray lang tayo. Kung saan tayo nahihirapan, ipagpray mo yan kay Lord. At maging faithful ka.

God is bigger than your problems.

......

Salamat.

Salamat sa mga nagbabasa nito :))

God bless guys! Thank youuu.

To God be the Glory ♥

Archi ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon